Chapter 50

6.3K 133 13
                                    

SAFFY's Point Of View

"Tama na yan,Savynna"saway ko sa aking napakakulit na anak na halos hindi na tigilan iyong tsokolate na pasalubong sa kaniya ni Revan.Gaya ng sinabi nito ay sumunod nga siya dito sa Pangasinan para bisitahin si Savynna.Mukha namang maayos na rin ang kagay ni Savynna kaya lamang ay kailangan pa rin namin ang anunsyo na doktor kung maaari na ba namin itong iuwi.

"Papa Revan!"agad siyang kumandong kay Revan na nakaupo doon sa kabilang tabi niya para humingi nang tulong.Kinuha ko kase iyong kinakain niyang isang pack ng flat tops.Ilang tsokolate na ba ang nakain niya?Pinagbibigyan ko lamang siya kanina dahil dinadramahan niya ako pero sobra na iyon.Baka mamaya ay maubos na ang ngipin niya.

Ngunit imbes na tulungan siya ni Revan ay tinawanan lamang siya nito.Mabuti naman at hindi na niya ini-spoil,o baka alam din niyang marami na talagang nakain na tsokolate si Savynna.

Napanguso si Savynna at umalis doon sa kandungan ni Revan at sumimangot.Pinagkrus oa nito ang kaniyang mga braso kaya't lalo siyang tinawanan ni Revan,pati nga ako ay natawa na rin.

"You don't love me na Papa Revan?"tila nagtatampong tanong ni Savynna kay Revan.Pinisil agad nito ang kaniyang pisngi na ikinangiwi naman niya.

"Of course I love you but too much chocolate is not healthy.Gusto mo bang mawala ang teeth mo?"malambing na wika dito ni Revan.Mabilis namang umiling-iling si Savynna.

"No,papa Revan.I will get ugly if I lost my teeth"wika pa nito.

"Then don't eat too much of chocolates"wika naman ni Revan habang may ngiti sa labi.Ginulo pa nito ang buhok ng bata na tuwang-tuwa naman.

"Mommy,I'm hungry"kapagkuwan ay binalingan ako nito habang hinihimas ang kaniyang tiyan at nakanguso.

"Kakakain mo nga lang ng chocolates,gutom ka na naman?Hindi bale,Revan bibili lamang ako ng pagkain"binalingan ko si Revan na agad namang tumango.Muli kong tiningnan si Savynna na nagkikislapan na nanan ang mga mata.

"Ano bang gusto mong kainin?"tanong ko rito.Umakto naman agad itong nag-iisip.

"I want fried chicken mommy"wika agad nito.

"Yun lang ba?"tanong kong muli rito at nag-isip naman siya ulit,nanatili lamang kami ni Revan na pinanonood siyang mag-isip.

"Sundae mommy,I want sundae"kapagkuwan ay wika nito.Tinanguan ko lamang ito saka nagpaalam na sa kanilang aalis na ako para bumili.Suya nga pala,wala doon sina inay at Jelen,pinauwi ko na sila nung dumating si Revan.

Lumabas nga ako ng ospital para maghanap ng mabibilhan ng pagkain hanggang sa narating ko iyong malapit na Jollibee,pumasok ako roon.Medyo marami ang tao,marami ring nakapila para um-order kaya mukhang matatagalan pa ako rito.Pero wala naman akong ibang pagpipilian kaya't pumila pa rin ako.

Habang nasa gitna ako ng mahabang pila ay may napansin akong isang pamilyar na mukha nang ilibot ko ang aking paningin dito sa loob.Pinasingkit ko pa ang mga mata ko para siguraduhin at hindi nga ako nagkamali na kilala ko kung sino iyon.Ang tanong,ano ang ginagawa niya dito sa Pangasinan?

Naramdaman niya yatang may nakatingin aa kaniya kaya inilibot niya ang oaningin hanggang sa matigil iyon sa aking pwesto.Nanlaki ang kaniyang mga mata.O bakit?Nagulat ka ba na nakita mo ako?

Grabe,napakaliit nga naman ng mundo ano?Bakit ba napadpad dito ang impukr*tang iyan?Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding inis,inaalala iyong mga ginawa niya uoang sirain ang buhay ko.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon