SAFFY's Point Of View
"Hoy,Saff ayos ka lang?"
Hindi ko akalaing makikita ko na naman ang lalaking yun at ano pa ang mas nakgugulat sa lahat?Mukhang kakalse ko pa siya!Bw*set na buhay oh,nakakinis!
Jusko heto na ba ang parusa ng Maykapal sa akin dahil sa maaga kong pagsuko ng bataan?!Waahhh,hindi ko naman kase ginusto yun eh!
"Saff...."
Hayst ba't ba naman kasi sa dinamidami ng paaralang papasukan ay dito sa siya napadpad?
"Saffira,hey!"
Ang laki laki ng mundo,bakit nakatagpo ko na naman ang isang to?
Waahhh ayoko na sa earth!!!
"SAFFIRA YLONA MARTIN!Nasaan na naman ba ang utak mo?!"Napatigil ako sa pag iisip nang sumigaw na anaman itong si Vienn.Grabe ,parang nabasag eardrums ko ah.Napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase namin pati na rin ang mga lalaking iyon na kakarating lamang.
"H-ha?"tanong ko naman
"Haynaku Saffy!Kanina pa ko dada ng dada rito oh.Tapos hindi ka naman pala nakikinig."naiinis sa sambit niya kaya nahihiya naman akong napakamot sa tuktok ng ilong ko.Kung hindi niyo naitatanong,ang pagkamot ko sa tuktok ng ilong ko ay sign na hindi ako kumportable o di kaya naman ay nahihiya ako.
"He he,ano ba iyong sinasabi mo?"tanong ko pa dahilan para mapahilamos siya sa mukha niya.Naiinis na yan,sugurado ako.
"Ipinakikilala ko sana sayo ang pinsan kong iyon,ano ka ba naman Saff?Haynaku!"maktol pa niya kaya napakamot naman ako sa aking batok.Ganoon na ba kaokupado ang isip ko?
"A-ah nasaan ba ang pinsan mo?"nauutal na tanong ko.Kasi naman,papalapit rito sa puwesto namin ang mga lalaking yun.
"Wait,oh here he is.Mavy!I want you to meet my best friend.Nanggaling sya sa mansyon nung birthday ni grandpa but sad to say,hindi ka naman nagpakita that time.I guess,nagkulong ka na naman sa kwarto mo?"wika ni Vienn sa lalaking Mavy kuno ang pangalan.Ako naman ay napatungo nalamang nang makaharap ko na ang lalaki.
Sana lang ay hindi niya ako mamukhaan.Kung hindi,siguradong lagot na ako.Kahiyahiya na talaga ako pag nagkataon.
Huhu,magpinsan talaga sila?Arg,bat pa ba ako nagtataka eh Parker nga rin pala itong si Vivienn.Vivienn Mary Parker ang buo niyanh pangalan.
Hindi man halata pero nagulat akong pinsan niya pala ang ngunit ayaw kong ipakita yun kay Vienn.Baka isipin niyang magkakilala kami na totoo naman talaga.Ewan ko lamang kung namumukhaan ako ng lalaking ito.
"Tss,I'm just not in the mood that time so I prisoned myself on my room.So,she's your oh-so-called bestfriend?"rinig kong tanong ng lalaki at naramdaman ko ang pagtingin nito sa akin kahit hindi ko siya nakikita.
"Oh yeah.Saffy,hey!Bakit ka ba nakatungo?"tawag pansin sakin ni Vienn kaya wala sa oras akong napatingin sa kaniya.Pinipigilan ko ang sarili kong mapasulyap sa lalaking iyon.
"H-ha?"nauutal na tanong ko.Ano ba kinakabahan ako eh!
"I want you to meet my cousin.He's Maive Axville Parker,also known as Mavy.And coz,this is my bestfriend,Saffira,"pagpapakilala samin ni Vienn
"She's your bestfriend?Is that how low your standards are to befriends with?Very far compared to what I expected to be your friend.Take a look at how she looks, it's very boring."Napamaang ako sa mapanghusgang puri ng lalaking ito at ang nakakainis pa ay pinasadahan niya pa ang kabuuan ko bago ito iiling na parang dismayado siya.Magsasalita pa sana si Vienn para sana sawayin ang pinsan niya ngunit nagsalita ulit si Mavy.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...