Chapter 33

4.2K 98 6
                                    

SAFFY's Point Of View

LUNES ng umaga ay napabangon ako ng mabilis dahil sa nararamdamam ko na naman na maduduwal ako.Dali-dali kong nilisan ang kwarto at dumeretso kaagad sa banyo.Nadaanan ko pa si inay sa kusina na seryosong nakatingin sa akin bago ako tuluyang nakapasok sa cr.Nitong mga araw na dumuduwal ako ay napapansin kong hindi pag aaalala ang nakikita ko sa mukha niya kundi pagdududa.Hindi ko naman na iyon binibigyang pansin.

Pagkatapos na naman ng pagduduwal ko ay nagmumog lamang ako saglit bago lumabas ng banyo.Naabutan ko doon si nanay na nakaupo na sa silya paharap sa kahoy naming lamesa at nagkakape.Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin na tila sinusuri ako bago siya sumimsim sa kaniyang kape.

"Magandang umaga po inay"kahit kinakabahn sa kaniyang mapanuring tingin ay nagawa ko pa siyang ngitian at batiin.Inaasahan ko na na batiin niya ako pabalik ngunit hindi iyon ang narinig ko.

"Nitong nakaraang mga umaga ay napapansin kong napapadalas ang pagduwal mo,ano ba ang problema Saffira?"seryosong tanong niya sa halip na batiin nga ako tulad ng aking ginawa.

"May nakain lamang po ak-"bago ko pa man matapos ang sasabihin ay dagli na niya iyong pinutol.

"Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay nasa tiyan mo pa rin ang pagkaing iyon,hindi ba't dumudumi ka naman?"nakagat ko ang ibabang labi at napayuko,hindi malaman ang sasabihin dahil maski ako sa sarili ko ay hindi rin malaman kung bakit nitong mga nagdaang araw ay panay ang pagduwal ko tuwing umaga.

"Inay-"muli ay pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Buntis ka ba,Saffira?"mabilis pa sa alas kuwatro akong napatingala at napatingin sa gawi ki inay nang itanong niya iyon.Mabilos akong umiling habang gulat na nanlalaki ang aking mga mata,hindi makapaniwala sa kaniyang naitanong sa akin.

"Hindi,inay.Hindi po ako buntis"sambit ko pa.Muli siyang simimsim sa kaniyang kape at tumayo at nakita ko ang maliit at pilit na ngiti sa kaniyang labi.

"Mabuti kung ganoon.Mas mabuti na kung sigurado,ayoko munang mabuntis ka hanggat hindi ka pa nakatatapos sa iyong pag aaral.Masyado ka pang bata para sa ganiyang bagay,Saffira,ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao kung mabuntis ka?"iiling iling siya at naglakad papalapit sa akin bago hinawakan ako sa balikat.

"Siguraduhin mo lamang na hindi ka buntis dahil hindi ko alam ang gagawin ko,anak.Ayokong sirain mo ang pangarap mo ng dahil sa pagbubuntis ng maaga dahil pag ginawa mo iyon,para mo na ring sinira ang pangarap ko at ang pangako mo sa akin na magtatapos ka ng pag-aaral....Sige na,mag asikaso ka na at baka mahuli ka sa pagpasok"iyan ang mga huling salita ni inay bago niya kinuha ang kaniyang mga paninda at tuluyan akong iniwan doon sa kusina.

PAGKATAPOS ng aking paghahanda para sa pagpasok ay lumabas na ako ng bahay daladala ang aking bag.Naabutan ko na naman doon sa tapat ng bahay ang kadarating lamang na si Mavy.Ni-lock ko muna ang pinton ng bahay bago sinalubong si Mavy na naglalakad na patungo sa kinaroroonan ko.Nang magkalapit kami ay agad niya akong dinamba ng yakap.

"Damn,I missed you so much,baby"bulong pa niya saka ako siniil ng halik sa labi.Natawa naman ako at mahina siyang hinampas sa dibdib.

"Para namang ngayon lamang tayo nagkita.Ano yun,sampung taon tayong hondi nagkita at kung makayapos ka sakon ay wagas?Pakiramdam ko tuloy ay nadurog ang mga buto ko dahil sa higpit ng yakap mo"natatawa ko pang wika sa kaniya na tinawanan niya lamang din.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon