39:(How to comfort?)

7 0 0
                                    

Krissy pov:

Para na akong baliw, matatawa na maiiyak sa narinig mula kay melvin. Until now di pa din ako makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya. Diko alam parang nakaramdam ako ng tuwa sa likod ng luha ko. Atleast ngayon alam ko na ang dahilan nito kung bakit kinailangan niyang lumayo sakin?

Ang diko matanggap, ang taong kinabaliwan ko ang isa palang 'bakla'? Di naman sa ayaw ko sa mga beke dahil mas okay nga sila kaibigan eh. Masaya, supportive at maalaga ang diko lang maintindihan kong bakit kailangan pa niyang itago yon? To the point na kailangan kong habulin ang isang tulad niya?

Wala eh, minahal ko talaga siya!

Akmang sasampalin ako ng babaeng papakasalan niya nung malamang ako ang babaeng minahal niya. Inaano ko ba siya?ako ang nasaktan ako pa ang sasampalin?

Hanep, ano to unlimited heartache?

Wala na akong ibang ginawa kundi ang hayaang dumaloy sa pisngi ang mga luhang sana dati ko pa binitawan. Akala ko di dadampi ang palad ng babae sa pisngi ko but i was wrong narandaman ko nalang na humapdi ang pisngi ko pero walang kasing sakit sa nalaman ko mula kay melvin..

Ang tagal kong hinintay na bigyan niya ako ng matinong sagot. Akala ko may nagawa akong mali, akala ko totoong lalake siya sa twing makikita ko itong may kasamang mga babae. He's a real cassanova back on my bachelors days kaya diko lubos maimagine na isa pala siyang 'beke'

Ang tanga ko, para di mahalata yon, o magaling lang talaga ata tong mag pretend!

Nakikita ko na ang palad nung babae, napapikit nalang ako. Hindi ko din alam kong bakit diko siya nagawang labanan manlang? Sa totoo lang kayang kaya ko naman siya, kaso sa lahat ng narinig ko kay melvin mas nadagdagan pa ata ang sakit na iniwan niya noon sakin.

Ilang segundo akong nakapikit habang hinihintay ang pagdampi ng palad ng babae pero di nangyari kaya napadilat ako, kaya pala walang kamay na dumampi sa pisngi ko dahil may kamay na pumigil dito.

Dahan dahan kong inangat ang ulo para matitigan kung sino ang naglakas loob na ipagtanggol ako. Napaawang ang labi ko ng makita si jumin, naka cop ito ng black at naka mask ng black. Alam ko siya yon. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan niyang magsuot ng ganun?

Tinanong ng babae kong sino siya? Di umimik si jumin tinitigan lang niya ang babae ng masama saka pinipilit ang kamay. Parang feeling ko mababali ang kamay nung babae, para kasing nang gigigil na si jumin sa paghawak.

Isang malakas na suntok ang natanggap niya kay melvin dahilan para mabitawan niya ang babae. Di naman natumba si jumin sa may table kasi siya bumagsak pero natanggal ang suot nitong mask dahilan para malantad ang gwapo niyang mukha.

Ako lang  ba ang nakakakita o ang iba din? I mean, reaksyon ko lang ba to o iba din? "PARK DONG MIN?" Halos lahat pa atang nandun yon ang sinabi maging ang babaeng papakasalan ni melvin di parin makapaniwala nasa may bibig ang kamay nito at halos lumuwa ang mata sa nakita.

Matalim niyang tinitigan si melvin, akmang sasapakin niya ito ng hilain ko ang damit nito ang laki kasi niyang tao tapos ang tangkad pa kaya feeling ko di ko siya kaya, kinalma nito ang sarili saka sinabing layuan niya ako dahil pag aari niya daw ako? Hannoo daw? Tama ba yong narinig ko?


Pagkatapos, hinila na ako ni jumin palayo sa lugar na yon, nakatitig lang ako sa kamay naming magkahawak? Pero di naman yon ang iniisip ko, yong nasa isip ko talaga ay kung bakit bigla nalang itong sumusulpot lalo na sa oras na nasa panganib ako?

Hingal niya akong binitawan, matalim ang mga mata nitong nakatitig sakin. Hala siya? Ano namang ginawa ko? Nung mahalata niyang medyo kinabahan ako bigla niya akong nginitian pero makikita pa rin sa mata nito na may galit siyang kinikimkim if i am not mistaken?

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon