1:Prolugue

204 9 0
                                    

"Dreaming for real?" matupad kaya? Si krissy ay lumaki sa simpleng buhay pero punong puno ng pagmamahal at pangarap. Sa pag aasam na matupad ang pangarap hahamakin ang lahat. Pano kung magtagpo ang landas nila ng ultimate crush niya matupad pa kaya niya ang binitawang pangarap para sa pamilya? O hahayaan nalang at patuloy na mangangarap? Paano kung magtagpo kayo ng korean idol mo sa di inaasahang pagkakataon, makasabay mo ito sa isang sasakyan ngunit wala kang idea na siya na pala yong hinahanap mo, huli na bago mo marealize na nagkita na kayo pero wala kang choice kundi ang titigan ito habang papapalayo sayo? Magpapaka disperada ka na ba para lang mapansin ng korean idol mo na maging rason pa para marating mo ang dream land mo?

Sino ang mag aakalanv sa milyon milyong tao sa mundo isa pala kayo sa pinagtagpo? Tinadhana kayang maging sila?

Another episode story na naman, halika't samahan akong kiligin sa kwentong dala ng isang pinay na punong puno ng pangarap sa buhay. Lahat ng pangarap ay unti unti na niyang makakamit hanggang isang araw magtagpo ang landas nila ng taong pinapangarap madala pa kaya ang pangarap na minimithi sa lugar na nilisan? Maangkin niya kaya ang taong matagal na niyang pinapangarap?

Episode 1:

Intruduction:

"Hi! I'm krissy Faith Lacaba Alcaraz, oh diba pang artista ang pangalan. Krissy where is bembe?" dagdag ko pa habang sinasabayan pa ng pagtawa. "Well, so much for that i'm 23, fresh newly have a break up huhu! Ayarn na naman akitch.... Mag oopen up tungkol sa lovelife tapos oh CRY....LOL!" saka ako nag pa cute. Hanggang sa narealize kong....

"Mukha pala akong tanga? Nagsasalita ng mag isa? Tss... Forget that stupid thoughts, it makes me ugly ... Hannoo daw? Haha... By the way, I am graduated in Bachelor in Physical Education (BPED),Wala share ko lang, wala ako magawa bakit ba?" dagdag ko pa habang nakataas ang kabilang kilay.

"Oh diba taray.... Kala mo kagandahan, mukha namang ewan grrrrr...... Last one is, i was born chuss....englishera lang ang peg haha charut lang syempre. Lumaki ako sa simpleng pamilya pero punong puno ng pagmamahal. Pangalawa mula sa una haha.... Ang totoo niyan talaga, dalawa lang kami na magkapatid bunso ako pero mas isip bata ang kuya ko kaysa sakin haha, at syempre mas matalino ako kaysa dun nuh' at ito pa, mas matuwid at mas may direksyon ako sa buhay......" "Ah ganun, mas may direksyon hu?" natigil ang pag v-video ko ng biglang umepal ang magaling kong ina, sabay hampas ng unan sa ulo ko dahilan para malaglag ang suot kong shades.

Arrrgggggg....na naman?

"Ma,ano ba? Sayang ang OOTD KO" pagmamaktol ko habang pinapatay ang video. "Anong OOTD?" pasigaw nitong tanong "Ma, OUTFIT FOR THE DAY, ayan galit na galit di naman pala alam ano ibig sabihin!" saway ko, "Malay ko sa mga...." napaisip si mama sa sasabihin "Alien version?" pabirong singit ko "Oo, ganyan nga, para kang baliw diyan!" natawa ako sa inasal ni mama "Sorry guys its a prank!" pagdadahilan ko ng makita ang ilang comments sa baba na nakakatuwa daw ang mama ko with matching laughtrip emoticon....

Aisssttt..... This is not me, di naman talaga ako ganito, nahawa lang ako sa mga kaibigan ko kaya nagagawa ko ang mga bagay na to dagdag pa ang bordamm sa bahay! Kakahiya!

"I cut the video authomatically bago pa ito kumulat sa social media. I'm not ready for my embarassment..." pabulong na sabi ko pero nadinig ni mama. "Hui! bruha ka, tigil tigilan mo ako diyan kong ayaw mong sipain kita palabas ng bahay!" "Another?" patay malisyang sabat ko saka ako naglagay ng lipstick. "Okay, ma quite pleased. Behave muna just for one second? Pleased?" then i twinkle my eyes pero mukhang di oobra ang pag papa cute ko, nakita kong nakapamewang na ito at umuusok ang ilong sa galit.

Pero syempre di ako nagpahalatang natatakot ako sa tigre kong ina. "Ma, relax lang okay, kitam nag v-vlog ako eh!" dagdag ko pa saka ko ito ngintian. After a few minutes,nag vlog na ulit ako dahil buong akala ko lalabas na ito pero isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa kabuuan ng kwarto ko mula kay mama, muntikan ko pang mabitawan ang cellphone sa lakas ng boses nito,di naman sound prof ang bahay namin kaya paniguradong about sa ibang planeta ang boses nito lalo pa't bukas ang bintana ko.

Aisssstttt....mama talaga, kailan ba matatapos to?

"Pambihira kang bata ka, anong Vlog?" sasagot sana ako ng biglang..... "Puro ka nalang vlog bakit kumikita ka ba diyan hu?"Sinamaan ko ng tingin si mama "Oh bakit ganyan mo ako tignan? Ano lalaban kana hu? Baka gusto mo dukutin ko yang mga mata mo?" alam ko namang nag bibiro lang si mama, kunting lambing lang yan tanggal na pagkainis niyan.

"Ma, wag kana po magalit promised hahanap na ako ng trabaho, sana suport mo muna ako dito!" nilalambing ko na ito pero pinaghahampas niya lang ako ng unan "Aray naman mama, ano bang prob...." "Huwag mo akong dinadaan daan diyan. At isa pa, bukod sa magastos sa load, malaking oras ang nasasayang! Haist...busit, anong klase ka nakapagtapos ka nga wala namang kwenta. Sayang lang ang pera sa yong bata ka." sermon ng magaling kong ina. Para akong madodoling sa ingay ng nanay ko. Isa isa ko nalang niligpit ang mga gamit, medyo masakit ang sinabi ni mama pero yon naman talaga ang totoo.

Mukhang nasayang lang ang pera nila sakin.

Diko nalang pinansin si mama, alam ko namang di madaling mawala ang init ng ulo nito kaya kailangan may gawin ako, kaya lang sayang ang huling video diko na isave. Humiga ulit ako at pumikit, nag suot ako ng headphone pero mahina lang ang tugtog kaya dinig ko pa din ang ingay ng nanay ko. I refresh my mind para makapag isip ng tama, kailangan may gawin ako. Kaialangan mawala ang galit ni mother sakin.

Kung bakit kasi sa tuwing mag v-vlog ako nanay ko palagi ang bumibida? Aist kainis!

"Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang humilata at mag video video diyan.? Jusko naman anak, di kana naman prinsesa para pagsilbihan...." pagkatapos nagmartsa na ito palabas. Napabuntong hininga nalang ako.

Alam kong dissapointed sila, dahil kahit tapos ako sa pag aaral, hanggang ngayon di pa rin ako makahanap ng trabaho. Ayaw ko pang mag take ng board exam dahil may gusto pa akong gawin. Diko alam kung ano yon? Parang huli na ata ang pangarap na mag enjoy ako kung kailan hito na't nakapagtapos na ako ng pag aaral. Sa buong buhay ko diko naranasan na mag enjoy na parang happy go lucky lang. Laging nakatutok at inuubos ko ang oras sa mag aaral, palagi naman akong honor students kaya siguro nanghihinayang ang magulang ko. Pero ano bang magagawa ko kung pakiramdam ko, parang may kulang sakin?

Ang tanga lang! Nakakabubo naman, diko alam kung saan ako magsisimula.

Natigilan ako ng mag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko agad "Oh bakit?" untag ko sa kabilang linya. "Kris, pumunta ka ng mall ngayon magkita tayo dun?" masayang sabi ni Aira "Wala akong time, isa pa andito si mama nagagalit na naman!" malungkot na sabi ko. "Ganun ba? Di bale next time nalang. Papanoorin ko nalang mag isa ang movie na inabangan ko "Anong movie?" enteresadong tanong ko "LEGEND OF THE BLUE SEA!" "Waaaaahhhhhhhh"napatakip ako bigla ng bibig ng marealize na napalakas ang tili ko.

"Ui, isama mo naman ako." "Ay hindi pala legend of the blue sea...." "Eh ano?" singhal ko sa kabilang linya "Secret romance pala hehe!" pahabol nitong sabi "Whatever, just wait okay? Ah, teka tawagan ko muna si bakla para puntahan ako kunwari may job hiring siyang dala para sakin hehe!" "Wow basta k-drama gagawin lahat hu? Hanep ses, alam mo ikaw die hard fan ka ng mga k-popers na yan, feeling mo naman papansinin ka..." "tseee...basta hantayin mo ako, tutulong muna ako kay mama sa gawaing bahay para di ako mapagalitan!" pagkatapos pinatay ko na ang tawag.

Excited akong bumangon para sana tulungan si mama sa gawaing bahay. "Ma? Ma, asan ka?" tawag ko nung makababa pero walang may sumagot, hinanap ko ito sa kusina at sa kwarto nila, wala akong makita. Nalibot ko na ata lahat anh buong parte ng bahay pero bakit wala si mama? Kinabahan na ako kaya dali dali kong dinial ang number ni kuya dahil alam kong busy si tatay ngayon sa constraction site.

Natigilan ako sa paghakbang ng may marining na sa may garden na masinsinang nag uusap. Hinawi ko ang kurtena saka sinilip at nakita ko si mama na kausap ang school principal namin?
"Teka, anong ginagawa ni mama?" patakbo kong tinungo ang garden kong saan nadatnan ko si mama na kausap ang school principal ko nung highschool ako. Kaklase ni mama yon kaya ganun sila ka clossed pero bakit parang may iba sa pinag uusapan nila?

Anong meron? Bakit parang kinabahan ako bigla ng malakas?

_ _ _ _

Update:

Hello everything! Here i am again, hehe another story na naman, sana magustuhan niyo ulit. Nga pala, about sa "Girl hidden in the mask" at BROTHER-IN-LAW, diko pa po natatapos yon. Sorry, but you can leave comments para makapag update ako ng bagong episode. Sensya na medyo busy pa si ateng hehe....

Hope u like it again! Enjoy reading.... Salamwach😘😘😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon