Chapter 31

4.5K 90 2
                                    

SAFFY's Point Of View

"Anong pinag usapan niyo?"tanong ko agad kay Mavy nang makalabas siya mula sa kwarto ni Frost.Seryoso ang mukha niya kaya nasisiguro kong seryoso ang kung anumang pinag usapan nila.Hindi dapat ako makealam ngunit gusto ko talagang malaman eh,ano ba kase iyon?

"Nothing,you're being a gossiper"irap na naman niya sa akin,napasimangot naman ako.Ayaw talaga niyang sabihin?Hmp,kay Frost ko na lamang itatanong.

"Hey,where are you going?"pigil agad niya sa akin nang aktong papasok ako sa kwarto ni Frost.

"Kay Frost ko nalang itatanong,ang damot mo eh"nakangusong wika ko sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa loob,sumunod naman agad siya sa akin.

"Tsk,As if he'll tell you"taltak pa niya ngunit ko na siya inimikan pa at dali-daling umupo sa upuan sa tabi ng kamang hinihigaan ni Frost.Nagtataka naman itong nakatingin sa akin.

"Lona,I thought you're gping home already?"takang tanong pa niya na agad kong inilingan.

"Parker?"tanong niya kay Mavy na nakatayo sa likuran ko.

"She wants to gossip about what we had talked about earlier"rinig kong wika ni Mavy at naramdaman kong inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko.

"Napakachismosa mo!"natatawang wika naman sa akin ni Frost at pinitik ang noo ko,agad na naman akong napasimangot.Nananakit na sila ha!

"Hindi ako chismosa,masama bang magtanong?"nakangusong aniya ko pa habang hinihimas ang noo ko.Ang sakit nila mamitik.

"Chismosa ka pa rin,baby"napairap naman ako at inis na tiningala si Mavy.Kinampihan pa talaga si Frost,nakakainis!

"Hindi ka nakakatulong!Ako ang girlfriend mo,dapat sa akin ka pumapanig"singhal ko pa sa kaniya ngunit nginisian lamang niya ako at hinalikan ang noo ko.

"You don't need to know it,baby.It's our secret"sumeryoso ang mukha niya kaya nakaramdam ako ng kakaiba.May tinatago sila sa akin,nararamdaman ko iyon.Pero hayaan na at malalaman ko rin naman iyon.Diba nga walang sikretong di nabubunyag?

"Edi huwag niyong sabihin,malalaman ko rin yan"ngisi ko sa kanilang dalawa at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko.

"Sya nga pala,kailan ka ba makakalabas dito,Frost?"pagbabago ko ng usapan at seryosong tiningnan si Frost.Sumeryoso din ang mukha niya at saglit na tiningnan si Mavy bago muli akong tiningnan.May sikreto talaga sila at mukhang wala talagang balak ipaalam sa akin.Lalo tuloy akong naging desidifo na malaman iyon.

"Wala pang sinasabi ang doktor,siguro bukas? sa makalawa?O baka sa isang linggo?"napairap ako sa sagot niya at inis siyang tiningnan.Napansin ko lamang,ang bilis kong mainis ngayon?Masyado na talagang madumi ang hangin kaya't pati ako ay naaapektuhan.

"O baka naman hindi na?"sinubukan kong magbiro ngunit lalong sumeryoso ang mukha niya at sinulyapan na naman si Mavy.Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko at minura ang sarili sa isipan.Bakit ko ba sinabi pa iyon?Parang ang sama tuloy ng ugali ko doon.

"Biro lang,masyado mo namang sineryoso,pinaparawa lang kita eh"naiilang akong napatawa at mahina pa siyang hinampas sa balikat.Napangiti naman siya at pilit na tumawa,halata namang pinipilit niya lamang eh hindi kasi umabot ang saya sa mga mata niya.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon