SAFFY's Point Of View
KINABUKASAN ay sinundo ako ni Mavy sa bahay para puamasok sa eskwelahan.Mabuti at naabutan pa niya na nandoon si inay kaya't naanunsyo pa namin dito na kami na.Grabe ang tuwa ni inay at halatang masaya talaga siya para sa amin.
Pagkarating namin sa school ay dumeretso na agad kami ni Mavy sa classroom.Sakto naman at nandodoon na rin ang tatlo.Si Vienn ay naabutan pa naming may kausap sa kaniyang cellphone habang malaki ang ngiti sa mga labi.Sino naman ang kausap nito at namumula pa?
"Hoy,sinong kausap nito?"tanong ko sa dalawa,kina Travon at Wax na mga nagtatakang nakatingin rin kay Vienn.
"Dunno,kanina pa yan parang tanga diyan"ingos ni Wax at napairap pa sa hangin.
"May patalon-talon pa nga yang nalalaman kanina eh,parang baliw lang amp*ta"iiling iling na wika naman ni Travon at agad naman itong nakatanggap ng malakas na batok mula kay Vienn na kakatapos lang yata sa pakikipag usap sa kung kanino doon sa cellphone niya.
"Siraulong to eh ikaw nga mas mukhang baliw satin eh!"aniya pa ni Vienn,natawa na lamang kami ni Mavy at naupo na sa aming sariling upuan.
"T*ngna naman Vienn baka matanggal ulo ko kawawa naman yun fans ko,wala na silang mapagpapantasyahang gwapong katulad ko"tila napakalaki ng problema ni Travon nang sambitin iyon habang hinihimas-himas pa nito ang kaniyang batok.Napairap naman si Vienn at hindi na inimikan si Travon.
"Oo nga pala King,may napakasama akong balita para sayo"biglang seryosong aniya ni Wax kaya't natigilan kaming lahat at tila naghihintay sa susunod na mangyayari.
"Spil it"maikli at seryosong aniya naman ni Mavy.
"Uh,hindi ko alam kung kailangan mo ba tong marinig Saffira but,okay,siguro dapat mo ring malaman so aware tayong lahat"singit naman ni Travon kaya't lalong naging seryoso ang atmospera na nakapalibot sa aming lima.
"So ano na nga?Ano ba yang masamang balitang iyan-oh wait,don't tell that's about th-"hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Vienn ay agad na nagsalita na si Wax.
"Gwen transfered here in our school,in short,the b*tch is back to ruin not only your life King but the relationship of you two"Nakita kong biglang kumuyom ang kamao ni Mavy na nakapatong sa armrest ng armchair niya at hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtatagis ng panga niya senyales na hindi niya nagugustuhan ang sinabi ni Wax.
"No way I'll let her do that again"madiing aniya pa ni Mavy at bigla na lamang tumayo at naglakad paalis.Nagulat na lamang ako nang mapagtanto na kasama.niya ako,sa maikling salita,hila hila niya ako at hindi ko alam kung saan kami patungo.Ngunit nasagot ang katanungan sa isip ko nang makarating kami sa hardin ng school.
Iginaya niya ako paupo doon sa bench bago siya pumuwesto pahiga at ginawang unan ang mga hita ko.Inabot pa niya ang isa kong kamay at pinagsiklop iyon sa kaniyang kamay.Ramdam kong galit siya dahil sa higpit ng kapit niya sa kamay ko.
"Ayos ka lang ba-ahm hindi ko na pala dapat itanong iyon dahil alam kong hindi pero ano bang magagawa ko para mawala iyang galit mo?Isa pa,sinoo nga ba ang tinutukoy nila Wax na b*tch kuno?"tanong ko sa kaniya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.Nakita ko namang mariin siyang napapikit at pagmulat ay deretsa sa mga mata ko ang seryoso niyang tingin.
"Gwen,she's my social climber b*tchy EX girlfriend,baby"madiin at halatang galit na aniya at pinagdiinan pa talaga ang salitang 'ex'.Natigilan ako at marahang tumango,kaya pala biglang tumindi na naman ang atmospera kanina.Ang ex niya pala ang tinutukoy nila.Kahit naman siguro kung sino ay magagalit lalo na kung ganoon kalala ang ginawa ng babaeng iyon dati.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...
