Prologo

26K 408 17
                                    

SAFFY's Point Of View

"Hmmm~"mahinang ungol ko nang magising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

"Arrg!Ang sakit ng ulo ko."daing ko pa at akmang babangon mula sa pagkakahiga nang bigla nalang may mahigpit na yakap akong naramdaman.

T-teka?Ang alam ko ay mag isa lamang ako sa kwarto ko?S-saka ba't parang ang kumportable naman ng hinihigaan ko?Mula sa matigas na katre bakit parang nasa higanteng marshmallow ako nakahiga?

"Anaknang-"mahinang bulalas ko nang mapansin ang paligid.Nasa isang magandang kwarto ako at nakahiga sa malambot na kama.At alam niyo ba kung anong mas nakakagulat?

Bukod sa hindi pamilyar sa akin ang silid na ito,isang napakagwapong lalaki ang ngayon ay nakayapos sa akin ng napakahigpit.

'Anak ng tokwa,sino ang lalakeng ito at nasaan ba ako?'mura ko sa aking isipan habang nakatingin sa lalaking katabi ko na hanggang ngayoy napakahimbing ng tulog.Rinig ko pa ang mahinang hilik niya.

T-Teka lang,may lalaki sa tabi ko?Hindi kaya-

Saglit akong napasilip sa katawan ko sa ilalim ng makapal na kumot at halos mangiyak ngiyak na ako nang makitang wala akong saplot kahit isa.Gayun din ang lalakeng katabi ko.

Lagot ako kay inay nito.Naisuko ko na ang bataan waahhh~

Muli kong tiningnan ang lalaki at talagang hindi ko mapigilang mapatulala sa napakagwapo at makinis niyang mukha.Siguro ay habulin ito ng mga babae.

'Ang gwapo mo naman~'sambit pa ng isipan ko

"Arrg!wag ka ngang maharot Saffira!Kailangan mo nang umalis rito ngayon din!"bulong ko sa sarili at dahan dahang inalis ang braso ng katabing lalake sa bewang ko.

Dahan dahan akong bumangon at muli na namang napamura sa isipan nang makaramdam ng matinding sakit sa pagitan ng mga hita ko.Anaknang-ganito pala talaga kapag una ka lang?

"Hindi bale,ang mahalaga ay makaalis na ako rito.Naku paktay talaga ako kay inay nito."bulong ko pa sa sarili ko at paika-ikang pinulot ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig.

"Anaknang-bakit punit na tong panty ko?"mahinang bulalas ko nang makita ang punit kong panty.Walanghiya,sinira na nga niya ang bataan ko,pati ba naman ang panty ko hindi niya pinalampas?

"Bahala na nga.Hindi naman nila malalamang wala akong panty."sambit ko sa sarili at binitawan na ang sira kong panty.

Jusko ang mahal pa naman nun tapos pinunit niya lang?Sa avon ko pa naman binili yun.

Nang matapos na akong magbihis ay dahan dahan akong naglakad papalabas ng silid.Mahirap na at baka magising pa ang lalaking yun,yari ako pag nagkataon.

"Hala,nasaan ako?"tanong ko sa sarili nang pagkalabas ko ng silid ay bumungad sa akin ang mahabang pasilyo.Nasa pinakadulo pala ang kwarto na pinanggalingan ko.Kung ganun,nasaan ba talaga ako?

Teka,hindi kaya-

----narito pa ako sa mansyon ng mga Parker?

"Saffy?"napatigil ako sa pag iisip nang marinig ang boses na iyon.

"Vienn.."bulalas ko at mabilis na lumakad papunta sa kinaroroonan ng bestfriend ko.

"Nandito ka pa pala?Ang akala ko umuwi ka na kagabi?Hayst,nagtampo pa naman ako sayo dahil akala ko ay umalis ka nang walang paalam kagabi."sambit niya nang makalapit ako.

"Ahm,kasi..."nag aalangang sambit ko.

Teka,hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang nangyari samin kagabi ng lalaking yun na hindi ko naman kilala.Pag nagkataon,lagot talaga ako.May pagsamadaldal pa naman ang isang to.

"Teka,saan ka pala natulog kagabi kung hindi ka umuwi?"tanong niya,naku anong sasabihin ko?

"A-ahm,s-sa guestroom?Tama sa guestroom."nauutal na aniya ko.

Please maniwala ka sana~

"Ah ganun ba?Tara,breakfast time na.Tara na dun sa kitchen."sabi niya at hihilahin na sana ako nang pigilan ko siya.Naku masyado nang makapal ang mukha ko kung makikikain pa ako dito eh gumawa na nga ako ng kamilagruhan dito mismo sa mansyon nila,nakakahiya!

"Ano kasi Vienn,uuwi na ako.Siguradong paktay ako nito kay inay.Kaya pwede bang samahan mo ako palabas nitong mansyon?"sambit ko pa

"Hala oo nga no?Baka nag aalala na ang nanay mo.Tara ihahatid muna kita sa inyo."sabi naman niya at hinila na ako papaalis doon.

"Teka,ba't ganyan ka maglakad?Ayos ka lang ba?"tanong niya nang mapansin niya yatang iikaika ako maglakad.

Naku paktay~

"Ahm,a-ano...Natapilok kasi ako kagabi."pagdadahilan ko at pilit na ngumiti.Mukha namang naniwala siya kaya tahimik akong nagdiwang.

"Ganun ba?Halika at aalalayan kita.Sa susunod kasi mag ingat ka.Minsan huwag ka namang tatang-tanga"pangaral niya saka inalalayan ako hanggang sa makalabas kami ng mansyon.Grabe kung maka-tanga naman parang di niya ko bestfriend ah.

Bago kami tuluyang makaalis sa lugar na iyon ay muli kong nilingon ang mansyon.

'Hindi ko makakalimutan ang mansyon na ito dahil dito nawala ang bataan ko.Susko,di na ko virgin tas lagot pa ako kay inay pag nagkataon.Pero ang tanong,sino ang lalaking iyon?'










𝘼𝙐𝙏𝙃𝙊𝙍'𝙨 𝙉𝙤𝙩𝙚
    Wiiieeee another story na naman,Majesties!So Bago po kayo tumuloy sa sunod pang mga chapters,gusto ko lang muna kayong paalalahanan na ang storyang ito ay naglalaman ng mga mature content(sa ibang chapters lang naman and bilang lang sa mga daliri ang mga chapters na yun)-oppss!Huwag mo na munang hanapin,ikaw ha excited ka eh,lol.

So ayun nga,bukod sa mature contents,there are wrong typos and grammars ahead so be aware,Majesties.Iyan lang muna ang bilin ni author and please enjoy reading and don't forget to click vote or you may also leave a comment/feedback if ever na may gusto kang sabihin o ipahayag about my story.So yun lang,enjoy reading and kamsahamnida!

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon