SAFFY's Point Of ViewPagkatapos ng meeting na iyon ay nagtungo kaagad ako sa aking opisina at pasalampak na naupo sa swivel chair.Napahawak ako sa aking dibdib na kanina pa malakas at hindi magkamayaw sa pagtibok.
"Arg,tumigil ka na nga!Dapat hindi mo na to nararamdaman,matagal nang walang kayo!Isa pa baka may pamilya na ang isang iyon"inis na singhal ko sa sarili sa pabulong na paraan.Napasabunot ako sa sariling buhok at parang baliw na iniumpog ang ulo sa aking lamesa.Napadaing naman ako sa sakit nanaramdaman kaya itinigil ko na.Para lang akong t*nga doon,tsk.
"Saka ano ba yung sinasabi niya na pwede kaming magpalit noong sekritarya niya?Asa naman siyang papayag ako no"napairap ako sa kwalan at kinuha yung cellphone ko para tingnan ang oras.Alas tres na pala,grabe naman pala at sobrang tagal ng meeting na iyon.Ngayon ko lamang nga napansin.Sa totoo lang ay wala akong masyadong naintindihan sa pinagmeetingan namin dahil nga sa isang yun na panay ang titig sa akin,hindi tuloy ako makapakinig ng maayos,nakakainis!
"Hey-"
"Ay gwapo!"muntik na akong mahulig mula sa aking pagkakaupo sa swivel chair nang isang baritonong boses ang pumukaw sa akin.Nang tingnan ko kung sino ay nanigas ako sa kinauupuan at nanlaki ang mga mata.A-anong--
"Anong ginagawa mo dito?!"napatayo ako agad at dinuro siya.Nataranta ako lalo na nang isara niya ang pinto ng opisina ko at maglakad patungo sa kinaroroonan ko.Seryoso lamang ang ekspresyon niya at akala mo ay pagmamay-ari niya ang opisinang ito lalo na sa paraan niya ng paglalakad.Ang dalawa niyang kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot niyang itim na slacks.Ano bang pumasok sa kukote niya at pumasok siya rito?
"Nothing,just wanna see your office and of course...you"napakurap-kurap ako nang maupo ito sa upuan na katapat ko lamang.Naghalumbaba pa ito sa table ko at matiim akong tinitigan.Ha!Ano raw ang sinabi niya?Gusto niya akong makita?Aba't ang lakas naman ng loob niyang bigkasin ang mga salitang iyon matapos niya akong lokohin at saktan noon.
"L-Lumabas ka nga"pasigaw dapat iyon ngunit isang mahinang boses lamang ang lumabas aa bibig ko.Nag-iwas ako ng tingin at napakamot sa aking ilong,hindi ko kaya ang ibinibigay niyang titig sa akin.Tila ba hinahalukay niya ang buong pagkatao ko.
Nilingon ko siyang muli nang maaninagan kong tumayo siya.Akala ko ay aalis na siya tulad ng aking sinabi ngunit napalunok na lamang ako nang napakalapit na niya sa akin.Ang magkabila niyang kamay ay nakatukod sa aking lamesa habang nakatungo siya para pantayan ako.Ang lamesang siya sanang nagbibigay ng espasyo sa amin ay walang silbi dahil nagawa pa rin niyang lumapit sa akin sa paraang gusto niya.
"Mr.Parker,sa tingin ko ay hindi dapat tayo ganito kalapit sa isa't isa.Ano na lamang ang sasabihin ng makakakita sa atin?"sinubukan kong huwag mautal at nakakatuwang napagtagumpayan ko naman iyon.Biglang kumunot ang kaniyang noo dahil siguro sa sinabi ko.
"What do you mean?"napapikit ako nang humampas sa aking mukha ang mabango at malamig niyang hininga.
"Isa kang CEO at ako ay isa lamang sekritarya,ano sa tingin mo ang sasabihin nila?"matapang na tanong ko sa kaniya at napakipaglaban ng titigan ngunit agad rin naman akong sumuko.Hindi ko talaga kayang tagalan ang mga titig niya.
"So what if I am a CEO and you're just a secretary?As far as I know,I'm not your boss here so I'm able to do this"tila nanindig ang mga balahibo ko nang paglauran nang kaniyang daliri ang ilang hibla ng buhok ko habang tila walang kurap pa ring nakatitig sa akin.Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko?Kanina pa siya panay ang titig sa akin.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...