Chapter 29

4.9K 115 0
                                        

SAFFY's Point Of View

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway patungo sa cr,biglaan kase ang pagtawag ng kalikasan sa akin.Nasa kalagitnaan pa naman kami ng klase at mabuti na lamang ay Hindi ang masungit na teacher naman ang nakalaan ngayong oras.Dahil kung oo?Naku baka halos pumutok na pantog ko sa pagpipigil ng ihi dahil hindi iyon pumapayag na may lalabas sa klase niya maliban na lamang kung talagang tapos na ang klase niya.

Nang marating ang cr ay deretso kaagad ako sa kubeta at doon na nga isinagawa ang dapat kong isagawa.Bago pa man ako makapagflush ay narinig ko ang pagsara at bukas ng pinto tanda na may pumasok.

Hindi naman sila maingay,oo sila dahil napakaraming yapak akong narinig.Lumabas na ako doon at bumungad sa akin ang grupo nila Sheena.Ngunit may isang bagay na nakapagtataka...

Bakit kasama nila ito?

Bakit kasama nila si Gwen?

"Gwen"tanging nawika ko ngunit nginitian lamang niya ako bago siya lumapit sa akin.

"Hi,Saffira!Tingnan mo o,may bago na akong friends,bukod sayo"saglit akong natigilan sa sinabi niya.Friends?Kaibigan pala ang yuring niya sakin?Hmm,hindi naman pala talaga siya ganoon kasama tulad ng naiisip ko.Pero himdi yata nababagay na kina Sheena pa siya nakipagkaibigan,ang samang impluwensya ng mga ito eh.

"Uh,ganoon ba?M-Mabuti naman kung ganoon"nauutal na aniya ko ngunit lampas sa kaniya ang tingin.Nakakapanibago lamang na ang Sheena na nananakit sa akin at galit na galit sa akin ay nakangiti ngayon pati ang mga kaibigan niya.Pero iba ang pakiramdam ko base sa ngiti nila.Mukha silang demonyong nakangiti para sa akin.Tila may kakaiba rito.

"Oo nga pala,may gusto daw silang sabihin sayo"tukoy ni Gwen kina Sheena na nasa bandang likuran niya.

"Ha?Ano iyon?"nagtataka kong tanong at muling sinulyapan sila Sheena.

"Uhm,Saffira"tawag sa akin ni Sheena bago ito humskbang patungo sa kinaroroonan ko,tumabi naman si Gwen para bigyan siya ng espasyo.Kinakabahan akong napatingin ng deretso kay Sheena nang hawakan niya ang mga kamay ko at pinisil pisil iyon.

"S-Sorry...You know,sa mga nagawa namin sayo"saglit siyang tumigil at sinulayapan ang mga kaibigan niya at senenyasan itong lumapit din,sumunod naman ang mga ito.

"Masyado kaming naiinggit sayo dahil sa atensyong binibigay sayo ng campus heartrobs,lalo na si King.Hope you forgive us.Gwen told us kung gaano ka...kabait and she told us to apologize to you"mahabang paliwanag at paghingi ng tawad ni Sheena at yumuko pa.Mukhang seryoso talaga siya sa paghingi ng tawad.Ngunit tama ba ang narinig ko?Sinabihan sila ni Gwen na humingi ng tawad sa akin?Pero bakit?Parang nakakatuwa naman iyon.


"Gwen..."wala akong ibang masabi dahil sa pagkabigla sa mga nangyayari.Hindi ako makapaniwala.

"It's okay Saffira,alam kong nabigla ka but believe me,they're sincere and I'm also hoping you to forgive them"nakangiting wika ni Gwen sa akin.Napaisip naman ako.Hindi naman ako umaasang hihingi sila ng tawad balang araw sa akin na nangyari na nga ngayon.Ang nakakapagtaka lamang,parang iba ang kutob ko.Siguro ay dala lamang ito ng pagkabigla.

"Nabigla lamang talaga ko...pero,pinapatawad ko na kayo kahit hindi ko talaga ito inaasahan"mahina pa akong natawa at nagulat na lamang nang dambahin ako ni Sheena ng yakap.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon