SAFFY's Point Of View
"Inay,p-patawad.Patawarin mo ko,inay"muli ay isang napakalakas na sampal ang ibinigay niya sa akin.Napahagulgol ako sa iyak at nawalan na ng lakas pang tumayo sa pagkakabagsak ko sa sahig.
"Patawarin?Saffira naiintindihan mo ba iyang sinasabi mo?!"mapakla akong napangiti sa sinabi ni inay.Ganiyang-ganiyan rin ang senaryo sa pagitan namin ni Mavy nang subukan niyang humingi ng tawad sa akin.
"Ano ka ba naman,anak?!Wala na nga tayong sapat na pera,magdadagdag ka pa?!Paano na lamang ang pag aaral mo ngayong nabuntis ka ng maaga.Ano na lamang ang sasabihin ng iba,siguradong pupulaan ka nila.Lalaitin na isa kang disgrasyada"tila libo-libong karayom ang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi ni inay.Napakasakit dahil sa bibig niya mismo nanggaling ang mga katagang iyon.Pero anong magagawa ko?Kasalanan ko rin naman eh.
"Lumayas ka,lumayas ka na,Saffirra.Kunin mo na lahat ng mga gamit mo.Hindi ko na kakayaning bumuhay pa ng isang bata.Puntahan mo ang ama niyang dinadala mo,lumayas ka na pakiusap"lalo lamang akong nakaramdam ng panghihina nang makitang umiiyak si inay at dahan-dahang napaupo sa katre.Gusto ko siyang lapitan at yakapin,magmakaawa pero alam kong ipagtatabuyan niya rin ako.Si inay na lamang ang natitira sa akin,ayoko nang pati siya ay mawala pa.
"Inay,a-ayoko.Ayoko inay,hindi ako aalis,pakiusap"pagmamakaawa ko kahit na nahihirapang huminga dahil sa patuloy na pag iyak.Sinubukan kong tumayo,dahan+dahan at sa wakas ay nagawa kong makalapit sa kinaroroonan ni inay.
"Inay,i-ikaw nalang ang natitira sa-"ni hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at dagli siyang tumayo bago ako kinaladkad papalabas ng bahay.Niyakap ko pa siya pero kahit anong gawin ko ay itinutulak niya ako palayo.
"Lumayas ka na,lumayas ka,ayoko nang makita ka pa rito Saffira.Pakiusap,alis na!"pagtataboy niya sa akin.Halos lumuhod ajo sa harap niya sa pagmamakaawa.Napakaraming tao na ang nanonood sa amin at nakikichismis.Lahat sila ay isa lamang ang tingin sa akin.Kwsyo isa raw akong maruming babae.Kesyo disgrasyada raw ako.Kesyo kay bata-bata ko pa raw ay magiging ina na agad ako.Ni hindi ako magawang ipagtanggol ni inay dahil alam kong maski siya ay iyon din ang tingin sa akin.
"Inay..."hagulgol ko pa nang iwan ako roon ni inay at pumasok siya sa loob ng bahay.Tumayo ako at aktong papasok sa na rin ngunit mga gamit ko ang sumalubong sa akin.
"Lumayas ka na,layas na Saffira!Wala akong anak na disgrasyada,layas!"tila walang pagsidlan ang pagkamuhinni inay sa akin.At wala na akong nagawa oa kundi saluhin at pulutin ang mga gamit kong ipinagtatapon niya habang patuloy sa pag iyak.Muli siyang pumasok sa loob at pinagsarahan ako ng pinto.
Nanghihina akong napaupo sa lupa.Wala na,wala nang natira pa sa akin maliban sa batang nasa sinapupunan ko.Paano na ako ngayon?Paano ako magsisimula gayong wala nang ibang taong tutulong sa akin kundi ang sarili ko?
Hindi ko alam.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.Si inay,ipinagtabuyan na ako,lahat ng meron ako wala na maliban sa anak ko.Bakit ba nangyari sa akin to?Ano bang nagawa kong mali at naparusahan ako ng ganito?
Sa huli,natagpuan ko rin ang sariling naglalakad patungo sa kawalan.Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta.Kung saan ako matutulog.Kung ano ba ang kakainin ko dahil kahit singkong duling ay wala ako.
Hanggang sa naisipan ko na lamang na magpunta sa sementeryo bitbit ang plastik ng mga damit ko.Mabuti na lamang at alam ko kung saan siya nakalibing.Pagkarating doon ay ang lapida na may nakasulat na pangalan niya ang agad kong hinanap.Halatang bago lamang itong punto na pinaglibingan niya dahil halos hindi pa nadudumihan ang lapida at ang mga bulaklak na nasa tabi nito ay sariwa pa.Mabuti at ipinaalam sa akin ni tita Fiona ang lugar,ang sementero kung saan siya nakalibing.Madilim-dilim na rinng makarating ako rito,sa layo ba naman kase tapos naglakad pa ako.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...