SAFFY's Point Of View
Nang makaalis ako sa silid na iyon ay dumeretso agad ako sa classroom,nalate pa nga ako pero ayos lang naman daw sa guro namin basta't huwag nang uulitin.Nadatnan ko na naroon na rin ang tatlo.Nagtataka pa sila ngunit hindi na nila ako inabala pang tanungin kahit sa tingin ko ay gustong gusto na nila magtanong.
Lumipas ang ilang oras at lunch break na,hindi rin sumipot sa klase si Mavy.Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at ayoko munang alamin dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kaniya.Kahit sino naman siguro ay sasama rin ang loob kung pagbintangan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa.
"Vienn,hindi muna ako sasabay sa inyo.Pupunta lamang ako ng library"pagpapaalam ko kay Vienn habng nililigpit ang aking mga gamit.
"Ha?Hindi ka ba kakain?"tanong niya
Kaagad akong umiling,"Hindi na,wala akong ganang kumain"sagot ko pa at walang sabi-sabing lumabas na ng classroom,mabuti at hindi na niya ako tinanong pa.
Nang marating ang library ay inabala ko agad ang sarili sa paghahanap ng mga libro na gusto kong basahin.Pagkatapos,nang may magustihan na ako ay ang mapupuwestuhan naman ang hinanap ko.Pumuwesto lamang ako roon sa parteng sulok ng library,gusto ko lamang ipokus ang sarili ko sa pagbabasa nabg sa gayon ay mabawas-bawasan itong sama ng loob ko.
Isang oras rin akong nagbasa at sakto lamang na oras na ulit ng klase nang matapos ako.Napagdeaisyunan kong ibalik na ang libro bago ako naglakad papalabas ng library.Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay nasalubong ko ang taong ayoko munang makita.Bakit ba ganoon,pag ayaw mong makita ang tao ay tadhana naman ang naglalapit nito sayo?Napakamapaglaro talaga.
"Makikiraan"walang emosyon kong wika nang hindi siya binibigyan ng tingin,nakaharang kase siya sa daraanan ko.
"Let's talk,please?"halos pabulong na wika niya kaya agad akong napatingala upang tingnan siya,nangungusap ang mga mata niya na tila sinasabi noon na gusto niya talaga akong makausap.
"Sa tingin ko ay wala naman tayong dapat pag usapan kaya pwede bang umalis ka sa daraanan ko?"wika ko ngunit masyadong matigas ang ulo niya
"Please,baby let's just talk.Just a couple of minutes,please?"tila nagmamakaawa na talaga siya at hinawakan pa ang magkabila kong kamay.
"Wala tayong dapat p-"
"Please"putol niya sa sasabihin ko kaya't para matapos na ito ay wala na nga akong ibang nagawa pa kundi tumango at magbitiw ng malalim na paghinga.
"Sandali lamang,Mavy kase may klase pa tayo"bilin ko kaya't tila kumislap pa ang mgamata niya saka tumango tango.Muli akong napabuntong hininga,kailangam din talaga siguro naming mag usap.
"Thank you,baby"aniya pa at hinila ako papunta sa kung saan.
"Bakit kailangang dito pa tayo mag usap?"nagtataka kong tanong sa kaniya nang dalhin niya na naman ako sa abandonading classroom.
"Uh I guess this is the perfect place to talk about it,baby."wika niya bago isinara ang pinto.
"Pwede namang sa garden na lamang ah.Bakit kail-"
"shh,shut up baby"tila tumaas ang mga balahibo ko nang hawakan niya ang bewang ko saka ako hinila palapit sa kaniya.Ano na naman ba iting ginagawa niya?
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomansaNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...