Chapter 37

4.6K 113 1
                                    

SAFFY's Point Of View

KINAKABAHAN akong naghihintay ngayon kay Mavy sa labas ng bahay.Iniisip ko na kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na buntis ako.Paano na lamang kung hindi niya tanggapin ang magiging anak namin?Paano na lamang kung iwan niya ako dahil dito?Hindi ko kayang tanggapin ang mga namumuong kasagutan sa isip ko,hindi ko kakayanin kung itaboy niya ako at ang magiging anak namin.

Paano pala kung hindi pa siya handang magkaanak?Hindi niya ako pananagutan.Ano ang gagawin ko?Ipapalaglag ko ang bata o bubuhayin na lamang itong mag isa?Maski kay inay ay hindi ko alam kung paano ko ipaaalam.Natatakot ako sa reaksyon niya at sa gagawin niya sa akin pag nagkataon.Pero hindi rin naman kase pwedeng isekreto ko lamang ito lalo't alam kong lalabas rin ang katotohanan.Sabi nga nila,walang sikretong hindi nabubunyag.

MAKALIPAS ang halos sampung minuto na paghihintay ay dumating rin sa wakas si Mavy.Hindi ko na hinintay pang bumaba siya at pagbuksan ako.Sa halip ay ako na mismo ang pumasok doon sa kaniyang kotse.

"Good morning,baby.Am I late?"bungad agad niya pagkapasok ko saka ako ninakawan ng halik sa labi at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko.Nakangiti ko naman siyang inilingan.

"Magandang umaga rin,babe-hindi naman,maaga lang talaga akong natapos sa pag aasikaso"wika ko pa rito.Pinaandar niya na ang sasakyan niya at nagmaneho na patungo sa Parker University.Ako naman ay tahimik lamang at pinag lalaruan ang mga daliri ko,naghahanap ng tamang tyempo para sabihin sa kaniyang buntis ako.

Pero hanggang sa makarating kami ng unibersidad ay wala rin akong nagawa.Masyadong namuo ang kaba at takot sa dibdib ko at hindi ko masabi-sabi sa kaniya.Siguro ay sa ibang araw ko na lamang sasabihin,marami pa namang ibang araw.

NAGTUNGO na lamang kami sa classroom at naabutan doon si Vienn at ibang mga kaklase namin.Wala sina Travon at Wax at hindi ko alam kung bakit.

Simula nang pumasok kami ni Mavy ay nakamasid sa amin ang mga kaklase namin,hindi ko alam kung bakit.Ang iba ay nagbubulung-bulungan pa kahit masyado namang malakas ang boses nila para marinig ko ang iba nilang pinag-uusapan.

"Napanood niyo na ba yung sc4nd4l?"

"Oo napanood ko na.I wonder kung anong magiging reaksyon niya kapag siya mismo ang nakapanood nun."

"Grabe,sigurado akong maghihiwalay agad sila"

Napakunot noo pa ako at nagtaka sa mga sinasabi nila ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon hanggang sa pareho na kaming naupo ni Mavy sa dapat naming upuan.May sarili akong problema na kailangan kong asikasuhin.Isa pa,ngayon ko balak kausapin si Vienn.Ngayon ako hihingi ng tawad sa kaniya,ayoko nang patagalin pa ito.Masyado ko siyang nasaktan kaya't aayusin ko ang pagkakamaling nagawa ko sa kaniya.

"Vienn..."nilingon ko si Vienn para sana subukang kausapin ngunit siya namang pagtayo nito at may kinausap na isa sa mga kaklase naming babae.

"Feyth,pwede mo ba akong samahan sa library?May hihiramin lang akong libro"aniya pa ni Vienn at pumayag naman agad si Feyth at hayun nga,tuluyan na silang lumabas ng classroom.Napasimangot naman ako at nalulungkot na tumungo.Ngayon,ayaw niya na talaga akong pansinin at kausapin.

"Hayaan mo muna siya,baby.Just talk to her in other time"rinig kong sambit ni Mavy at sinuklay nito ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.Sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko at hindi naman siya nabigo doon.Siguro sa ibang oras na lamang nga.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon