Chapter 24

5.4K 110 0
                                    


SAFFY's Point Of View

"Aray inay ma-sa-kit-aray!"napahiyaw ako sa sakit nang hilahin na naman ni inay ang tenga ko.Nagising na ang dalawang batut-este sina Mavy at Frost at naroon sila ngayon sa sala.Kami naman ni inay ay narito sa kusina.Paniguradong sermon ang aabutin ko rito.


"ikaw,bakit nagdadala ka ng mga lalaki rito kapag wala ako?Paano na lamang kung anong gawin nila sayo?Nag iisa ka pa namang babae at dalawa sila.Saka yung isang lalake,sino ba iyon?Hindi ko kilala ang isang yun?"sermon ni inay sa bulong ngunit galit na paraan para hindi marinig nung dalawa na tila nakikinig sa pinag uusapan namin dahil pareho silang panaka-naka ang tingin rito sa kusina.

"Inay,si Frost po yung isa,kaibigan ko siya"naiiyak na wika ko at napahimas sa tenga kong piningot niya.Kahit kailan ay napakasakit talaga mamingot ni inay,hays.


"Kaibigan?Eh bakit may paunan-unan sa balikat mo at dikit na dikit sayo?Anhin ko iyong si Mavy na manliligaw mo,ngunit may mali rin dahil manliligaw pa lang naman pero kung makadikit sayo ay parang boypren mo na.Ay susko Saffira mag ingat ingat ka nga sa pinag gagagawa mo at ayokong machismis ka rito sa barangay natin.Alam mo namang napakarami riyang chismosa na mabilis pa sa balita."mahabang litanya ni inay

"Ai inay naman,nanood lamang naman po kami kanina ng palabas at nakatulog lang sila sa balikat ko.Walang malisya roon inay,ikaw talaga inay ma-issue ka minsan"natatawang wika ko ngunit sinamaan lamang ako nito ng tingin.

"Abat-ani ba uyong ma-issue anak?"biglang nangunot ang noo niya

"Inay,ibig sabihin noon ay masyado mong binibigyan ng malisya ang isang bagay kahit di naman dapat"sambit ko naman

"Ganoon ba?Ay nag aalala lamang naman kase ako sa iyo at sa mga chismosa riyan sa barangay natin.Iniisip ko lamang naman ang kapakanan mo anak,pasensya na kung ganoon.Pero teka,kaibigan mo lamang ba talaga yung isa?Ano nga bang pangalan nun?Porst?Post?Pros-ay ano ba anak?"litong-lito si inay na tinanong iyon sa akin.Sa kabilang banda,natutuwa ako at napakabait ng ina ko.Talagang nag aalala siya sa kapakanan ko.

"Frost po ang pangalan noon,inay saka kaibigan ko lang po talaga siya inay.Pero sa totoo kang...ahm...nanliligaw din po siya sa akin"wika ko at hininaan na ang huling mga salita ngunit sakto lamang naman upang marinig niya.Tila nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Aysusko,eh sino sa kanila ang pipiliin mo,anak?"tanong pa niya at natawa na lamang ako sa isipan dahil tila nagiging chismosa si inay haha biro lang.

Pero sino sa dalawa?Ang totoo,mayroon naman na talaga eh kaya lang ay ayokong masaktan ang isa pero sa ginagawa kong ito ay tila mas masasaktan siya.Hindi ko dapat siya hayaan na magpatuloy sa ginagawa niya dahil alam kong sa huli,hindi siya ang pipiliin ko at nakakalungkot dahil masasaktan ko siya.Ayokong masaktan si Frost kaya't kung maaari,para sa kapakanan niya ay dapat ko na syang layuan habang maaga pa.


NAGDAAN ang ilang mga araw at martes na ngayon ng umaga.Kakatapos lamang namin ni inay mag agahan,pandesal lamang naman at kape tulad ng araw-araw na agahan namin.

"Mauna na ako anak ha,ikaw na ang magsara nitong bahay"bilin ni inay sa akin bago siya umalis ng bahay.Ako naman ay naiwan dahil maliligo pa ako at mag aasikaso para sa pagpasok.Sa nakalipas na mga araw ay pilit kong iniiwasan si Frost.Pilit rin naman siyang lumalapit sa akin kaya't minsan ay wala akong ibang magawa kundi gumawa o magsalita ng ikasasakit niya para lamang lubayan niya ako.Ngunit may pagsaakulit Frost.

Minsan nga ay gusto na siyang sapakin ni Mavy ngunit palagi ko iyong napipigilan,hindi sa ganoong paraan ang gusto ko.Tulad na lamang ngayon.Pagkalabas ko ng bahay para sana hintayin si Mavy ma suaundo sa akin ay nadatnan ko sa labas si Frost na hinihintay ako.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon