Chapter 7

9.8K 241 8
                                    

SAFFY's Point Of View

Nakarating kami sa wakas sa isang magarang restaurant.Sa labas pa lamang ay talagang nakakamangha na ito at talagang gaganahan kang kumain rito.

"Hey,stupid lets go."biglang wika ni Mavy at nauna nang pumasok sa loob ng restaurant.Tingnan niyo ang isang yun.Wala man lang pagkagentle man.Iwanan ba naman ako dito sa labas?Sus kung alam ko lang na ganito ay di na dapat ako sumama.Sabagay,mali ko rin naman na hindi ko manlang naisip na ganito nga pala ang ugali niya no,tsk.

Sumunod na lamang ako sa kaniya na pumasok sa loob at talagang nakakahanga dahil kung anong ganda ng nasa kabas ay doble ang nasa loob.Parang nakakahiyang tapakan ang sahig dahil napakalinis nitong tiles na pwede nang pagsalaminan sa kintab.Pati ang mga lamesa ay gawa sa bubog habang ang mga upuan naman ay parang ginto sa kulay at kintab nito.Mukhang hindi yata ako nababagay rito.

Hinanap ko kung nasaan si Mavy at nakita kong nakapwesto na ito sa pinakadulong table at may kausap itong waitress.Base sa nakikita ko mula rito ay inaakit pa siya ng waitress samantalang siya naman ay ngiting ngiti rito na para bang tuwang tuwa.Hayst,nakilumatan ko yatang playboy ang isang to?

Naglakad na ako papunta sa kinaroroonan niya at nang makarating ay naupo agad ako sa katapatan niyang upuan.Ilang sandali lamang ay natapos na ang pag uusap nila ni Ms.Malanding Waitress.Pasensya na kung judgemental ako pero nagsasabi lang ng totoo.Eh sa iyon ang nakikita ko eh bat ba?

"I already ordered a meal kaya hinatayin nalang natin."sabi ni Mavy kaya tumango na lamang ako at inilibot ang paningin sa buong restaurant.Napayuko na lamang ako nang makitang halos lahat ng mga costumer rito ay nasa sa pwesto namin ang tingin.Hayy,hakot atensyon na naman itong si Mavy.Nakakahiya naman at mukhang di ako bagay na kasama siya dahil napakadugyot ko.

Bapakamot ako sa ilong ko saka sa labas ng restaurant na lamang ibinaling ang tingin.

"Ang gwapo naman ni kuyaaa ackkk!"

"Kaya nga.Sa Parker University siguro pumapasok yan?"

"Ano ba kayo eh sya kaya si Mavy Parker"

"Oh look at that girl with him,whos that?"

"His assistant maybe?"

"Baka personal yaya niya?"

"Baka naman girlfriend niya."

Mubtik na akong malaglag mula sa kinauupuan ko dahil sa huli kong narinig na usapan ng mga kababaihang costumers dito.Girlfriend?Sus,asa namang patulan ko ang demnyong to no.

"Ano ba kayo!Ang isang Parker maggi-girlfriend ng dugyot na low class girl?"

"Duhhh,malabong mangyari yun no."

"Oo nga."

Sus akala mo naman kung sino kung makapagsalita na dugyot ako.Eh sya nga mukhang clown eh.

"Sher,ete ne pe eng erder me.If you want,take me as your lunch,too."napatingin agad ako sa waitress na kakarating lang sa pwesto namin dala ang mga pagkaing in-order ni Mavy.Ang kire naman ng waitress na 'to.

"No thanks.I'm with my girlfriend and she's turning to a wild lion if she get jealous."napatingin naman ako kay Mavy na kausap ang waitress.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon