SAFFY's Point Of View
KASALUKUYAN akong tumutulong kay Revan sa pag-iimpake nf mga dadalhin niyang gamit.Naihanda ko na rin naman ang mga damit ko ngunit hindi ko lamang alam kung saan ko ito ilalagay.Manghihiram na lamang siguro ako kay Revan ng bag na paglalagayan.
Bukas na ang lipad namin patungong US at napaghandaan ko na rin iyon.Kanina ay inaya rin ako ni Vienn na pumunta sa mall para ibili ako ng masusuot bukas.Ayoko sana pero masyado siyang makulit.Kesyo iyon na lamang daw ang maibibigay niya sa akin bago ako magtungo ng US dahil sigurado daw na ilang taon pa ang lilipas bago ako makabalik ulit dito sa Pilipinas.
"Are you really sure you'll go with me?"natatawa kong sinulyapan si Revan dahil sa kaniyang tanong.
"Ilang beses mo na iyang itinanong sa akin.Sasama ako sayo Revan at wsla nang pagdadalawang isip iyon"wika ko at ako na mismo ang nagsara ng zipper ng kaniyang maleta saka ko siya hinarap.Kumunot ang noo niya habang matiim na nakatingin sa akin.
"Why?"tanong pa niya at ako naman ang napakunot noo.
"Anong bakit?"nagtataka kong tanong.Saglit siyang nag iwas ng tingin bago deretso akong tiningnan sa mga mata na tila binabasa niya ang isipan ko.
"Why are trusting me though hindi pa naman tayo ganoong magkakilala?"tanong niya.Napangiti naman ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat.Pareho kaming nakaupo ngayon sa dulo ng kaniyang kama habang magkaharap.
"Revan,hindi ko rin alam kung bakit ganoon kita kabilis pagkatiwalaan.Basta may pakiramdam lamang ako na mabuti kang tao.Doon pa ngalang sa puntong tinulungan mo ako noong gabing wala akong malay at basang-basa sa ulan,tila hinaplos na ang puso ko.Tapos inalok mo pa akong tumira sa bahay mo.Malaking tulong na iyon sa akin at sa magiging anak ko"pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Thank you...Thank you for trusting me"kapagkuwan ay wika niya bago ako nginitian.
AUTHOR's Point Of Vuew
"F*ck,tama na yan dude.Masyado ka nabg maraming nainom"pilit na pinipigilan ni Wax ang kaibigan mula sa pag inom ng alak.Tama na ang ilang oras na panonood nila sa kaibigan habang nilulunod nito ang sarili sa alak.
'Damn,he's wasted!'asik naman ni Travon sa kaniyang isipan habang nakatingin sa kaibigan na nakasubsob na sa lamesa at maya't maya ang laklak ng alak sa bote.Halos isang linggo na ito inom ng inom mapa umaga man o gabi.Napag alaman nilang ang dahilan nito ay ang hindi na pagpapakita ni Saffira matapos ang mahigit isang linggo.Masaklap pa rito ay nang malaman nilang hindi na pala doon nag aaral ang dalaga dahil inalis na ang scholarship nito.
Kahit si Vienn ay hindi nila matanong dahil ang sabi raw nito ay hindi pa naman sila nag uusap ni Saffira.Wala silang kaalam-alam na mahigit isang linggo na rin ang nagdaan matapos magkaayos ang magkaibigan.
Sinubukan nilang hanapin si Saffira ngunit hindi nila ito makita.Wala silang ideya kung saan ito nagpunta.Pinuntahan na rin nila ang bahay ng dalaga ngunit wala na roong tao.Kaya ngayon,tila pinagbagsakan ng mundo si Mavy.
"Why......Why all of this happ-ened?"tila pati ang dalawang kaibigan ni Mavy ay naramdaman ang sakit na nararanasan niya.Sa pangalawang pagkakataon,nasaktan na naman ito.Nagkatinginan ang dalawa bago parehong uminom ng alak.Hindi sila lasing dahil ngayon lamang naman sila uminom mula nang dumating sila rito sa club.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...