Chapter 52

6.7K 139 4
                                    

SAFFY's Point Of View

"Ahm,dito kami panaamantalang nakikitira sa penthouse nila Vienn"wika ko kay Mavy at napakamot sa batok ko.Tinatanong niya kase kung bakit daw dito kami pumunta.Kumunot naman ang kaniyang noo ngunut kaagad rin naman iyong napawi at tumango na lamang.

Maaga kaming umalis sa kumpanya niya,ayaw niya na daw magpalipas ng gabi dahil gusto na niyang makita si Savynna.Kaya heto at dito kami dumeretso.

Pinindot ko na iyong doorbell ng penthouse at naghintay ng ilang sandali para pagbuksan ni Vienn.Makalipas ang ilang minuto aymuli ko itong pinindot nang walang nagbukas.Mayamaya ay bumukas rin naman ito at iniluwa noon si Vienn na tila bagong gising.Aba,hapon na ah,bakit natutulog pa ang isang to?

"Ang aga mo naman Saf-Mavy?"nagulat yata siya nang makitang kasama ko si Mavy dahil ang kaninang inaantok pa niyang mga mata ay biglang nagsilakihan sa gulat.Tiningnan niya ako,nagtatanong kung bakit kami magkasama.Nginitian ko lamang naman siya at agad ring nag iwas ng tingin.

"U-Uhm,magkasama kayo?"nag aaalangan oa nitong tanong at tumikhim.Dahan-dahan naman akong napatango at sinulyapan si Mavy na napairap na lamang sa pinsan.

"Isn't it obvious?"tila irita pa niting wika sa pinsan kaya't agad ko siyang siniko na ikinadaing niya naman.

"Umayos ka nga,mamaya palayasin kami niyan eh"pabulong na singhal ko rito kasunod noon ay ang hagikhik naman ni Vienn.

"So,okay na pala kayo-Wait,okay na nga ba?"tanong nito at palitan kaming tiningnan ni Mavy.

"Okay na kami,Vienn.Baka pwede mo na kaming papasukin?"sambit ko naman dito ngunit agad niya lamang kaming inilingan.

"ayoko nga.Kung talagang okay na kayo....sige nga,magkiss nga kayo"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya agad siyang hinampas ngunit naiwasan niya lamang agad iyon.

"Ano ka ba Vienn!Ayan ka na naman sa kalokohan mo"suway ko rito at napakamot sa ilong.

"Edi hindi ko kayo papapasukin"napahilamos ako sa mukha ko dahil sa kakulitan at pang aasar ng babaeng to.Susko,nahihiya ako sa mga sinasabi niya eh.

"Vienn naman!"maktol ko pa rito pero penameywangan niya lamang ako.

"Kiss na kase kayo,bilis na!"wika pa nito at senenyasan pa itong nasa likuran ko.Nilingon ko naman ito pero ang loko,nakngisi lamang at tila natutuwa pa sa gusto ng kaniyang pinsan.

"C'mmon,honey,let's just kiss to end her crazyness"nalaglag na yata ang oanga ko sa sahig ng dahil sa kaniyang sinabi.Parang gusto ko tuloy silang pag untuging magpinsan sa mga kalokohan nila.Bakit ba nila ako pinagtutulungan?

"Ewan ko sa inyo,magpinsan nga talaga kayo!"singhal ko sa kanilang dalawa at napaikot ang aking mga mata.Naiistress ako sa kanila eh!

"Oh,ikaw lang naman ang may ayaw eh.Bilis na kase,parang halik lang eh!Nagtsugtsugan na nga kayo e-"mabilis na dumapo ang kamay ko sa braso ni Vienn at hinampas iyon.Ang bunganga ng isang to,walang preno!

"Vienn!Ang bibig mo!"pinanlakihan ko pa ito ng mga mata pero tinawanan niya lamang ako.

"Oh ano?Tama naman ang sinabi ko ah?Kiss na kase,kung kanina niyo pa ginawa yun edi kanina pa ako nanahimik dito sus"wika pa niya at tinulak ako ng bahagya kaya't nabunggo ko na si Mavy sa likuran ko.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon