SAFFY's Point Of ViewKINABUKASAN ay ihinatid pa ako ni Revan sa Parker University.Nakakahiya man ngunit wala naman akong magagawa dahil wala naman akong perang pamasahe sana papunta nga doon sa University.Malayo pa naman yung bahay niya mula sa school.Ang isa pang nakakhuya rito ay ibinili pa niya ako ng masusuot kong unuporme pampasok ngayon dahil nga marumi na iyong uniporme na suot ko kahapon.Wala rin naman akong dalang ekstra,naiwan doon sa bahay.
"Salamat sa paghatid,Revan"pagpapasalamat ko sa kaniya nang marating na namin ang university.
"I told you,I'm your friend.Sige na,bumaba ka na,baka malate ka pa"nginitian ko muna siya at saka ako lumabas mula sa kotse niya.Kumaway pa ako bago ko naisipang pumasok na sa gate ng eskwelahang pinapasukan ko.Kinakabahan pa nga ako dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga estudyante rito matapos ang eskandalong ginawa ko kahapon sa cafeteria.Pero dapat hindi ko nararamdaman ito,sa huli hindi naman ako ang lalabas na masama base sa mga nangyari kahapon.Hindi ako ng nanloko,hindi ako ang lalabas na nakakarumi dito.
Kahit napakaraming tumitingin sa aking estudyante ay dumeretso pa rin ako sa classroom.Walang katao-tao doon maliban sa lalaking nag-iisang nakasubsob doon sa armchair niya at alam ko na kung sino iyon.
Imbes na maupo doon dati kong inuupuan ay mas pinili ko na lamang na maupo dito sa upuan malapit sa pintuan ng classroom.Mas mabuti na iyong malayo kami sa isa't isa dahil baka hindi ko matansa ang sarili ko at masaktan ko na naman siya.Ikinuyom ko ang kamao ko nang makita ko sa peripheral vision ko na tumayo siya at naglakad patungo sa pwesto ko.
Nagpanggap akong hindi ko napapansin ang presensya niya at itinuon na lamang sa labas ng bintana ang paningin ko,pinagmamasdan ang mga estudyanteng napapadaan dito sa hallway sa tapat ng aming classroom.
"Baby...That's not your seat"napairap ako at inis siyang nilingon ngunit tila nanlambot ang mga tuhod ko nang makita ang namumula niyang ilong at namamaga niyang mga mata.Hakatang kagagaling lamang niya sa iyak.Gulu-gulo rin ang buhok niya at napansin ko pa ang kamao niyang may benda.Pinigilan kong magpakita ng pag aalala sa kaniya at nag iwas lamang ng tingin.Baka kung titingnan ko pa siya sa ganiyang itsura ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong hawakan siya.
"Bab-"inis ko siyang nilingon ngunit agad ring nag iwas ng tingin.
"Bakit ka ba nangengealam?!Uupo ako kung saan ko gusto isa pa,huwag mo akong tawaging 'baby' o kung ano man.Baka nakakalimutan mo,tinapos ko na kung anong mayroon tayo"singhal ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.
"N-No,you can't break up with me,hindi ako pumayag.Baby,please let's fix this...please,I can't live without you.I can't lose you,please"kinagat ko ang ibabang labi ko nang lumuhod siya sa may gilid ko at hinawakan ang isa kong kamay.Sinubukan ko iyong bawiin ngunit hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin.
"Baby please...I'm begging you,I can't...Please,I can't livd without"tila trinaydor ako ng mga luha kong nagbagsakan na nang marinig ko ang mga hikbi niya lalo na nang maramdaman ko ang pagpatak ng mga kuha niya sa kamay ko.Alam kong nasasaktan siya pero ano pa ako?Ako iyong niloko rito,kaya't ako itong mas nasasaktan sa aming dalawa.
"Kung naisip mo sana iyan bago niyo ginawa ang kababuyan niyo noong ex mo,hindi tayo aabot sa ganito.Wala eh,g*go ka!Napakag*go mo!"marahas akong tumayo at hindi inalintana ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya't mabilis niya iyong nabitawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/252721835-288-k323698.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomantizmNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...