SAFFY's Point Of View
"Inay..."iyon agad ang bungad ko kay inay pagkapasok niya ng bahay ni tiya Praning.Kanina pa kami dito naghihintay dahil ang sabi ni tiya ay naglalabada raw ito,iyon kuno ang bago niyang hanap-buhay simula nang umuwi siya rito at nakitira kina tiya Praning.Halatang pagod siya dahil kung titingnan mo ang katawan niya ay tila hindi na noon kayang kumilos pa.Halos maligo siya sa pawis at gulu-gulo na rin ang buhok niya.Iniisip ko pa lamang na ganiyan palagi ang lagay ni inay tuwing umuuwi ay naawa na ako.Mas mahirap ang paglalabada kesa sa pagtitinda ng mani,para sa akin.Alam kong danas niya iyon.Pinigil ko ang pagbagsak ng mga luha ko ngunit nabigo ako nang makitang lumuha na si inay.Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.Sobrang namiss ko ang inay ko.Kahit na halos isumpa na niya ako noon at kahit na ipinagtabuyan niya ako ay kailanman,hindi ako nagtanim ng kahit katiting na galit at hinanakit sa kaniya.
"Anak...Saffira,anak,bumalik ka na"iyak ni inay habang niyayakap ako pabalik.
"Opo,inay.Sabi ko nga diba sa sulat,babalik ako"naiiyak na wika ko naman.Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko,luhaan pa rin.
"Patawarin mo ako anak.Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdadaanan mo nang mga panahong iyon.Ni hindi manlang kita nagawang intindihin.Patawad anak,patawarin mo si inay"lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya.
"Patawarin mo rin ako inay kung naging pabaya ako at nagbuntis ng maaga"ang sabi ko naman at muli siyang niyakap.
"Sshhh,napatawad na kita anak.Kahit anong mangyari ay anak pa rin naman kita.Sana lamang ay kasama mo ako nang mga araw na nahihirapan ka,pero hindi.Ipinagtabuyan kita at hindi inintindi,patawad anak"wika naman niya.Buong ilang minuto ay magkayakap lamang kami ni inay at umiiyak hanggang sa pareho kaming nahimasmasan.
"Nasaan na pala ang apo ko?Babae ba siya o lalaki?"kapagkuwan ay tanong ni inay at inilibot ang paningin,hinahanap si Savynna.Wala nga pala rito si Tiya Praning dahil nagpaalam ito sa akin na bibili raw siya ng isda sa palengke.Si Jonas naman ay nasa bukid at si Helen naman ay nasa eskwelahan daw.
"Nasa kwarto inay,natutulog"sagot ko sa tanong ni inay.Kaagad itong nagtungo sa kwarto na sinundan ko naman.Nang makita niyang payapang natutulog si Savynna sa katre ay naoangiti siya at naupo agad doon sa paanan.Pinagmasdan niya ang aking anak na tila ba isa iyong napakagandang bagay.
"Napagandang bata"ang puri pa ni inay at hinimas ang matambok nitong pisngi.Natuwa pa ito nang marinig ang mahihinang hilik ni Savynna.Napakacute nitong tingnan lalo pa at bahagyang nakanganga ang bibig nito at nakatagilid,yakap ang kaniyang hello kitty na laruan.
"Nakapanghihinayang at isang manloloko ang ang kaniyang ama"naramdaman ko ang galit ni inay nang sambitin ang mga salitang iyon.Alam niya ang nangyari sa amin ni Mavy,sinabi ko iyon sa sulat,lahat-lahat ng mga napagdaanan ko.
"Pero kahit na ganoon,kahit na bali-baliktarin natin ang mundo,ang lalaking iyon pa rin ang ama niya kaya anak,huwag mong ipagkakait sa bata na makilala ang ama niya anuman ang nangyari sa inyo sa nakaraan.Hindi kasama ang bata doon,labas siya sa problema niyo"nilingon ako ni inay at ramdam kong ipinaiintindi niya sa akin bawat katagang binitawan niya.
"Alam ko,inay pero siguro hindi pa ito ang oras para doon"ang wika ko habang nakatitig sa aking anak.Kanina,ayaw niya akong kausapin dahil hindi ko ito mapagbigyan sa kagustuhan niyang makita ang daddy niya.Tapos pagdating namin dito sa bahay ni tiya Praning ay nag-iyak na naman siya at gustong umalis para puntahan kuno ang daddy niya.Hanggang sa nakatulugan na ngalang niys ang pag-iyak.Naaawa ako sa anak ko pero kailangan ko munang maayos ang lahat at masigurong tatanggapin siya ni Mavy.

BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
Lãng mạnNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...