VIVIENN's Point Of View
DUMERETSO kami ni Zyke sa isang sosyal na kainan pagkagaling namin sa airport,pagkahatid kina Saff and Revan.Napagpasyahan naming kumain muna ni Zyje bago niya ako ihatid sa bahay.Today is Fruday at hindi ako pumasok para nga sumama kay Zyke para ihatid sina Saff.
Walang kaalam-alam sila Mavy sa nangyari at naging desisyon ni Saff na sumama kay Revan papuntang US.They asked me once about Saffira but I just told them na hindi pa kami ayos.Saff told me not to tell them so I just granted her favor.
Good thing,she met Revan,my boyfriend's cousin.Seems like Revan is the angel who's sent from above to help my bestfriend.I trust Revan because he's a kind man as for Zyke at napatunayan ko naman yun nang malamang siya pala ang tumutulong sa bestfriend ko who's currently suffering from a lot of problems.
Isa pa,magaan na din ang loob ko dahil nagkaayos na kami ni Saffy.I realized that hindi dapat ako ganoin kabilis nagalit sa kaniya.Kilala ko siya,masyado siyang mabait at inosente kaya napagsasamantalahan siya ng ibang tao kabilang na ang imp*ktang Gwen na yun.
SAFFY's Point Of View
Four years later....
"Mommy,where's papa Van?"napatigil ako sa paghahanda ng pancake na agahan sana ng anak ko nang bigla na lamang itong nagtanong.Tumungo ako at tiningnan siya.
Nakahawak siya sa laylayan ng suot kong tshirt habang kinukusot mata nuya.Halatang kakagising lamang lalo na at nakasuot pa ito nang paborito niyang pantulog.Longsleeve iyon na kulay sky blue at may tatak na Hello Kitty,may terno din iyong pajama na ganoon rin ang kulay.
Napanguso naman ako nang mapagtanto na naman ang tanong niya.Kay aga-aga si Revan agad ang hinahanap niya,nagtatampo na ko.Ako kaya ang una niya no.
"Your papa Van is gone to work,baby"lumuhod ako para pantayan siya at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri.Minsan talaga ay napapasabak na lamang ako sa English-an kapag kausap ko itong anak ko.Kung bakit ba naman kasi sinanay ni Revan sa English-English na iyan.Nakakintindi naman siya ng tagalog pero mas madalas talaga ang English.
"I want to go to him mommy.I want to work,too"mahina akong natawa at pinisil ng marahan ang matambok niyang pisngi.Ang dami talagang alam ng batang ito.Biruin mo,gusto daw magtrabaho?Aba eh ano naman kaya ang papasukin niyang trabaho,tagakalat?O baka naman tagadagdag ng sakit sa ulo?
Siya nga pala si Savynna Axley Martin.Ang napakakulit kong anak.Gusto niya palagi na nakakasama si Revan na nakasanayan na niyang tawaging papa Van.
Sa apat na taong pamamalagi namin dito sa US,naging maayos naman ang lahat.Tinutulungan ako ni Revan sa mga gastusin para sa anak ko simula palang nang ipagbuntis ko ito.Sa apat na taon din na nakasama ko si Revan,wala namang nagbago sa kaniya.Sa totoo lamang ay mas lalo nga siyang naging mabait.Nakatira lamang kami sa iisang bahay,sa bahay niya dito sa US.
May ibang nagsasabi na isa daw kaming happy family pero ang totoo hindi nila alam na magkaibigan lang talaga kami ni Revan.Isa pa,may girlfriend na iyong lalaksot na yun.Nakakakonsensya nga lang minsan dahil iyong mga naging girlfriend niya dati ay nakipaghiwalay sa kaniya dahil sa akin,nagseselos daw ang sabi ni Revan.
Minsan pa nga pinilit kong kumbinsihin si Revan na bubukod na lamang kami ng anak ko dahil nagiging sagabal kami sa lovelife niya.Pero palagi baman akong nabibigo dahil kahit anong gawin ko ay ayaw niyang pumayag.Ayos lamang daw na hiwalayan siya ng girlfriend niya basta huwag daw kaming hihiwalay ng anak ko sa kaniya.Kumbaga,mas espesyal daw kami kesa sa mga babae niya.Minsan gusto ko na siyang kutusan dahil doon eh.Pero nakakataba lamang ng puso dahil sa sobrang bait niyang kaibigan ay handa niyang isakripisyo pati lovelife niya para lamang sa amin.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...