Chapter 46

5.3K 131 0
                                    

SAFFY's Point Of View

KINABUKASAN ay maaga na naman akong nagising
Ang totoo halos wala talaga akong tulog kakaisip sa mga nangyari kagabi.Kakaisip doon sa pagkakita ko kay Mavy.Kinakabahan ako dahil baka bigla na lamang magtagpo muli ang landas namin,hindi pa ako masyadong handa para doon.Hanggang ngayon ay hindi mapawi-pawi itong bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing naaalala ko siya.Kahit sa malayo ay nakita ko kung gaano na kalaki ang nagbago sa kaniya.

Sa tantsa ko ay mas lalo yata siyang tumangkad at lumaki ang katawan.Inaamin ko,hanggang ngayon,may kakaiba pa ring pakiramdam akong nararamdaman para sa kaniya.O mas tama sigurong sabihin na hanggang ngayon ay siya pa rin itong taong tinitibok ng puso ko.Sa isiping masaya na siya sa sarili niyang pamilya ay tila ba sumisikip ang dibdib ko sa sakit na dulot noon sa akin.

Pero sa totoo lamg,hindi ko dapat maramdaman ito.Niloko niya ako at sinaktan.Hindi ba't iyon nga ang isa sa aking dahilan kung bakit ako umalis?Kaya dapat,kalimutan ko na ang nadaramang ito pati na rin ang mga alaala noong mga panahong kami pa.Lumuwas ako at sumama kay Revan sa US  para makalimot at kahit papaano ay nagawa ko naman iyon.Ngunit bakit nang dumating muli ako rito sa Pilipinas ay tila bumalik lahat?Ang sakit na akala ko ay nalimutan ko na noon ay tila bumalik?At higit sa lahat,ang akala kong nagawa ko nang kalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya ay nagkamali pala ako.

"Hoy,malamig na yang kape mo"muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Vienn na nagpabalik sa akin sa katotohanan mula sa malalim na pag-iisip.

"Magandang umaga,ang aga mo ngayong nagising ah"ang sabi ko dito nang maupo siya sa tapat ko.

"May dadaluhan lamang akong importanteng meeting at kailangang hindi ako malate.Ikaw ba?Mukhang wala kang tulog ah,ano bang iniisip mo?"balik tanong nito sa akin.Bumuntong hininga naman ako bago sumimsim sa aking kape.Saglit akong natahimik at alam kong hinihintay lamang ni Vienn na sagutin ko ang tanong niya.

"Nakita ko siya..kagabi"saad ko habang pinakatitigan ang aking baso.Narinig ko ang pagsinghap niya na tila alam na kung sino ba ang tinutukoy ko.

"You mean,nagkita kayo?Anong nangyari?"tanong pa niya.Tumunghay ako para harapin siya saka aki napakagat sa ibabang labi ko at muling nag-iwas ng tingin.

"Hindi niya ako nakita,Vienn.Ang iniisip ko lamang ay anong ginagawa niya doon,kung nanggaling ba siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko at hindi ko lamang napansin o ano?Basta nakita ko lamang na pasakay na siya sa kaniyang kotse"ang sagot ko kaoagkuwan sa kaniyang mga tanong.

"Auh,actually that's not really impossible,Saff"napalingon ako at kunot noo siyang tiningnan.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko pa sa kaniya.Nag iwas naman ziya ng tingin at napakagat sa kaniyang ibabang labi.Tila ba nag aalangan siya sa kaniyang sasabihin.

"Mavy's a successful business man,Saffy and believe it or not but Mr.Rodrigo Guillermo and Mavy are business partners.Actually,they're bestfriends in business world.I'm sorry kung doon pa kita nagawang ipasok.Ni hindi ko manlang naisip na magkapartner nga pala sina Mavy and Mr.Guillermo at posibleng magkita talaga kayo lalo na at secretary ka ni Mr.Guillermo"napanganga ako sa sinabi niya at kapagkuwan ay nataranta.Paano na to?Paano kung isang araw ay bigla na lamang magpatawag ng business meeting itong si Mr.Guillermo at ang ikinakabahala ko ay paano kung ipatawag niya si Mavy?Sigurado  akong magtatagpo na naman kami.

....

"MR.GUILLERMO,may meeting ka po with Mr.Takano after lunch"ulat ko kay Mr.Guillermo nang magtanong siya tungkol sa kaniyang schedules ngayong araw.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon