Chapter 53

7.3K 115 0
                                        

SAFFY's Point Of View

KINABUKASAN ay hindi ako nagtrabaho,ganoon din si Mavy.Sabi niya ay huwag daw muna kaming pumasok sa opisina dahil gusto niya raw ipasyal muna si Savynna.Pumayag naman ako dahil gusto niyang makabonding si Savynna.Kaya heto,dumaan pa kami sa condo niya kase nga maliligo pa siya.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa mahabang sofa sa condo niya.Si Savynna naman ay abala sa paglalaro ng cellphone ng daddy niya.Medyo nainip ako kaya tumayo muna ako at nag ikot sa condo ni Mavy.Hanggang ngayon ay wala pa ring bago.Ganoon pa rin naman ang ayos nito tulad ng dati.

"Let's go?"napatigil ako sa pag-iikot sa condo niya nang lumabas siya ng kaniyang kwarto.Bihis na siya at nakasuot lamang ng itim na button down shirt at itim rin na fitted ripped jeans.Pinaresan niya rin iyon ng itim rin na timberland boots.Teka,makikipaglamay ba siya?

"Parang makikipaglamay ka lang ah"puna ko rito habang itinutupi niya ang manggas ng shirt niya hanggang sa kaniyang siko.Bagay na bagay naman sa kaniya ang itim na button down shirt niya dahil lumalabas lalo ang kaputian niya.

"Oh,I just lile black outfit"wika naman niya saka ito naglakad patungo sa akin.Napasinghap na lamang ako ng hapitin ako nito sa bewang palapit sa kaniya at ninakawan ng halik sa labi.

"You look so gorgeous on your dress"papuri pa niya na ikinapula ng pisngi ko.Nag iwas ako ng tingin at napakamot sa tuktok ng aking ilong.Hindi pa nakatulong ang biglaang pagbilis ngtibok ng puso ko.Sya nga pala,nakasuot lamang ako ng asul na shirtwaist dress na pinaresan ko lamang ng ankle strap na sapatos.Si Savynna naman ay sinuotan ko ng baby doll dress na pink ang kulay tapos pink lang din na ballet flat shoes niya.

"Binibola mo ba 'ko?"nakataas kilay na tanong ko ngunit hindi ako sa kaniya nakatingin.Pakiramdam ko kase ay matutunaw ako sa mga titig na ibinibigay niya.

"Do you think I will do that?"malambing na bulong niya at hinalikan na naman ako ngunit sa pisngi na lamang.Nilingon ko siya at akmang sisinghalan ngunit agad niyang nahuli ang labi ko at hinalikan iyon.Sinamaan ko naman agad siya ng tingin nang humiwalay siya sa halik.Napakamanyak nito!

"Huwag mo nga akong halikan!Hindi naman kita boyfriend"inis na wika ko rito ngunit nginisian niya lamang ako.

"Yeah right.I'm not your boyfriend because I'm your fiance"nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.Asyumero ang p*ta!

"Fiance mo mukha mo,bakit nagpropose ka na ba ha?"sinamaan ko pa ito ng tingin.

"A'right...I'll propose to you soon okay?But make sure your answer is a yes"napanganga naman ako sa kaniyang sinabi.At talagang nagsisigurado na siya ha?

"Walangh*ya,talagang sinisigurado mo na no?"irap ko rito at mabilis naman siyang tumango.Talagang hindi manlang tumanggi?

"Of course and isa pa,you have no reason to say no"sambit niya na tila proud na proud pa.

"Paano mo naman nasabi?Ako ang magdedesisyon kung papayag ako o hindi no"sambit ko naman sa kaniya at isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa akin.

"Because I love you and you love me.And also,we already have a baby so wether you like it or you like it,you need to marry me"mayabang na wika niya

"Ang kapal,sino naman ang nagsabi na mahal kita?"nanghahamong tanong ko sa kaniya.

"Kakasabi mo lang,honey"ngisi niya at saka lumayo sa akin para puntahan si Savynna saka buhatin ito.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon