Chapter 45

5.4K 122 3
                                    

SAFFY's Point Of View

KINAUMAGAHAN ay ginawa nga ni Vienn ang sinabi niya sa akin kahapon.Sinamahan niya nga ako doon sa kumpanya na maaari ko daw applyan.Mabuti na lamang nga at wala pa silang nakukuhang secretary.Ang sabi noong isa sa empleyado ay nahirapan daw silang maghanap dahil puro hindi daw pasado ang mga nag-aapply na secretery.Kinakabahan nga ako na baka di rin ako makapasa ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko.

Kaya heto ako ngayon at nakaupo kasama ang ibang mag-aapply rin na sekretarya.Hinihintay ko na lamang na tawagin ang pangalan ko para sa gaganaping interview doon sa loob.Paulit-ulit ko na ring ipinagdadasal sa isipan ko na sana ay makapasok ako dahil talagang kinakabahan ako.Lalo na nga tuwing makikita kong malungkot ang mga nauna dahil hindi sila natanggap.

"Ms. Saffira Ylona Martin?"napatayo ako agad nang magbukas ang pinto ng interview room at tinawag ako nung babaeng sa tansa ko ay matanda sa akin ng ilang taon.

"Ako po,ma'am"pinilit kong huwag mautal at labanan ang kaba ko lalo na nang senyasan ako nito na pumasok na doon sa interview roo..Pagkapasok ko ay siyang paglabas naman ng isang babae na nag-apply rin kaya nga lamang ay hindi pinalad na makapasa.

"Good morning Mr.CEO..."ang bati ko sa lalaking medyo may katandaan na.Medyo nakakatakot ang awra nito kaya't bigla na naman akong kinabahan.Mukha kase siyang istrikto,nakakatakot.

"Sit down,Ms.Martin?"patanong na utos nito sa akin nang hindi yata sigurado sa pangalan ki.Napatango-tango naman siya nang tingnan niya ang resume ko.Huminga ako nang malalim at nagsimula na ito sa nga tanong niya at syempre lahat iyon ay sinagot ko.

"OKAY,so wala naman akong nakitang dahilan para hindi ka tanggapin bilang secretary ko soo....You're hired Ms.Martin"tila gusto kong humiyaw sa tuwa dahil sa anunsyo ni Mr.Guillermo.Tanggap na ako bilang secretary,kung ganoon,may trabaho na ako.Napakaswerte naman ng araw na ito.Sana lamang ay nagtagal ako sa kumpanyang ito.

Nagpasalamat ako kay Mr.Guillermo,ang CEO ng kumpanyang ito bago ako umalis.Bukas na bukas ay magsisimula na ako sa aking trabaho.Tinawagan ko kaagad si Vienn na naghihintay sa labas habang nakasakay ako sa elevator.Hindi na ako makapaghintay na sabijin sa kaniya kahit na nasa labas lamang siya ng kumpanya at hinihintay ako.

[Oh,kamusta ang interview?]ang tanong kaagad niya pagkatapos sagutin ang tawag ko.

"Nakapasok ako Vienn,may trabaho na ako!"nagtitili ako dito sa loob ng elevator,mabuti na lamang at ako lamang mag isa rito.

[Omg,that's good to hear then.So pano,dapat ivelebrate natin yan.Tara sa Jhonny's Ice Cream Parlor,treat ko]bakas ang pagkatuwa niya sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"Sige,palabas na ako"iyon na lamang ang sinabi ko bago ko patayin ang tawag,sakto naman na nasa unang palapag na ako.Lumabas nga ako ng kumpanya na hindi maalis ang ngiti sa labi hanggang sa makarating ako kung saan nakaparada ang kotse ni Vienn.Kaagad niya akong dinamba ng yakap kaya't gumanti rin namamn ako kaagad.

"Congrats,napakaswerte mo at nakapasok ka"masayang wika nito at halatang proud siya sa akin.

"Salamat,Vienn.O pano,tara na.Sabi mo manlilibre ka diba?"aya ko kaagad dito.Tinawanan niya naman ako bago kami pumasok sa kaniyang sasakyan.Ganoon nga ang aming ginawa,tinungo namin ang sinasabi niyang ice cream parlor at nagpakasasa sa ice cream,libre niya naman eh.Nakipagskype rin kami kay Savynna at inay para sabihin ang maganda kong balita.Tuwang-tuwa naman si inay.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon