Chapter 18

8.3K 158 9
                                        

SAFFY's Point Of View

Natapos ang maghapon at hindi pa rin ako pinapansin ni Mavy.Ano ba talaga ang problema ng isang to?

Nakaalis na ang iba naming kaklase kabilang na sina Vienn,Travon,at Wax.Ibig sabihin,kaming dalawa na lamang ni Mavy ang naririto sa classroom.Medyo hapon na rin kase natapos ang klase kaya hapon na rin kaming pinalabas,siguro mga alas singco na ang oras ngayon?

"Mavy..."tawag ko sa pangalan niya na hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin sa armchair niya.Simula kanina nung pagkatapos ng recess ay nakaganyan lamang siya.Tumunghay lamang siya nung oras na ng tanghalian ngunit hindi rin naman namin siya nakasabay dahil nauna siyang lumabas at kaming apat ay walang alam kung saan siya pumunta.Tinanong ko nga kanina ang dalwa niyang kaibigan kung bakit hindi nila sinundan.Ang sabi lamang nila ay huwag ko na daw intindihin dahil nagseselos lamang daw iyon.Bakit naman siya magseselos?Ano ba ang kaselos-selos sa sinabi ko kanina?

"Mavy"tawag ko ulit sa kaniya pagkatapos kong tumayo at lumapit sa pwesto niya.

"Mav-"

"Lona"nabaling agad ang atensyon ko sa may labas ng classroom nang marinig ang boses ni Frost.Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang matamang nakatingin sa akin.Saglit pa nitong sinulyapan si Mavy ngunit nabalik rin naman agad sa akin ang tingin niya.

"Frost,kamusta?"nakangiti kong tanong sa kaniya.Nitong mga nakaraang araw ay madalang ko siyang makita kase madalang rin daw siyang pumasok.Ang balita ko ay namatay daw ang lola niya.Iyon siguro yung oras na nagkaroon siya ng emergency.

Naglakad ito papalapit sa akin habang dala ang seryoso nuyang ekspresyon.Medyo hindi ako sanay sa Frost na nakikita ko ngayon.Nasanay na ako sa Frost na laging nakangiti sa akin.

"I'm not fine,to be honest"medyo may lungkot niyang sambit at ramdam ko iyon dahil lumungkot ang tingin ng mga mata niya.

"Lona,can we go out?I just want to be with you,maybe magiging masaya ako-no,magiging masaya talaga ako at mawawala tong lungkot at tamlay ko kapag nakasama kita sa kaunting oras."wika pa niya

"Ahm,oo n-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong classroom.Napatingin ako sa gawi ni Mavy na nakatayo na ngayon at walang emosyon na nakatingin sa akin.Ano na naman?

Ngunit hindi iyon ang ikinabahala ko.Padabog itong umalis nang hindi manlang nagsasabi.Hinabol ko lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang maglaho.Napabuntong hininga ako at iniisip kung bakit ganoon ang inaasta niya.Akala ko ba ay liligawan niya ako?Bakit ngayon ay ganyan siya kasungit?

"Lona"muli akong napatingin kay Frost nang hawakan niya bigla ang braso ko at iniharap ako sa kaniya.

"Is it okay to you?"tanong pa niya at ngayon ko lang naalala na inaaya niya nga pala ako ako na lumabas.Saglit naman akong napaisip.Kanina ay sinabi sa akin ni Mavy na magdedate daw kami pero paano kung nagsusungit siya?Hays,umuwi na rin naman siguro yun kaya okay lang kung sumama ako kay Frost.

"Ahm,sige Frost.Payag a-ko"hindi ko alam ngunit may pag aalinlangan ako sa pagsagot ko.Parang ayokong sumama sa kaniya at puntahan na lamang si Mavy.

"Okay so let's go then"saad niya at wala na akong magawa nang kunin niya ang bag ko at hinila na ako papalabas ng classroom.Nang makarating kami sa may parking lot ay naagaw ng isang bukto ng lalaki ang atensyon ko.Nakasandal ito sa magara at mamahalin niyang itim na kotse.Kita ko rin na tila may kausap ito sa cellphone.Kaagad akong bumaling kay Frost na nakatingin lamang sa akin.Marahan kong binawi sa kaniya ang aking bag saka ang aking kamay na hawak niya.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon