Chapter 48

6.5K 155 7
                                        

A/N:Wrong typos ahead,sorry minadali ni author ang pagtatype.

SAFFY's Point Of View

HANGGANG sa mag-out ako sa aking trabaho ay hindi maalis-alis ang inis ko.Ito na ang huling gabi ko sa trabaho bilang sekritarya ni Mr.Guillermo dahil bukas na bukas ay sa kumpanya na ni Mavy ang bagsak ko.P*ste talaga ang isang yun,panira sa buhay.Maayos na sana anv trabahao ko kay Mr.Guillermo tapos heto naman siya at ginulo pa ako.

"Oh,parang hindi maipinta ang mukha mo ah"bungad sa akin ni Vienn ng pagbuksan niya ako ng pintuan.Mukhang kakadating niya lamang din dahil suot pa niya iyong suot niya mula kaninang umaga.

"May panira lang kase ng araw ko"irap ko at dumeretso doon sa sofa at pabagsak na naupo.Yung pakiramdam na pagod na ako mula sa trabaho tapos idagdag pa iyong inis ko kay Mavy,susko nakaka highblood!

"Sino naman kaya iyang sumira sa araw mo?"natatawang tanong ni Vienn matapos isara ang pintuan.Naglakad siya patungo sa akin at naupo sa tabi ko.


"Edi ang t*ngna mong pinsan,sino pa ba?"muli akong napaikot ng mata at pinagkrus ang aking mga braso sa dibdib.Tila nabigla pa siya sa aking sinabi dahil umayos siya ng upo at pinakatitigan ako gamit ang gulat niyang mga mata.

"Lemme guess,nagkita ulit kayo?"gulat pa niyang tanong.Napatango-tango ako at nainis nang maalala na naman ang mga nangyari kanina dahil sa bw*sit na manlolokong yun.

"So,what happened?"para siyang isa sa mga tsismosang kapitbahay namin noon at kumakalap ng chismis sa akin.Ang bruhildang tp,napaka-chismosa talaga minsan.

"Nagkaroon ng biglaang meeting ang boss ko kasama siya kanina.At syempre isa akong sekritarya kaya nasama ako at nakita ang bw*sit at manloloko mong pinsan.Napakapanira ng araw pero hindi lamang iyon ang nakakainis,Vienn.Alam mo bang kinausap pa niya ang boss ko at pinagpalit kami ng sekritarya niya?Syempre dahil dakilang magkaibigan nga sila at magkasosyo sa negosyo tulad ng iyong sinabi,pumayag naman ang boss ko,nakakinis talaga!"gusto kong magwala dahil sa inis ko sa knaiya ngunit nauwi na lamang iyon sa pagpadyak-padyak ko sa tiles ng penthouse nila.Syempre baka magbayad pa ako ng mimilyones pag nakabasag ako dahil sa pagwawala ko pag nagkataon ano.

"You mean,you're going to be his secretary?"hindi makapaniwala niyang tanong ay muli ay tumango lang ako sa kaniya.

"So what's your plan?I mean,tutuloy ka pa ba sa pagtatrabaho?"tanong niya kapagkuwan.

"Syempre kailangan kong ituloy kahit pa siya na ang bago kong boss.Paano na lamang ang anak ko kung wala akong trabaho no?"wika ko rito.

"Pwede ka naman maghanap ng ibang trabaho,tutulungan kita kung ayaw mong maging boss si Mavy"suhestiyon niya na agad ko lamang inilingan.

"Hindi na Vienn.Titiisin ko na lamang ang presensya ng manlolokong iyon.Iisipin ko na lamang na para iyon sa anak ko"walang gana ko pang wika.

"Speaking of,kailan mo pala balak na sabihin sa kaniya ang tungkol sa baby niyo?"napalingon ako sa kaniya dahil sa kaniyang biglang tanong.

"Hindi ko pa alam sa ngayon pero...iniisip ko na kung paano lalo na at nangako ako kay Savynna na pagkabalik ko sa Pangasinan ay pupuntahan at ipakikilala ko siya sa kaniyang daddy"wika ko naman at saka humugot ng napakalalim na hininga.Isa pa iyon sa pinoproblema ko eh.

"Ghad,that was really a problem to you Saff and I don't think I can help you 'bout that"tila pati yata si Vienn ay namomroblema na sa problema ko dahil sa paghugot niya nang napakalalim na hininga.Napahilot pa siya sa sentido niya at napapalatak.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon