SAFFY's Point Of View
Kinabukasan ay nakapasok naman ako sa paaralan kahit na medyo masma ang pakiramdam ko.Sa sobrang takot ko sa nangyari sa akin kagabi ay nilagnat ako.Kinuwento ko nga ksy inay nung nagtanong siya na bakit raw ginabi na ako.Ayun,pinagalitan pa ako kase baka raw kung saan -saan ako nagsusu-suot.
Mabuti na lang talaga at dumating sya para tulungan ako.Dahil kung hindi,baka hindi ko ma alam kung buhay pa ba ako ngayon o ano.Utang ko sa kaniya ang buhay ko kaya't sinisiguro kong babawi ako sa kaniya.
Nandito ako ngayon sa school at may bitbit akong specialty ni mama na spaghetti at nakalagay ito sa isang baunan.Ibibigay ko ito sa kaniya bilang pasasalamat at sana lang ay magustuhan niya ito.Morning break na namin kaya't siguradong nasa cafeteria na siya ngayon.Hayst,kinakabahan tuloy ako.
"Kaya mo yan,Saffira."pagpapalakas loob ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa cafeteria.Nang makarating ako doon ay agad kong inilibot ang mga mata ko upang hanapin siya at hindi naman nagtagal ay nakita ko rin agad siya kasama ang kaibigan niya.Kaya't lumakad na ako papunta roon havang hindi maipaliwanag itong kaba ko.Napansin ko rin na nakatingin sa akin ang mga estudyante na tila naninibago siguro sa ayos ko.Kanina pa sila ganyan mula nung pumasok ako.
Ano bang bago sa pagpupuyod ko lamang ng maayos at pagsusuot ng simpleng headband?Diguro ay dahil palagi lamang akong nakalugay ang buhok kaya't hindi sila sanay ngayon.Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang akong nag ayos ng ganito basta gusto ko lamang na presentable ako kapag kinausap ko siya ngayon.
"Lona?"sambit niya nang makita ako sa kanilang kinaroroonan.Hayy,hindi ko alam pero kinikilig ako kapag tinatawag niya akong Lona(short for Ylona).Parang sarao lang pakinggan~
"A-ahm hi Frost."nahihiya kong aniya at napangiti.Basta simula nung iniligtas niya ako ay parang nagka-crush na ako sa kaniya.Feeling ko siya na yung bayani ng buhay ko.
FLASHBACK
"WHAT DO YOU THINK THE THREE OF YOU DOING?!"
Napatigil ang apat na lalaki at ako naman ay nanghihinang napamulat.Hindi ko ito masyadong maaninag kasi nga madilim.Tumayo ang apat na lalaki at saka siya hinarap.Nagpalagutok pa ng mga daliri ang mga ito na tila tinatakot siya.Pero mali sila dahil nanatili lamang itong nakatayo at pinakikitang matapang siya at hindi uurungan ang matatabang lalaki.
"Pre wachoduwing daw?Aba englishero ang isang to."
"Oo nga pre p*ta!"
"Hala wala akong pakealam kung kuryanu pa yan.Ano bang gusto mo bata,ha?"
Sabi ng matatabng lalaki at tila hahamunin na siya ng suntukan dahil itinataaa pa ng isa sa kanila ang kaniyang malamang braso.
"That girl.Gusto kong pakawalan niyo siya."sabi niya naman at humakabang ng isang beses pauna saka ibinaling sa akin ang tingin.Kahit na hindi ko sya masyadong maaninag ang mukha ay nakita ko pang bahagyang nanlaki ang mga mata niya at hindi ko alam kung bakit.
"Paano kung ayaw namen?"sabi nung panot na matabang lalaki.
"Simple,I will do my thing."cool na sambit niya naman.Para siyang si Mavy.Ang cool magsalita pero mas cool pakinggan yung kay Ma-ayy ano ba tong iniisip ko?Ba't ko ba kinukumpara ang walang modong iyon sa lalaking ito?
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...
