SAFFY's Point Of View
Matapos ang nangyari sa field,sa pagitan namin ni Vienn,tila nawalan na ako ng gana hanggang sumapit ang hapon.Hindi ko na rin nakita pa si Vienn,ang sabi ni Wax ay umuwi daw ito.Si Gwen naman ay dinala sa clinic dahil sumakit daw ang ulo nito,dahil siguro sa lakas ng pagkakasabunot at sampal sa kanya ni Vienn.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nagawa niya ang bagay na iyon.Oo alam ko na minsan may pagkamalfita si Vienn,pero ni minsan ay hindi ko pa nakitang nakipag away siya.
"Hey,let's go?"napatigil ako sa pag iisip nang maramdaman ko ang pagkalabit ni Mavy sa akin.Nag aalala itong nakatingin sa akin,sa totoo lamang ay kanina pa rin nga siya tanong ng tanong kung ayos lamang ba daw ako?
"Tara na"walang gana kong sagot at nauna nang lumabas ng classroom.Kasunod naman namin sina Wax at Travon na parehong tahimik.Hindi siguro sanay sa ganitong kaganapan.Kung sabagay,sanay na sila na magkakasama kaming lima.
"Mauna na kami,Saffira,Dude"paalam ni Travon bago sila makasakay ni Wax sa sarisarili nilang sasakyan.
Sumakay na din kami ni Mavy sa kotse niya.Tahimik ang naging byahe ngunit nabasag lamang iyon nang makarating kami sa tapat ng bahay.
"Are you sure you're really okay?"at muli ay tinanong niya na naman ako.Naglabas lamang ako ng maliit na ngiti sa labi bago siya sulyapan at nakita ko na naman ang pag aalala sa mukha niya.
"Babe,ayos lang ako,wag ka nang mag alala."wika ko pa sa kaniya
"Baby,I hope you don't get me wrong but...you just made a wrong move.You trusted the wrong p-"
"Ano?Sasabihin mo rin ba na si Gwen ang masama?Babe,kitang-kita na oh.Kanina,hindi mo ba nakita ang ginawa ni Vienn?Babe,alam kong may kasalanan sa inyo si Gwen pero hindi ba pwedeng baka nagbago na iyong tao?Ganoon ba kayo kawalang puso para hindi magpatawad?Porke ba may kasalanan sa inyo yung tao eh ibig sabihin nun siya na palagi ang masama?Babe,si Vienn,sobra naman yata yung ginawa niya.Oo bestfriend ko siya pero hindi ko naman magagawang konsintihin na lamang ang ginawa niyang iyon.Sana naman naiintindihan niyo ang punto ko"halos mahingal ako pagkatapos nang mahabang sinabi.Natahimik siya ng ilang saglit ngunit agad ring nagsalitang muli.
"..But what if she's innocent?What if the devil in your eyes is the angel one?What if you choose the wrong choice?Baby,you..know..nothing about that b*tch.You just met her few days ago and yet you trusted her too much than your bestfriend whom you know better.Look,ayokong makisali sa away niyo but I don't want you to put yourself in danger.Ayokong ang maling desisyon mo ang magdala sayo sa kapahamakan.I know Gwen way too much,she's a completely b*tch who's good in acting,kaya nga naloko niya 'ko diba?Just think about it and please,stop sticking with them.They're slowly putting you in hell and I see,wala kang kaalam-alam"natigilan ako sa mga sinabi niya.Hindi maproseso ng utak ko.Hindi ko alam kung sino ba ang paniniwalaan ko.
Ganoon na ba ako kat*nga at hindi manlang nagawang isipin ang mga nangyayari?Pero paano kung mali naman talaga ang binibintang nila kay Gwen?Pero paano kung totoong wala akong kaalam-alam?Hindi ko alam,hindi ko alam kung saan ba ako papanig.Kung sino ba ang paniniwalaan ko?Nalilito ako,sobrang nagugulahan ako.Hindi ko na alam kung nasa tama pa ba ako.
"Hindi ko alam,nalilito ako"iyon na lamang ang nasambit ko at nanatiling malalim ang iniisip.
"I know,I see and I hope you'll understand what I'm saying.Afterall,that angel you're trusting will unmasked herself and show her real personality which happened to be a devil"ang wika niya bago ako niyakap at hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomansaNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...