Chapter 43

5.2K 113 5
                                    

SAFFY's Point Of View

"Where are we going mommy?"kapagkuwan ay tanong agad ni Savynna nang makasakay kami sa eroplano.Kakagising niya lamang dahil nga sa nakatulog siya buong byahe papunta sa airport.Pinagigitnaan namin ni Revan si Savynna,dito ako sa tabi ng bintana at sa kabila naman si Revan.

"We're going to Philippines,baby.Pupunta tayo kay lola at tita Vienn mo"ang sagot ko rito at sinuklay ang medyo gulo niyang buhok gamit ang aking mga daliri.

"Philippines?Are we also gonna go to daddy?"natigilan ako at napatitig sa mga mata niyang tila nagkikislapan.Daddy,simula noong nalaman niya ang tungkol doon ay halos ulanin na niya ako ng mga tanong.

"Ahm.."nag iwas ako ng tingin at tiningnan si Revan.Ngunit tulad ng ginawa ko ay iniwasan niya lamang din ako ng tingin.Naku paano na to?Paano na naman kaya ako makakaligtas sa tanong ni Savynna?

"Mommy?You said daddy's in the Philippines right?Are we going to go to him?"tanong na naman niya nang hindi ko pa nasasagot ang tanong niya.Kumapit pa siya sa manggas ng polo ko at bahagyang hinila iyon para kuhain ang atensyon ko.

"Ah,Savynna....Are you hungry?"pag iiba ko ng usapan matapos ko siyang tingnan.Nangyngusap ang mga mata ng anak ko habang halatang-halata sa mukha niya ang paghahanap ng sagot mula sa kaniyang katanungan.

"Mommy..."halatang-halata sa boses niya ang kagustuhang masagot ang tanong kaya mukhang wala na naman ako ibang magagawa pa at sagutin na lamang ang kaniyang tanong.

"Oo,baby.Pupunta tayo sa daddy mo"kahit ayokong sabihin at kahit na kasinungalingan man iyon kailangan kong gawin.Siguradong kung sasalungat ako ay hahaba ang katanungan niya.Ayokong magsinungaling sa anak ko hanggat maaari ngunit may mga bagay at pagkakataon talagang kailangan ko iyong gawin.

"Really,mommy?"tila agad na nsnabik ang mga mata niya at pinagdikit pa ang mga palad habang ang mga mata niya ay bahagyang lumaki dala siguro ng pananabik at kasiyahan.

"Yes,Savynna.Are you hungry?"mabilis kong iniba na naman ang usapan at sa puntong ito ay mabilis na siyang tumango habang hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi.Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang chocolate niya sa bag ko.Mahilig siya sa tsokolate at kung hindi ko siguro siya pagbabawalan ay baka maya't maya ang kain niya sa loob ng isang araw.Iyon ang isa sa pinag-aawayan namin minsan.At kung minsan naman,hihingi pa siya ng tulong kay Revan at magdadrama at syempre dahil isang dakilang mabait sa anak ko ang lalaksot na yun,pinagbibiyan naman ang gusto nito.Hay,ewan ko ba.

"Thank you,mommy!"nakangiting wika ni Savynna nang ibigay ko sa kaniya ang toblerone na bukas na.Hinati ko pa iyon at ako ang kumain nung kalahati.Masyadong maramu kung ibibigay ko sa kaniya lahat.Mamaya hindi na naman yan kakain ng kanin pagdating namin sa Pilipinas.

Pinagmasdan ko lamang siya na abala sa pagkain at kung minsan ay pinupunasan ko pa ang ang kumakalat na tsokolate sa mukha niya.

"You're really in trouble,Saffira"kaagad akong napatingin kay Revan na pinapanood si Savynna habang kumakain.Nakuhanko naman ang ipinupunto niya at saka nakagat ang ibabang labi ko.

"Alam ko,Revan"napailing-iling siya at umayos ng upo at pinanatili ang tingin sa unahan.Napabuntong-hininga na lamang ako at pinanood si Savynna.


PAGKARATING na pagkarating sa airport ay halata ang galaka sa mukha ni Savynna.Kanina pa siya hindi makapaghintay na lumapag ang eroplano sa airport ng Pilipinas.Nangngamba na nga ako at baka hanapin niya agad ang daddy niya at pilitin na naman ako.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon