118:(confussion)

7 1 0
                                    

Krissy pov:

Pinilit kong imulat ang mga mata dahil sobrang liwanag, wala akong makita kundi ang puting liwanag. Nakakasilaw, feeling ko nabubulag ako sa sobrang liwanag nito.

Asan ba kasi ako?

Napasinghap ako nung maramdaman ko ang malakas na pagsipa ng anak ko sa loob ng tiyan ko. Nakaramdam ako ng matinding kirot kaya napamulat ako. "Ma?" pinilit kong maigalaw ang mga kamay, nanghihina ako dahil sa mga nakasabit sa katawan ko.

"Ma?" muling tawag ko, nakaupo ito habang natutulog nakapatung ang mga braso nito sa gilid ng higaan ko at ginawang unan nito. "Oh..hi! Gising ka na pala" biglang bati sakin nung nurse na nag assists sakin. Kaya nagising na din si mama at gulat na napatingin sakin.

"Anak?" nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Yong yakap na sobrang higpit, parang sampung taon niya akong di nakasama. "Ma, hindi ho ako makahinga" pabironh sabi ko, natatawa naman ito kumalas pero may bahid na lungkot sa mga mata.

"Ma, ano ho bang nangyari? Bakit po ako nandito?" takang tanong ko. Umupo ito sa tabi ko habang chenecheck ng nurse ang vitals ko, "Inatake ka na naman anak, alam mo na ba ang tungkol sa kundisyon mo?" natahimik ako sa tanong ni mama.

"He's totally fine ma'am, antayin niyo nalang po si doktora para sa billing niyo if okay na ba kayong madischarge" singit ng nurse. Nagpasalamat muna si mama, bago ito tuluyang lumabas.


Lumabas na muna si mama para bumili ng pagkaen, umupo na ako pero nakasandal pa din ang likod ko sa may head board ng hospital bed, pumikit na muna ako habang hinihintay pa si mama ng biglang bumukas ang pintuan.

"Kumusta kana ses?" bungad ni aira, kasama niya si kuya na karga karga si baby roy. "mum-ma" napangiti ako nung tawagin ako ni roy "Hello baby, i miss you!" nilapit ni kuya si baby roy, napangiti ako dahil sa dami ng halik nito sa pisngi ko.

Nagkwentuhan kami ni aira, pero napansin kong tahimik lang si kuya. "Himala, dimo ata ako inaasar ngayon" pabirong sabi ko kay kuya. Nagulat ako nung bigla nalang itong umiyak, at nung napansin niyang nakatitig ako tumingala ito saka pinahid ang luha.

"Kuya may problema ba?" takang tanong ko, sandaling nanaig ang katahimikan bago ulit ito magsalita "Hanggang kailan mo ba balak itago samin to?" gulat akong napatitig kay kuya, binaba ni aira si baby roy saka pinaupo sa sofa at pinaglibang sa tablet para makapaglaro.

"Anong..." "Panget naman, bakit kailangan mong ilihim samin tong kalagayan mo?" napatingin ako kay aira "Ses, alam na naming lahat ang kundisyon mo. Kaya ka laging nahihimatay." singit ni aira, bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"Dati, inakala lang namin dala lang yon nang pagbubuntis mo pero mali pala." saad ni aira "At dahil ngayong buntis ka mas nadagdagan pa ang problema" nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni kuya. Anong karapatan niyang sabihin yon? "Kuya, kailanman ay hinid naging problema ang pinagbubuntis ko" naiiyak kong sagot napamura si kuya saka sumuntok sa pader.

Nanatili siyang nakatalikod, alam kong galit ito. Kilala ko si kuya bahala na siya ang mahirapan hindi lang ako o kahit na sinong mahal niya. Ganun siya, akala mo superhero gustong akuin lahat ng responsibilidad at problema.

"Hindi yan ang tinutukoy ko" "Eh ano?" nagulat ako nung tumakbo ito palapit sakin saka ako niyakap habang humahagulhol ng iyak. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakitang umiyak si kuya ng ganito, napatingin ako kay aira, umiyak na din ito pero nag iwas ng tingin.


"Hindi mo ba alam na maari mong ikamatay dahil sa pagbubuntis mo. Baka dimo kayanin ang panganganak" napaiyak na din ako. "Alam ko naman yon kuya, alam ko po yon kaya ko nga hindi sinabi sa inyo dahil ayaw kong mag alala kayo." napatayo ito, at nagpalakad lakad tila di mapakali.

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon