Chapter 16

8.1K 178 15
                                    

SAFFY's Point Of View

"Ahm,maybe let's talk later?May emergency lang.Thank you sa paggamot sakin,anyway.Bye Lona."pagpapaalam ni Frost at mabilis akong dinampian ng mabilis na halik sa noo bago siya nagmamadaling lumabas ng clinic.Hays,mabuti na lamang at nakaligtas ako.Salamat sa tumawag sa kaniya at nakaligtas ako mula sa katanungan ni Frost.

Tumayo na ako at inayos muna ang mga ginamit ko sa paggamot sa sugat niya saka iyon inilagay sa dapat na lalagyan.Naglakad na ako papalabas ngunit nang akmang bubuksan ko na sana ang pinto ay sya namang bukas rin nito at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Mavy.Kasunod naman niya ang dalawa pa niyang kaibigan.

"Gamutin mo rin ako."saad niya kaya't agad na nangunot ang noo ko.Ano naman ang gagamutin ko sa kaniya?Wala naman siyang sugat eh.

"Wala ka namang sugat kaya wala rin akong gagamutin sayo."sabi ko at lalagpasan na sana siya nang harangan niya ako.Pumasok na sila ng tukuyan at isinara ang pinto ng clinic.

"Oh,then I'll put one.Travon,punch me."nagtataka ko siyang tiningnan ng utusan niya si Travon na suntukin siya.Nahihibang ba ang isang to?

Tila nagulat naman si Travon at Wax at tiningnan ang isa't isa.

"K-King anong pi-"

"Just punch me,idiot!"singhal pa ni Mavy kay Travon

"Ayoko nga.Si Wax nalang,mahirap na at baka gumanti ka mamaya."tila natatakot na sambit ni Travon saka itinuro sa Wax na agad naman ding umiling.

"Anong ako?Ayoko nga,mamaya yung mukha ko naman ang mabasag.Hindi na ko makakapangchix"aniya pa nito.Marahas na napabuntong hininga si Mavy na tila nauubusan na ng pasensya saka niya sinamaan ng tingin ang dalawa.

"Are you going to punch me or I will be the one to punch the two of you?!"asik niya oa sa mga ito kaya't agad na lamang siyang napamura ng malakas nang sabay siyang suntukin nila Wax at Travon.Sa gulat ko ay nanlaki na lamang ang mga mata ko at napatakip sa sariling bibig.

"Teka lang King,sabi mo suntukin ka namin.Bakit parang galit ka?"kinakabahang tanong ni Wax nang makatanggap sila ng masamang tingin mula kay Mavy.Oo nga naman,ang isang ito,may hangin siguto utak nito?

"Yes I said that but hindi ko sinabing sabay kayo!"singhal pa nito sa dalawa kaya't napakamot naman agad sila sa batok.

"Hehe,sorry na King.Na carried away lang"sambit pa ni Wax kaya't agad na napairap si Mavy at binalingan naman ako ng tingin kaya't medyo napaatras pa ako.Ngunit napaiktad na lamang ako sa gulat nang hawakan nito ang magkabilang bewang ko at hinigit ako papalapit sa kaniya.

"Look at me baby,I have wounds now so pwede mo na 'ko gamutin?"napaismid nalang ako sa tono ng pananalita nito.Para siyang bata na nagsusumbong sa ina niya dahil nagpapaawa pa ito at nakanguso.

"A-Ayoko!Tumawag ka nalang ng nurse saka kasalanan mo naman yan eh."pagtataray ko sa kaniya saka nag iwas ng tingin dahil napakalapit ng mukga niya sakin.Ngunit nahigit ko na lamang ang hininga ko nang hawakan niya ang baba ko at iniharap ako sa kaniya.

"I don't wanna call anyone to heal my wounds.I just want you,baby.Only you can heal this wounds."halos pabulong niyang aniya at napasinghap na lamang ako nang nakawan niya ako ng mabilis na halik sa labi.Napaka manyak ng lalakeng to!

"C-Che,ayoko!"pagtataray ko pa rin sa kaniya at akmang iiiwas ulit ang tingin ngunit kapit niya ang baba ko kaya't hindi ko magawa.Napatitig na lamang ako sa mga mata niya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"What about that Montereal?You healed his wounds so you should heal mine,too"seryoso pa niyang saad at matiim akong pinakatitigan.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon