Chapter 30

5.1K 114 0
                                    

SAFFY's Point Of View

"Dumaan tayo saglit sa palengke,babe.Bibili lamang ako ng prutas para kay Frost"wika ko kay Mavy habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.Papunta kami sa ospital ngayon para bisitahin si Frost.

"Bakit sa palengke pa?I don't wanna go there,mabaho doon.Baka mag amoy isda pa 'ko"maarteng wika niya kaya't hindi ko na naiwasan ang mapaikot ng mata.

"Napakaarte mo!Edi huwag kang sumama sa loob ng palengke,ako na lamang.Hintayin mo lamang ako sa paradahan,arte nito"asik ko sa kaniya ngunit agad din naman siyang nagprotesta.

"What?No way I'll let you go there alone,siguradong maraming lalake dun"wika niya,tingnan niyo ang isang to.Kanina aayaw ayaw tapos bibigay din pala tsk!

"Iyon naman pala eh,edi mabuti"napangisi ako bigla sa isiping ano na lamang kaya ang magiging reaksyon niya pag nakarating kami sa palengke?Siguradong mag aalburuto to dahil sa siksikan pa naman ang mga tao doon at dahil mareklamo to,siguradong panay ang reklamo nito sa amoy ng palengke.

"Anyway,where's the public market located?"tanong niya bigla kaya't agad ko namang sinabi sa kaniya kung saan iyon.Mga ilang minuto pa ay nakarating kami sa may palengke,pinarada niya lamang ang kotse niya doon sa tapat na paradahan.Bumaba na ako at hindi na hinintay na pagbuksan niya ako.

Nang tingnan ko siya pagkababa niya ay nanghahaba na ang nguso niya.

"Baby!"nagtatampo niyang aniya

"Sshhh huwag ka nang mag inarte riyan,tara na doon sa loob"hinila ko na agad ito papasok sa palengke at hindi na ako nagulat pa nang magreklamo siya agad.

"Damn,smells so fishy!"pabulong na reklamo nito kaya't agad ko siyang hinampas sa braso .Baka mamaya ay may makarinig sa kaniya,siguradong gulo iyon pag nagkataon.

"Manahimik ka,malamang palengle to,may mga isda kaya malansa!Siraulo alangan namang mag amoy mall dito diba?"asik ko pa dito sa pabulong na paraan habang nakikipagsiksikan sa mga tao,hila-hila pa rin siya.Susko para akong nanay na namimili rito kasama ang maarte at mareklamo kong anak.

"F*ck,You've been hurting me since earlier,what the hell is wrong with you-f*ck why is it crowded here?I can't move properly!"muling reklamo na naman niya.Marahas akong napabuntong hininga at hinarap siya.

"Napakareklamador mo.Isa oang reklamo iiwan kita dito"pagbabanta ko ngunit nginisian lamang niya ako na tila hindi siya natatakot at naniniwala sa sinasabi ko.

"As if you ca-hey,f*ck baby wait for me!Damn,you can't do tjis to me,you can't leave me!"hiyaw na lamang niya sa gitna ng kumpol ng mga namimili nang iwan ko siya roon.Ha!Akala niya hindi ko gagawin ha?Bahala siya riyan,tuturuan ko siya ng leksyon!

Tumigil ako sa paglalakad sa may parteng wala masyadong mga namimili at nilingon siya sa di kalayuan.Natawa pa ako nang nakikipagsiksikan siya sa kumpol ng mga tao habang hindi na maipinta ang mukha niya.Swerte at nakaalis siya roon at kaagad na lumapit sa pwesto ko.

"F*ck that was hell!"asik niya habang inis ang mukhang tiningnan ako ngunit isang malakas na tawa lamang ang ibinalik ko sa kaniya pagkatapos ay nginisian siya.

"Oh,sabi ko sayo eh.Napakareklamador kase,edi hayan.Iiwan talaga kita ulit kapag nagreklamo ka pa"pagbabanta ko ulit sa kaniya at bigla na lamang siyang dumikit sa akin at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko na tila ayaw akong pakawalan.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon