SAFFY's Point Of View"Ahm,anong gusyo mong pag usapan natin,Frost?"tanong ko kay Frost nang marating namin ang garden.Ito lang naman kase ang alam kong tahimik na lugar kaya't dito ko na lamang siya inaya.
"Actually,wala naman talaga akong sasabihin.Gusto lang kitang solohin."wika niya at matamis akong nginitian kaya't pinamulahan agad ako ng mukha at nakaramdam ng kilig.
"G-ganoon ba?"nauutal na aniya ko pa at naupo sa kahoy na bench.Tumabi naman siya sa akin at mahinang tumawa.
"You're blushing."tawa pa niya kaya't agad kong itinago ang mukha ko sa kaniya
"H-hindi ah.Mainit kase eh."pagpapalusot ko pa
"Okay,sabihin nalang nating oo.Ayoko namang mapahiya ka."sambit pa niya at tinawanan na naman ako.
"E-Ewan ko sayo"kunwariy galit na aniya ko at umayos na ng upo nang mahimasmasan sa kilig na naramdaman.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.Hanggang sa naramdaman ko ma lamang na sobrang lapit na namin ni Frost sa isa't isa kumpara kanina na higit isang ruler pa ang distansya namin.Ngunit nagulat na lamang ako nang ihilig niya ang ulo sa aking balikat at pagsiklupin ang mga kamay namin.Hindi ako makagalaw sa gulat at kasabay noon ay ang malakas na tibok ng puso ko ngunit kumapara kay Mavy,hindi naman ito ganoon kalakas-ayy bat ba pumasok na naman sa isip ko ang Mavy na iyon?Huwag mo nga syang banggitin Saffira!
"
Lona"sambit pa niya kaya't hindi ako lalo nakagalaw.Napakalambing kasi ng pagkakasambit niya doon.
"B-akit Frost?"nauutal kong tanong.Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya't hindi ko maiwasang mapatingin doon.Napakagandang tingnan dahil tila bagay na bagay ang kamay namin sa isa't isa.Yung kamay kaya ni Mavy?Bagay kaya iyon sa kamay k-ays!Ano ba Saffira wag mo ngang isipin ang isang yun!
"Gusto na kitang maging,girlfriend."halos pabulong na sambit ni Frost
"Ahm,ano kasi Frost eh.Siguro konting panahon pa?"hindi ko siguradong sambit dahil parang meron sa loob ko na nalilito pa ako.Baka hindi pa ako handa magkaroon ng kasintahan.
"It's okay,I'll wait....but Lona,to tell you,I'm really jealous."mahinang sambit na naman niya kaya agad akong pumihit paharap sa kaniya kaya't napaayos siya ng upo at hinarap din ako.Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Para saan?"natanong ko pa.Mataman niya akong tiningnan bago humugot ng malalim na hininga.
"Si Parker,hindi ka naman niya nililigawan pero kung angkinin ka niya ay wagas.Kung halikan ka niya,yakapin,tinatawag ka pa niya sa ibang paraan."sagot niya habang nakatingin lamang sa mga mata ko.
"Y-yun lamang ba?Hayaan mo,hindi ko na hahayaan na gawin niya iyon.Saka ikaw naman yung crush ko eh.Hindi ko gusto ang isang yun."nakangiti kong sambit sa kaniya at tila nagliwanag naman ang mukha niya.
"Really?Does it mean,iiwasan mo na siya para sakin?"hindi makapaniwala niyang tanong.Nag aalangan naman akong tumango.Parang ako mismo ay hindi sang ayon sa tinuran ko.
"O-oo"nag aalangan ko pang sagot
"Thank you,Lona.Damn,I like you so much!"sambit pa niya at bigla nalang kinulong ang mukha ko sa magkabilang kamay niya saka unti-unting inilapit ang mukha niya sa akin kaya't lumakas lalo ang tibok ng puso ko.
"F-Frost"nauutal kong sambit habang nakatingin sa mga mata niyang ngayon ay nakatitig sa labi ko.Hahalikan niya ba ako-ay hindi baka scam na naman to!
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...