Chapter 3

10.3K 233 9
                                    


SAFFY's Point Of View

Martes ng umaga ay tila kinakabahan akong pumasok.Ewan ko ba pero parang may masamang mangyayari ngayon na kahapon ko pa naman dapat asahan.

Matapos kong magpaalam kay inay para umalis ay nag abang naman ako ng tricycle na masasakyan.Mga ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa harapan mismo ng gate ng pinapasukan kong eskwelahan.

Kinakabahan akong bumaba ng tricycle bago nag abot ng bayad kay manong drayber.Pagkaalis naman nito ay ilang minuto ko pang pinagmasdan ang gate ng unibersidad.

Papasok ba ako?Paano kung nakahanda na ang parusa nila para sa akin?Makakalabas pa kaya ako rito ng buhay?Paano kung hindi na?Paano na lamang si inay?

Dahan dahan akong humakbang papasok sa gate ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako papasok nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ng palda ko bago ko sinagot ang tawag ni Vienn.

"Napatawag ka?"bungad ko rito.

[Naku,Saffy.Hindi ako makapapasok ngayong araw.My mom's causin just died kaya pupunta kami ngayon sa purinarya.]

"Hala,condolence nalang,Vienn."

[Salamat,Saff but can you fo me a favor?]

"Oo naman.Ano ba iyon?"

[Pasabi naman sa prof natin na di ako makakapasok ah?Kokopya nalang ako ng notes sayo.Ngayon lang naman ako absent but the next days ay makakapasok na ako.]

"Hmm,ako na ang bahala doon,Vienn.Sige na ibababa ko na to ah."

[Thank you,Saffy.Bye bye!]

Nagpaalam na rin ako sa kaniya at pinatay na ang tawag.Napaisip naman ako sandali.Absent ngayon si Vienn at wala akong kasama ngayon dahil siya lamang naman ang kaclose ko rito.Ano na nfaton ang gagawin ko?

"Hayst,bahala na nga.Kaya mo to,Saffy.Laban lang!"wika ko sa sarili at pikitmatang naglakad papasok sa loob ng school.

Teka,bakit parang ang tahimik saka wala akong nakikitang mga estudyante na nagkalat?

"Hala!Late na ba ako?"natataranta kong tanong sa sarili saka saglit na napatingin sa relo ko.

"7:30 pa lamang ah.Hindi kaya,walang pasok?"tanong kong muli.Para na akong baliw sa pagkausap ko sa sarili pero ano ba kase?Bakit walng katao-tao?

Baka naman maagang nagsimula ang klase ngayon?

Hayst,Saffira!Sa halip na tanungin mo ang sarili mo ay bakit di mo na lamang puntahan ang classroom niyo nang malaman mo?

"Oo nga no?"para na akong hunghang kakausap ko sa sarili ko ngayon.Pero sa halip na dakdalin pa ang sariliy naglakad na ako patunho sa aming silid aralan ngunit nakapagtataka nang madatnan kong walang katao tao roon.

"Nasaan sila?"natanong ko na lamang sa sarili.

"Nakapagtataka naman,"nawika ko pa at saglit na napaisip at napakamot ako sa kilay ko.Sa gitna ng malalim na pag iisip ay bigla na lamang tumunog ang speaker dito sa loob ng classroom.

Oo,may speaker dito.Sa katunayan ay bawat classroom at bawat sulok ng school ay mayroong speaker.Ang nalaman ko kay Vienn,ito daw ay nakaktulong lalo na pag may mga mahalagang pagtitipon.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon