WARNING:WRONG TYPOS AHEAD!
SAFFY's Point Of View
NAGISING ako sa isang medyo madilim na lugar nang may marinig akong mahinang iyak.Hinanap ko kung saan iyon nanggagaling at agad akong nataranta nang maaninagan ko ang isang bata na nakagapos sa upuan habang may takip ang bibig nito.Ang anak ko,paano nila nagawa to?
"Hmmp!Hmmp!"sinubukan kong sumigaw ngunit napagtanto kong pati pala ang bibig ko ay may nakatakip rin na tape.Ni hindi ko rin magawang makagalaw sa kinauupuan ko dahil maski ako ay nakagapos rin.Tiningnan ko si Savynna,ilang metro lamang ang layo nito mula sa kinaroroonan ko.Hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak nang marinig ko na naman ang iyak niya.Nakatingin siya sa gawi ko at pinipilit na kumawala doon sa pagkakagapos niya sa upuan.
"Oh,gising na pala ang mga bihag"napatingin ako sa isang dereksyon,doon sa pintuan ng kwartong kinalalagyan namin.Sa palagay ko ay nasa isang abandonadong bahay kami.Mula doon sa pintuan ay lumabas ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin.Maya-maya ay biglang bumukas ang ilaw upang maghatid ng liwanag dito sa loob ng kwarto.Ngunit kaunti lamang naman ang ilaw noon dahil tila pundido n rin.
"Pakainin sila,Diego!"utos niya sa isang lalaking ngayon ko lamang napansin sa isang sulok.Mabilis rin naman itong tumalima at lumabas ng kwarto para siguro kumuha ng pagkain.
"So,ikaw pala ang kinababaliwan ni Parker?"lumapit sa akin ang lalaking ito,sa palagay ko ay siya ang lider o boss dito.Halata naman dahil mukha siyang nakakatakot dahil sa kulay pula niyang bandana sa ulo.Idagdag pa iyong maraming hikaw sa isang tenga niya at sa may kilay niya.Mukha siyang adik.
"Hmmp!"galit na galit ko itong tiningnan at pilit na kumakawala sa pagkakagapos ko.Gusto ko siyang saktan dahil sa pagdukot niya sa amin ng anak ko.
"Oh,kalma.Parating na ang pagkain"tinawanan pa ako nito kaya lalo akong nakaramdam ng inis.Wala siyang puso.Pati ang anak kong walang kamuwang-muwang ay dinamay niya.
Maya-maya ay mahina akong napadaing nang padarag niyang alisin ang tape sa bibig ko.Ngayon ay may pagkakataon na akong magsalita.Yumuko siya para ilapit ang mukha sa akin kaya naiatras ko ang sarili sa upuan.
"Napakaswerte nga naman talaga ni Parker no?Bukod sa napakasuccessful niya na businessman,napakaganda rin pala ng babae niya.Hmm,paano kung galawin kaya muna kita bago isuli kay Parker?Para naman bukod sa pera ay may natikman rin akong ivang o
Pag-aari niya"kinilabutan agad ako sa mga sinabi niya at iniiwas ang mukha ko sa kaniya nang akmang hahalikan niya sana ako.Tumawa naman ito ng malakas sa ginwa ko saka siya lumayo at umayos ng tayo sa harapan ko."Sino ka ba ha?!Ano bang kailangan mo samin?Bakit kailangan mo pang idamay ang anak ko?!Kung pera ang kailangan mo,pakawalan mo na kami dahil wala kang mapapala sa'kin!Wala kang makukuha ni katiting na pera sa akin!"singhal ko kaagad sa kaniya habang halos patayin ko na siya sa tingin.
"Woah,easy!P*ta di ko alam na matapang pala ang babae ni Parker...Well,una sa lahat miss,magpapakilala muna ako sayo.Ako si Ryko Milendez.Anong pakay ko?Si Parker,si Mavy Parker ang pakay ko.Alam ko naman na wala akong makukuhang pera sayo,pero kay Parker,marami!"humalakhak pa ito na parang baliw.Kumunot naman ang noo ko,iniisip ang sinabi niya.Ryko?Pamilyar sa akin-teka,tama!Si Ryko,ang dating kasintahan ni Gwen!Ano na naman ba ang gusto niya?
"Ikaw!Bakit ka ba nandito?Ano na naman ba ang kailangan mo?!"galit na sigaw ko sa kaniya.
"Tsk,paulit ulit nalang ba tayo?Si Parker ang kailangan ko,ang pera niya ang kailangan ko"sigaw nito sa akin pabalik.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomansaNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...