Chapter 35

5.1K 107 5
                                        

SAFFY's Point Of View

MAAGA akong nagising kahit na tila pagod na pagod ang katawan ko.At tulad ng mag nakaraang araw ay nagduwal ma naman ako.Naisip Kong siguro ay kailangan ko nang magpatingin sa doktor dahil baka lumala pa ito kung sakit nga ba talaga ito.Maagang umalis si inay,baka daw kase madaming tao sa parke ngayon lalo na at may gaganapin pala doon na pagdiriwang mamaya.

Pagkatapos ko sa paghahanda para sa pagpasok ay naghintay na ako kay Mavy sa labas ng bahay.Nakausap ko sa telepono si tita Fiona kagabi,ang sabi kiya ay hindi na daw niya ibuburol ang labi ni Frost,ayaw niya daw na makitang iburol ito dahil lalo lamang siyang nasasaktan.Naiintindihan ko naman siya dahil maski ako ay ganoon din ang nararamdaman.Ang balita ko rin ay umuwi daw galing Japan ang daddy ni Frost para tumulong sa aasikasuhing libing ni Frost.Sobrang nalungkot din nga ito sa pagkawala ng kaniyang anak,syempre nag iisang anak lamang nila iyon.

"You're early"puna ni Mavy sa akin pagkababa niya mula sa kotse niya saka lumapit sa akin at hinalikan ako.

"Good morning"bati pa niya habang nakangiti

"Magandang umaga,maaga kase akong nagising kanina"sabi ko naman kaya't tumango-tango lamang siya saka ako pinagbuksan ng pinto ng koytse.Walang pagdadalawang isip naman akong sumakay doon saka siya sumakay na rin at pinaandar na agad ang kotse.

"OH,nandito na pala kayo"bungad sa amin ni Travon matapos naming maupo ni Mavy sa aming mga upuan.Hindi ko na ito pinansin at dumeretso ang tingin kay Vienn na nakatutok sa cellphone niya.Saglit pa itong napasulyap sa akin ngunit kaagad ring nag iwas ng tingin.Nalungkot naman ako,talaga bang wala nang pakealamanan?Ganoon nalang ba iyon kadali?

Buong klase ay wala kaming kibuan ni Vienn.Minsan ay panay ang lingon ni Travon na nasa unahan namin dito sa aming pwesto.Pinakikiramdaman siguro kami ni Vienn.Hanggang sa oras na nga ng recess at mabilis rin na umalis si Vienn,nagmamadali ito.

Nagtungo na lamang kaming apat sa cafeteria  upang magrecess.Si Wax na ang bumili ng kakainin namin dahil malaki daw ang nahingi niyang pera sa lolo niya kaya manlilibre daw siya.Tahimik lamang kaming nagjatabi ngayon ni Mavy,sinama kase ni Wax si Travon kaya kami lang abg naiwan dito sa lamesa.

Habang wala pa si Wax ay inilibot ko ang paningin hanggang sa mahagip ng mata ko si Vienn na mag isang kumakain sa kabilang sulok ng cafeteria.Gusto ko siyang puntahan at kausapin ngunit natatakot akong iwasan niya lamang ako dahil sa galit niya sa akin.Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako ay agad siyang tumayo at lumabas ng cafeteria.

Napasimangot ako at pinigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.Pagkalabas ni Vienn ng cafeteria ay siya namang pagpasok ni Gwen at ang grupo ni Sheena.Taas noo silang naglalakad papasok at nang mapapadaan sila rito sa gawi namin ay bahagya kong nginitian si Gwen.Gayun na lamang ang pagtataka ko nang irapan ako nito at tuluyan nilang nalagpasan ang gawi namin.

Anong nangyari dun?Bakit biglang tinarayan niya ako?

Napalingon ako sa likuran kung saan sila nakapwesto.Sakto namang nakatingin si Gwen sa pwesto namin o mas tamang sabihing kay Mavy na abala sa kakalaro sa cellphone niya.Napansin yata ni Gwen na may nakatingin sa kaniya kaya agad niya akong binalingan ng tingin at isang nakakatakot na ngisi ang lumabas sa labi niya bago ako inirapan at nag iwas ng tingin.Kinabahan naman ako bigla sa inaakto niya.Heto na ba ang sinasabi nila?Talaga bang nagtatanggal na ngayon maskara si Gwen para ilabas ang tunay na ugali niya?

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon