SAFFY's Point Of View
BAKANTE ang oras namin ngayon dahil wala ang guro namin sa araling Matematika.Kaya ngayon ay nagpaalam ako kay Mavy na maglilibot-libot lamang ako kahit na ang totoo ay gusto kong makausap si Gwen.Kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin.Mabuti na lamang nga at pumayag si Mavy dahil maglalaro daw naman sila nina Wax ng basketball doon sa court.
NAGTUNGO ako doon sa classroom niya,napag alaman kong magkaklase daw sila nina Sheena,sa Section C sila.Pagpunta ko roon ay saktong kalalabas lamang ng guro nila.Hinahanap ko si Gwen ngunit hindi ko siya makita.Nagtanong pa ako sa mga kaklase niya ngunit ang sabi ay umalis daw sila bago pa man magsimula ang klase nila sa Science,ibig sabihin ay magkasama sila ni Sheena.
Umalis na lamang ako at halos libutin na ang school para hanapin sila ngunit sa lockers room ko lamang sila makikita.Naabutan ko silang nagtatawanan doon habang nakasandal sa mga locker.Tila may pinag-uusapan silang nakatutuwa.Napansin yata nila ang presensya ko kaya agad silang napalingon sa gawi ko.Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at lumapit agad sa kinaroroonan nila.
"What do you want?"maarteng tanong sa akin ni Gwen habang nakataas ang isang kilay nito.Napakunot naman ako ng noo sa inaasta niya sa akin.Bigla talaga siyang nagbago.
"Ahm..M-May problema ba?Ibig kong sabihin,para kaseng...n-nagbago kayo"nag aalangang tanong ko pa rito ngunit isang malakas na tawa ang isinukli niya sa akin.Pati sina Sheena ay tinawanan rin ako.
"Oh,napansin mo ba?Well,this is the real me,alam mo naman,nakakapagod ring um-acting minsan"tumatawang wika pa ni Gwen na nagpakunot sa noo ko.Anong pinupunto niya ngayon?
"Ibig mo bang sabihin ay nagpapanggap k-"bago pa an matapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya iyon.
"Oh right,you got it right!oh my gosh I don't know you're that smart.Nahulaan mo agad,bravo!"hindi ako nakaimik dahil sa sinabi kiya at pinilit na magproseso iyon sa utak ko.
"...Kung iniisip mong mabait ako,well that was all an ACT!Anyway,I'm a good actress right?Siguro pwede na akong mag artista,right girls?"at talagang hiningi pa nito ang opinyon ng tatlo na nakangisi sa akin.Tila natutuwa sa reaksyon kong ngayon ay hindi makapaniwala.Kung ganoon ay napakalaking kabobohan nga ang nagawa ko,nakakainis!
"You know what,Saffira,as far as I know you are a scholar.Pero bakit parang ang bobo mo yata sa part na nagtiwala ka agad?Oh my gosh,poor you.You.are.so.stupid."ang singit naman ni Sheena at talagang diniinan pa ang huling mga salita.Tila nag akyatan naman ang inis ko sa katawan ko sa isiping tila sinadya nila na mag away kami ni Vienn.
"Yung nangyari sa field,ikaw ang nagsimula diba?"pinilit kong pakalmahin ang sarili ko nang tanungin ko si Gwen.Umakto naman siyang nagulat at may pagtakip pa sa bibig niya na nalalaman.Lalo lamang lumala ang inis na nararamdaman ko dahil mukhang alam ko na ang isasagot niya.
"Oh no,I can't believe this,you're so smart talaga how to be y-"hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin niya dahil agad ko siyang sinakal at halos nakatiyad na siya habang nakasandal doon sa locker.Nagulat naman sina Sheena at hindi agad makagalaw.
"A-ack,l-let me go b-bitch!"pagpupumiglas ni Gwen habang hawak ang mga kamay ko na nasa leeg niya.Hindi kiya magawang makawala dahil sa higpit ng kapit ko sa leeg niya.Hindi ko rin alam kung saan ba nanggagaling ito ngunit ang alam ko lamang ay nandidilim ang paningin ko sa babaeng ito.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
Roman d'amourNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...
