Chapter 17

8.2K 167 14
                                    

SAFFY's Point Of View

"Inay,aalis na po ako."pagpapaalam ko kay inay matapos kong isukbit ang aking bag.

"Sige anak,mag iingat ka ha"paalala naman ni inay kaya't lumabas na agad ako ng bahay ngunit nagulat ako sa bumungad sa akin sa labas.Isang itim na kotse ang nakaoarada sa harapan bg bahay namin at doon ay nakasandal ang may ari nito na si Mavy.Muli ko na namang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko at sigurado na ako kung bakit.Napag isipan ko na ito kagabi ngunit kailangan ko pa rin ng proweba na magpapatunay dito para ng sa gayon ay mas sigurado na ako sa nararamdaman ko.

"Bakit ka nandito?"sinubukan kong huwag mautal nang tanungin ko siya,ayaw kasing huminto nitong puso ko eh.Parang gusto na niyang lumabas sa lungga niya.Lumapit ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti sa akin.

"I told,I'll see you tomorrow right?And that's now."sambit niya saka humakbang ng isang beses dahilan para sobrang lapit na naman namin sa isa't isa.Nagwawala na tong puso ko at kung hindi ko ito pipigilan ay maaaring lumabas na ito at gawin ang bagay na gusto niya.

"Pero wala kang sinabi na susunduin mo ako"sambit ko at tiningala siya,bakit kase ang tangkad niya?Hanggang dibdib niya lamang ako.

"Oh,is that so?I'm sorry,then,my baby"nakagat ko ang ibabang labi ko upang maiwasan ang mapatili sa kilig nang malambing niyang halikan ang noo ko.Oo,alam ko nang ang malakas na pagtibok ng puso ko kapag malapit siya ay kilig ang dahilan.Ganoon rin naman ang nangyayari kapag kasama ko si Frost ngunit mas malala nga lamang ang kay Mavy.

"T-Tara na nga lang.Nana-nantsing ka na naman eh"pag iiba ko sa usapan at bahagya siyang tinulak dahil hindi ko na kaya ang pagwawala nitong puso ko.

"If I know,you're liking it"ngisi niya kaya't agad akong nakaramdam ng pagkainit ng pisngi ko.Siguradong namumula na ako ngayon.

"C-Che!Assumero ka!"kunwari ay pagsusuplada ko sa kaniya saka ako nag iwas ng tingin at pasimpleng napakamot sa tuktok ng aking ilong.

"A'right,let's go"mahina siyang natawa at iginaya na ako papasok sa passenger's seat.Umikot naman siya papunta sa driver's seat at pagkuwan ay nagmaneho na rin naman kaagad.Tahimik lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ngunit agad ko na lamang binalingan ng tingin si Mavy bang abutin niya ang kabilang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kamay niya at hinalikhalikan habang abala naman sa pagmamaneho ang isa niyang kamay.

Agad akong nakaramdam ng kilig at siguradong namumula na rin ang mukha ko.Napakamot ako sa tuktok ng ilong ko at nakagat ang ibabang labi upang mapigilan ang mapangiti.

"You know what baby,I think I'm starting to fall for you."napadiin ang pagkagat ko sa ibabang labi ko at naoahigpit rin ang kapit ng kamay ko sa kaniya nang sambitin niya ang mga salitang yoon.Tila gusto na naman na lumabas ng puso ko mula sa lungga nito at nagsisimula na ring magwala ang mga paru-paro sa tiyan ko.Napaiwas ako ng tingin at sa labas na lamang bumaling dahil hindi ko na talaga mapigilan ang paglabas ng ngiti sa labi ko.

'Ako rin,Mavy.Ss tingin ko ay nagugustuhan na rin kita'sambit ko lamang sa aking isipan.Ayoko munang aminin sa kaniya lalo't hindi pa ako ganoong kasigurado.

"Hey,wala ka bang sasabihin?"tanong niya nang hindi ako umimik.

"S-salamat?"nauutal kong tanong nang hindi siya binabalingan ng tingin.Hindi pa ako pwedeng umamin sa ngayon.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga at humigpit ang kapit niya sa kamay ko.Naging tahimik niya siya hanggang sa makarating na kami ng school.Bumama nalang agad ako nang bumaba siya.Nagtataka ko naman siyang tiningnan nang nakakunot noo siyang tumingin sa akin.

"Bakit?"nagtataka ko pang tanong

"Bakit lumabas ka na?"medyo inis niyang tanong kaya't lalo akong nagtaka

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon