35:(Pano niya nalaman?)

6 0 0
                                    

Krissy pov:

Nung maramdaman ko ng medyo bumaba na ang lagnat nito, lumabas muna ako para kumuha ng pagkaen sa bahay. Pagkatapos, inayos ko na sa table ni jumin. Naghanap ako ng cup noodles para kung sakaling di niya magustuhan ang niluto ko may extra food akong hinanda.

Bumalik ako sa kwarto nito para sana gisingin ito para sana pakainin bago uminom ng gamoy pero diko ito nakita sa higaan. Bumangon na ba siya? Hinanap ko ito hanggang sa mapansin ko ang banyo niya sa kwarto na naka lock.

Hinintay ko muna siya baka kasi kung mapano siya pag iniwan ko o pabayaan. Kunsensya ko pa pag may nangyaring masama sa kanya. Ilang minuto na akong nag antay di pa ito lumalabas. Baka kinuha na siya ni koke! Haist.  Nahawaan na ako sa kapranengan ng kuya ko, kinakabahan na kasi ako. Dinig ko naman ang pagbagsak ng tubig sa banyo, nilapit ko lalo ang tenga sa pintuan ng banyo nito.

After a few minutes, halos masubsub ako sa sahig nung biglang bumukas ang pintuan buti nalang nasalo ako nito. Teka, sinalo niya ako? Napatingin ako kay jumin na walang damit pantaas at naka cover ng towel ang pambabang part?

At...ang posisyon namin? Nakahawak ako sa may dibdib nito habang hawak naman niya ang magkabilang braso ko? What the......ang bastus ko! Eeeeerrr...nakakahiya!

Di ako makagalaw, nanatili kami sa ganun posisyon. Seryoso ang mukha nito, para akong mamatay sa nakikita, kita ko pano bumaksak mula sa ulo niya ang tubig na nanggaling sa basa niyang buhok, parang slow motion ang bawat pagbagsak ng tubig sa katawan nito pababa sa kanyang dibdib papunta sa....

"Oh my...absssssss....?" napalakas ata ang pagbulong ko, bigla siyang ngumisi sakin, saka unti unting nilapit ang bibig sa may tenga ko ramdam kong parang nagtaas ang mga balahibo ko nung bulungan niya ako sa tenga.... 'Di daw niya alam na mahilig pala ako sa may abs' sa sobrang pagkagulat at kabang naramdaman ko, naitulak ko ito palayo sakin buti nalang di ito natumba, napaatras lang ito habang nakangiti pa din, sinamaan ko pa ito ng tingin saka ako nag martsa palabas ng kwarto niya pero bago paman sinabi ko munang magbihis na siya para makakaen na muna siya.

Pasaway!

Diko na ito inantay pa, sa sobrang inis at lakas ng tibok ng dibdib ko na feeling ko sasabog na ang dibdib ko, dinaan ko nalang sa pagkaen. Di pa rin mawala sa isip ko ang maganda nitong katawan. Parang ang yummy niya. Akala ko maliit na tao siya pero diko inaasahan na maganda pala ang katawan nito at ang sexy ng boses nung bulungan niya ako kanina parang inaakit niya ako.


What.....inaakit? Yuck ang dumi ng isip ko! Eeeeerrr.....




Other person:

Di maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni jumin, he cross his arms habang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya at malayang pinagmamasdan si krissy na parang nakikipag talo sa sarili. Masaya siyang kasama ito, pero kinailangan niya itong iwasan para lang makaiwas sa anumang issue. Simpleng tao at namumuhay ng masaya si krissy. Para sa kanya sapat ng may nagmamahal sa kanya. At ayaw niyang abusuhin ang kabaitan nito. Sana lang di ito masaktan pag nalaman niya ang lahat. Mahal na niya ito, kaya kahit masakit para sa kanya tinitiis niya ang dalaga alang alang lang sa pangarap nito. Alam niyang marami itong pangarap kaya mas ninais niyang mangibang bansa para matupad yon at ayokong sayangin niya yon. Masaya na siyang makita itong masaya kahit sa mga pagkakataong siya naman ang nagsasakripisyo. Para sa kanya okay ng siya ang masaktan wag lang ang dalaga, handa siyang maging anino nito masiguro lang ang kaligtasan ng dalaga...



.

.

.

.

.

.

.

.

Krissy pov:

Natigilan ako sa pagsubo ng biglang sumulpot si jumin mula sa likuran ko muntikan pa akong mabilaukan nung sabihin niyang nagtatampo daw siya dahil diko manlang daw siya nagawang tawagin para sana magkasabay pa kaming kumaen.

Feeling ko humaba bigla ang baba ko sa sunod sunod na sinabi nito. 'sana lang daw di ako magbago', di sana daw ako mawala sa tabi niya'. Hala siya, adik ba to? O baka dahil sa lagnat kaya kung anu anong lumalabas sa bibig.


Inabot ko ang leeg nito para masiguro kong may lagnat pa ba ito o wala, alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero di naman siya umangal. Pinisil pa niya ang pisngi ko bago umupo. Tinanong niya kung ano ang niluto kong pagkaen? Sagot ko lang adobong baboy.

Ilang segundo na niya itong tinititigan, kumuha siya ng tinidor saka tinusok ang isang hiwa ng karne saka bali-balingtad niya pa itong tinitigan. Itinaas ko na ang kilay nung magtama ang paningin namin. Anong ginagawa niya? Balak niya bang titigan lang yon ng magdamag? Wow hu'

Dina ako nag dalawang isip pa, tinusok ko ang isang hiwa saka ito isinubo kay jumin aayaw pa sana pero sinamaan ko ito ng tingin. Medyo matagal din bago niya ito nguyain. After a few minutes, sunod sunod na niya itong kinaen.

"You like it?" nakangiting sabi ko, tumango lang ito ng paulit ulit habang nilalantakan ang pagkaen. Masaya ako dahil kahit papano nagustuhan nito ang niluto ko. Sabi niya bakit daw ganun yong food? Sagot ko lang filipino food kasi yon adobo tawag dun. Natatawa pa ako dahil simpleng salita lang naman yon pero parang hirap na hirap itong bigkasin yon.

Pagkatapos namin kumaen, pinainom ko na ito ng gamot saka ako nagpaalam baka kasi umuwi na si aira at hanapin ako. Baka magtaka na nasa loob ako ng unit niya napapakamot naman ito sa batok niya habang pilit na ngumingiti.

Bago paman kami maghiwalay, hinatid ako nito sa may pintuan. Naglakas loob na akong tanungin siya kung bakit ayaw na niya akong kausapin sagot lang niya busy lang siya last day. Di raw niya ako naaabutan, kung may pagkakataon naman nakikita nalang niya akong kasama ang isang star.

And speaking of star, di na ako nagpaligoy ligoy pa mukhang di rin ako makakatulog pag diko nalaman ang katotohanan. Tinanong ko na ito kung bakit sila magkasama ni mina hae? Nakapagtataka lang kasi kung bakit bigla nalang nagsulputan ang mga kagaya nilang star sa area namin. Natatawa pa niyang sabi, kinukuha daw siyang body guard?

I don't know kung dapat ko bang paniwalaan yon. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Ano naman ngayon sakin kung may kasama siyang ibang babae? Kahit pa si mina hae yon na isang star, may nakakasama din naman akong star si jae wang? Bakit pa ba ako papaapekto sa kanya? Haist, bakit pakiramdam ko nasasaktan ako?

Pabagsak akong nahiga habang nakatitig sa kissame, inaalala ang mga oras na kasama ko si jumin. Dahil maaga pa at di ako makatulog, nagtupi na muna ako ng mga gamit ko hanggang sa mapansin ko ang mens cardigan at jacket ni jumin ng minsang pinasuot niya sakin. Tinupi ko yon ng maayos saka ako lumabas para katukin ito ulit at isauli ang gamit niya.

Nagulat pa nga ito pero sabi ko lang pasensya na kung natagalan. Saka ako tumalikod, akmang lalakad na ako pabalik ng unit namin ng magsalita ito ulit saka niya sinabi kong pano napunta sakin ang panyo na yon at tinaas pa niya ang kwentas na naibalot ko dun dahil tinabi ko lang naman yon.

Di ko alam pano mag rereak, pano niya nalaman ang tungkol sa bagay na yon? Siya ba ang lalakeng hinabol ko nung papunta ako dito sa korea? Pero hindi eh, i know that guy, he's not like him. Parang hindi talaga siya yon. Pero bakit alam niyang may kwentas sa panyo na yon?




Update:

Hello.....!

Kumusta kayo? Sensya now lang ulit, sana nagustuhan niyo ulit ang kwentong to. Sorry minsan late ang pag update ko busy lang si ateeeenggg....

But, i still labyah all😘😘








MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon