109:(Meet again)

5 1 0
                                    

Krissy pov:

Nagkatitigan lang kami ni jumin, madami akong gustong itanong at malaman. Gulong gulo na ang isip ko. "Tell me, what is your problem?" nagsusumamong sabi ko. Di ito makatingin ng diretso sakin habang paulit-ulit na sinasabing 'sorry'

Sa totoo lang gusto kong awayin at sampalin ng maraming beses si mina hae dahil sa sinabi niyang buntis siya. At kailangan panagutan ni jumin ang magiging anak nila. Nung bumalik si jumin, nagkaroon ng malaking event tapos nagkainuman, nagising silang pareho na walang mga suot na damit.

"Kaya ba di ka na nagparamdam? Why jumin? Why you're doing this to me?" punong-puno ng galit ang puso ko pero gusto ko pa ding smarinig mula sa kany na mali lahat ng narinig ko kay mina hae.


Pero hindi nangyari yon, dahil inamin niya din na anak niya ang pinagbubuntis ni mina hae. Natatawa ako na naiiyak dahil sa pagkagulat. Lumuhod ito habang nagmamakaawang patawarin siya.



"So, ano yon ganun-ganon nalang? Matapos mo akong pakasalan iiwan mo nalang?" wala na akong pakialam kong maiintindihan pa nila yon o hindi ang gusto ko lang mailabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.



Akala ko nanaginip lang ako at sana nga panaginip nalang ang lahat. At nung mahimasmasan na ako tinayo ko ito saka siya sinampal ng malakas, binunggo ko si mina hae sa balikat bago ko ito lagpasan. Tama si mateo, mali nga atang bumalik ako dito.



Tumakbo ako palabas, diko alam kong saan ako pupunta? Ang gusto ko lang makaalis sa lugar na yon malayo sa kanya malayong-malayo sa kanila. Alam kong umiyak ito pero hindi sapat ang mga luha niya sa sakit na ginawa niya.


"Walanghiya siya! Manluluko siya" humagulhol ako ng iyak habang napaupo sa may beranda, kakalakad ko napadpad na pala ako sa may park. Sa park kong saan madalas kaming tumambay. "Ang sakit, ang sakit ng ginawa niya" naninikip ang dibdib ko habang panay ang pag iyak.





Hinayaan ko ang mga luha sa mata ko habang panay ang paghikbi maya maya'y naramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Pati ba naman ang langit nakikisabay din sa pighating nararamdaman ko? "Waaahhh... Walanghiya ka. Ang sama mo. Ang sama sama mo" humagulhol lang ako sa pag iyak.


Buti pa ang ulan dinadamayan ako.


Feeling ko hinang-hina na ang katawan ko, at nanlalabo na ang mga mata ko. Alam kong di dapat ako nagkakaganito. Pero diko mapigilan. Pano ko sasabihing magkakaanak na kami kung matatapos na pala ang lahat samin na parang palabas lang?


.

.

Umiyak pa din ako habang palakas ng palakas ang ulan, nakikisabay sa bugso ng damdamin ko. Pumapatak pa din ang ulan pero bakit diko na nararamdaman ang tilamsik nito? Napaangat ako, dun ko lang nakitang may tao palang nagpayong sakin para makasilong ako.


Dina ako makakita ng maayos dahil sa sobrang pag iyak, nanlalabo na ang paningin ko at naninikip ang dibdib ko. Shit...inaatake ako ng hika ko. Bakit ngayon pa? Bakit?

.

.

.

.

Kinusot ko ang mga mata ko, napasarap ata ako ng tulog. Teka, nakatulog ako? Napabalikwas ako ng bangon saka hinawi ang kumot, nilibot ko ang paligid pero hindi ito ang kwarto ni jumin, naiyak ako sa posibilidad na baka hindi panaginip ang lahat.


Iisipin ko palang na mawawala siya parang mamatay na ako.


Napasinghap ako nung mapansing hindi ko damit ang suot. Pagkakaalam ko nakapantulog na ako, at....bigla akong natigilan nung maramdaman kong unti-unting bumukas ang pintuan saka niluwa dun ang pamilyar na tao. Ang taong minsan ko ding kinamuhian dahil sa pagtatangka niyang pagpatay sa taong mahal ko dahil sa paghihiganti.


Akmang tatayo na ako nung pigilan niya, tinanong ko siya kung pano ako napunta sa lugar niya? Sinabi niyang nakita niya ako sa isang park, pauwi na sana siya nung makita ako kaya bumaba siya para sana pasilungin ako di naman daw niya talaga alam na ako yon, kaya na shock nalang siya nung marealize na ako pala ang taong nandun at basang basa sa ulan.



Napahawak ako sa sentido, pilit kong inaalala ang mga nangyari. Sana mali ang mga naririnig ko. Hindi totoong buntis din si mina hae at siya ang tatay. Pano na ako? Pano na ang magiging baby namin?


Umiyak na naman ako, naramdaman ko ang palad nitong hinahagod ang likod ko. Sinabihan niya akong wag na daw akong umiyak baka daw atakehin na naman ako ng hika. At nung tanungin siya pano niya nalaman ang tungkol sa hika? Dahil si jumin palang at ang pamilya ko ang nakakaalam nun, sinabi niyang yon ang sinabi ng doctor.


Awang-awa daw siya sa hitsura ko. Napaluha ulit ako, tumayo na ako para sana magpaalam. Pero pinigilan niya ako. Yong pakiramdam na awkward, mabait naman ito kaso nabulag siya sa galit at paghihiganti para sa mga taong nagpahiram sa tatay niya.



Pero hindi naman rason yon para saktan at pahirapan ang iba para lang makaganti.

.

"Jae wang?" pareho kaming napalingo sa tumawag sa kanya, nanlaki ang mata ko nung ipakilala niyang asawa nya ito. Nilisan na nya ang showbiz saka nagbagong buhay kasama nang asawa niya.  Yong bagong loveteam niya kaya nakilala ko agad ito.




Kahit papano nakaramdam ako ng kaginhawaan nung malamang masaya na ito sa bagong buhay kasama ang babaeng dati inaayawan niya at iniiwasan pero di daw siya sinukuan. Mabait, maalaga at mapagmahal daw ito kaya nagkasundo agad sila.

What a small world? Dahil sa nangyari kagabi, nagtagpo ulit ang landas namin ni jae wang.

Lumabas na kami ng kwarto, saka nila ako pinakaen, pansamantalang napawi ang kalungkutan ko lalo na nung makita ulit ang mama ni jae wang at si joji. "seongsaengnim" (teacher), masaya ako nitong niyakap.

Nakakatuwa dahil hanggang ngayon ganun pa din ang tawag niya sakin kahit na hindi na ako nagtuturo sa sungkyunkwan. "eotteoghe jinae?" tinanong ko kung kumusta na siya habang nakayakap pa din ito sakin. Nginitian niya ako, mas gumaan na ang pakiramdam ko ngayon lalo pa't okay na ulit kami.



Hindi kasi maganda ang nangyari samin ni joji pinagseselosan niya ako dahil sa pagiging malapit sakin ni mateo at nagalit din siya nung malamang nag away si jumin at jae wang nang dahil sakin. Mukhang malinaw na sa kanya ang lahat kong bakit nag away ang dating matalik na magkaibigan.



Napapangiti ako habang pinagmamasdan silang masaya. Sana ganyan dapat ako kasaya nung makita siya. Pero hindi, mali nga ata talagang bumalik ako dito.

.

.

.

Update:

Kaya pa ba? O baka gusto mo nang patayin na kita hehe jowk lang.
Aist.....ano ba yan gurl, ano bang nangyayari sa buhay mo.

Yan na muna sa ngayon, surna if mabagal ang pag udd. But tenchu sa pag waithing baby loves😚😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon