Chapter 28

4.3K 121 2
                                    

SAFFY's Point Of View

Dagli akong napabangon mula sa aking hinihigaang katre nang makaramdam ako ng tila pagbaliktad ng aking sikmura.Napatakbo ako ng mabilis palabas ng kwarto at dumeretso sa banyo saka sumuka doon sa kubeta.Tila gusto ko nang umiyak dahil parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon.

Hindi naman ako nilalagnat pero medyo nahihilo ako,sabayan pa nga nitong biglang pagsusuka ko.May hindi siguro maganda na nakain ako kahapon.

PAGKATAPOS kong sumuka kahit tila wala naman akong sinuka,mas tama sigurong sabuhin na dumuwal lamang ako.Ewan ko ba,bakit ganon?Nagtungo agad ako sa kusina para kumuha ng tubig mula sa pitsel saka ko iyon direktang ininom.

"Ayos ka lamang ba,anak?"halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot si inay.

"...nagulat ako sayo,bigla ka na lamang nagtatakbo palabas ng kwarto at nagtungo sa banyo.May sakit ka ba?"nag aalala niyang tanong ngunit may nakita akong iba sa mga mata niya na tila sinusuri din ang kabuuan ko.

"ayos lamang po ako inay,nagsuka lamang po ako..."sagot ko at saglit na huminto nang makitang mas halata na kesa sa pagaalala ang duda sa mga mata niya.Medyo naningkit kase ang mga iyon.

"...may hindi siguro ako magandang kinain kahapon."hindi ko na lamang pinansin ang ekspresyon ng mga mata ni inay at umijom na lamang ulit ng tubig.

"Ganoon ba?Sa susunod kase ay suriin mo muna ng mabuti bago mo kainin.Lamon ka yata ng lamon eh"kamuntikan na akong masamid ng tubig dahil sa sinabi ni inay.

"Si inay naman,kung maka- 'lamon ka yata ng lamon',parang ang takaw ko naman talaga sa salitang uyon inay."natawa pa ako at ganoon rin siya.

"O sya,mauna na ako at magtitinda pa ako.Mag asikaso ka na ng mabilis dahil baka mahuli ka sa klase,mag iingat ka anak ha"paalala ni inay kaya't ngumiti lamang ako at tumango sa kaniya.

"Ikaw rin inay,mag iingat ka"sabi ko naman pabalik bago tuluyang lumisan si inay.Natawa pa ako nang abutan niya ako ng isang daang piso,pandagdag ko kuno sa baon ko.Marami daw kasesiyang kinita kahapon.

Nagmadali na akong mag asikaso ng sarili para sa pagpasok.Ngayon ay kasalukuyan na akong nagsusuklay nang buhok nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko,tanda na may tumatawag.Kinuha ko iyon mula sa pagkakalagay sa ubabaw ng katre at agad na sinagot ang tawag mula sa pinakamamahal kong boyfriend.

"Hi,goodmorning sa napakagwapo king boyfriend!"masiglang bungad ko dito at isang mahinang tawa naman ang narinig ko mula sa kaniya,sa kabilang linya.

[Good mornung,baby.Are you waiting?I'm sorry I'm a bit late,I just woke up late.Anyway,I'm in my way to fetch you] ika niya at narinig ko ngang nasa kalagitnaan siya ng byahe dahil sa tunog ng sasakyan.

"Ayos lang,nag aasikaso pa rin naman ako at medyo nahuli rin ako ng gising.O sya patayin mo na muna ang tawag dahil nagmamaneho ka,mamaya maaksidenta ka pa eh,huwag naman sana."ani ko naman

[A'right,baby.I'll hang up now,I love you]napakagat ako sa ibabang labi,pinipigilang ngumiti dahil sa kilig na nararamdaman.

"Mahal din kita,sige na papatayin ko na ah,ingat"sabi ko naman at pinatay na agad ang tawag.

Kinuha ko na kaagad ang bag ko at lumabas na ng kwarto.Sinigurado ko ring nakasara na ang mga bintana bago ako lumabas ng bahay at ini-lock ang pinto.Dakto namang dumating na rin si Mavy.Lumabas ito ng sasakyan at agad na nagtungo palapit sa akin at hinalikan agad ako.Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan niya lamang ako.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon