SAFFY's Point Of View
"Inay,aalis na po ako ah.Mag iingat po kayo sa pagtitinda."pagpapaalam ko kay inay pagkatapos kong isukbit ang bag ko.Papasok na kase ako sa eskwelahan.
"Sya sige anak.Mag iingat ka ha.Wag mo naman akong pag aalalahin.Umuwi ng maaga at wag nang kung saan saan pupunta ha."paalala naman ni inay habang inaayos niya ang mga paninda niyang mani.
"Opo,inay.Aalis na po ako."wika ko at nagmano muna sa kaniya tapos bumeso bago ko tuluyang nilisan ang aming bahay.Ngayon naman ay nag aabang na ako ng tricycle na masasakyan papunta sa paaralan.Ngunit imbes na isang tricycle ang tumigil sa harap ko ay isa itong magarangna kotse.Ang itim na kotse na pamilyar na pamilyar sa akin.
Bumukas ang pinto sa may driver's seat at doon ay lumabas ang napakagwapong nilalang para sa akin.
"Frost.."nawika ko na lamang at naglakad naman ito papalapit sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi.Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya.
"Wanna ride?"nakangiting taning niya kaya't saglit kong sinulyapan ang kotse niya bago muli siyang binalingan.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"nagtataka kong tanong sa kaniya at tila natigilan naman siya at napaiwas ng tingin.Hindi pa nakaligtas sa mga mata ko ang pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi.
"Uh,from a friend?"patanong na sagot niya kaya't naningkit ang mga mata ko.
"Talaga lang ha?"nakangisi kong tanong sa kaniya kaya't agad siyang tumingin sa akin.
"Yes,I just heard it from a friend.C'mon,get in coz we might get late."pag iiba niya sa usapan.May gusto pa sana akong itanong sa kaniya ngunit hinayaan ko na lamang.Sumakay na ako sa kotse niya at ganun din naman siya.Pinaandar niya na agad ang makina ng kotse at agad na nagmaneho.Tahimik lamang kaming dalawa buong byahe hanggang sa makarating kami sa Parker High.
"Salamat sa libreng sakay,Frost."nakangiti kong aniya kay Frost nang makababa na kami ng sasakyan.
"You're always welcome,Lona."nakangiti naman niyang aniya.
"Sige,mauna na ako ha?"pagpapaalam ko sana sa kaniya ngunit agad niya akong napigilan.
"Sabay na tayo since magkalapit lang naman ang classroom natin."wika pa niya kaya't saglit akong napaisip at pagkatapos ay napakamot sa batok.
"Oo nga pala no?Sige,tara na at baka mahuli pa tayo."pagyayaya ko sa kaniya kaya't tumango naman siya at sabay na nga kaming naglakad sa hallway.Nagprisinta pa siyang ihatid ako mismo sa tapat ng classroom namin tutal ay madadaanan niya naman daw iyon bago pumunta sa classroom nila.Section B si Frost at A naman ako at pareho lamang kami ng year.Nakapagtataka nga lang at bakit hindi man lang yata kami nagkakasalubong noon nung hindi ko pa siya kilala.Pwede ring nagkakasalubong kamk pero hindi ko sya napapansin?Ah ewan.
"Lona,pwede bang sabay tayo magrecess mamaya?"tanong niya nang makarating kami sa tapat ng room ko.
"Okay lang ba?Kasama ko rin yung bestfriend ko eh."wika ko naman sa kaniya at nakangiti naman siyang tumango.
"Oo naman.Basta mamaya ah."nakangiti niyang sambit kaya't hindi ko rin maiwasang mapangiti.Nakakadala talaga minsan ang mga ngiti niya.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...