Chapter 49

6.1K 136 6
                                        

SAFFY's Point Of View

SUMAPIT ang alas nuebe ng gabi,hindi ako iniimikan ni Mavy,ni Mr.Parker.Hindi ko alam kung bakit tila nasasaktan ako gayong kanina ay ako na mismo ang nagsabi na ganito dapat kami umakto.Ays,baliw na yata ako.

Tumayo na ako para ayusin ang nga gamit ko.Alas nuebe ang off ko sa trabaho,iyon ang nakalagay sa nabasa ko kanina sa mga rules and regulations ng company.Sinulyapan ko ang boss ko na hanggang ngayon ay abala pa sa pagtitipa sa keyboard ng kaniyang laptop.Tutok na tutok siya roon at kapag kuwan ay napapakunot ang noo.Kung minsan ay napapahilot pa siya sa sentido niya.

"Ahm,Mr.Parker,gusto mo bang tulungan na kita riyan?"tanong ko kapagkuwan.Ni hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko pero hayaan na!

"I don't need you"tila may kung anong kurot sa aking dibdib sa kaniyang sagot.Para bang dalawa ang naging kahulugan noon sa akin.Nakagat ko ang ibabang labi saka nag-iwas ng tingin.

"Mukhang--marami pa iyan Mr.Park-"hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang tumunghay ito para tingnan ako.Halatang-halata ang inis sa mukha nito na ikinabahala ko.

"Just leave,Ms.Martin!"inis pang singhal nito sa akin.Muli kong nakagat ang ibabang labi ko at dahan-dahang tumalikod.Tinungo ko ang pintuan at tumigil din doon saka muling humarap sa pwesto niya.Nakatongin lamang siya sa akon at wala akong mabasang kahit anong ekspresyon ngayon sa kaniyang mukha.

"Uuwi na po ako,Mr.Parker"paalam ko rito saka nagmadali nang lumabas ng opisinang iyon.Naiinis ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako sa nangyari,nakakinis-hindi ko dapat ito nararamdaman.Hindi ba at ito naman talaga ang gusto ko?

....

"Mr.Parker,may meeting ka kasama si Mr.Walker mamayang 6:00 pm"pag-aanunsyo ko sa kaniya habang siya ay abala sa binabasang papeles.Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinapansin,kakausapin lang niya ako kapag may sasabihin ako na mahalaga o kung may itatanong.Ilang araw naman na ang lumipas simula nga noong magkasagutan kami.

"Cancel it"maikli at malamig na wika niya.Nangunot naman agad ang noo ko sa kaniyang tinuran.

"Bakit Mr.Parker?"takang tanong ko sa kaniya.

"I have an important date"parang kinurot na naman ang puso ko sa kaniyang naging sagot.Inaamin ko,nasasaktan na talaga ako sa mga ginagawa at sinasabi niya pero hindi dapat ako magreklamo dahil una sa lahat ay ito ang kagustuhan ko.

Kinagat ko ang ibabang labi saka dahan-dahan siyang tinanguan kahit hindi naman siya nakatingin sa akin.Tinuloy ko na lamang at inabala ang aking sarili sa paggagawa ng report na pinapagawa niya sa akin.Ngunit ilang oras na yata akong nakatutok sa laptop sa aking lamesa pero hindi ko pa matapos-tapos ang ginagawa ko.Kakunting ideya pa lamang ang naidagdag ko rito.


Hindi ko kase maipokus ang sarili ko at halos wala nang ideya ang pumasok sa isip ko.Talagang nababahala ako roon sa mahalagang date kuno ni Mavy.Kung ano ano na rin ang pumapasok sa isip ko tulad ng,sino kaya ang ka-date niya?Girlfriend niya ba?O baka naman asawa niya?Maganda ba iyon-ah ewan!

"I'm leaving,finish that report before you get home.I need that tomorrow"nataranta ako nang tumayo si Mavy at isinabit ang kaniyang coat sa balikat.Paalis na sana ito ngunit napatigil nang mabilis akong tumayo.Susko-ano bang ginagawa ko?

"What?"tanong nito at tinaasan ako ng kilay.

"A-ahm...sino bang ka-date mo Mr.Parker?"siguro ay kung anu-ano na ang nasa isip niya dahil doon sa tanong ko.Baka sabihin pa niya na chismosa ako dahil pati ang kadate niya ay itinatanong ko.Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla ko na lamang naitanong iyon sa kaniya eh.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon