102:(Changing I do's)

18 2 1
                                    

Krissy pov:

This is it pancit!

Kinakabahan pa din ako habang nakatitig sa salamin, masaya ako kahit mag iba ang tradisyon na kinalakhan namin ni jumin ako pa din ang sinunod niya, mas pinili niyang dito kami ikasal dahil walang divorce na nagaganap nakadepende nalang sa inyo yon. Wala nang mas sasaya pa, isang gaya niya ang mapapangasawa ko na dati pinapangarap ko lang at tinitingala.

"Wow, ang ganda ganda mo gurl" manghang sabi ni jasper kasama si shakirah at nichole na kapwa niya beke, jassy ang gustong ipangalan namin kay jasper para daw mas maganda ang dating.

"Salamat!" "I'm happy for you!" natigilan ako sa naging reaction ni jassy o jasper "Masaya daw? Eh bakit ka naiyak?" takang tanong ko "Tears of joy huhu" saka ito nagkunwaring nagpahid ng luha "Arte, hindi ikaw ang bride si madam krissy" biglang singit ni shakirah "Oo nga bakla, wag ka ngang mag feeling bride diyan" epak din ni nichole.

"Alam kong gwapo si oppa jumin pero ses wala ka talagang panama sa beuty ni MADAM krissy. Akalain mong nasungkit niya ang prinsipe ng korean star" nagtawanan pa ang dalawang bakla na ikinainis ni jasper. "Mga fishtea kayo, bakit ba ang eepal niyo kitam nagmomoment akitch" maarteng sabat ni jassy.

Natawa nalang ako kasi inasar ng inasar pa siya lalo nung dalawa, matapos nauna na silang lumabas ng bahay, namimis ko na agad si jumin di kasi siya dito natulog sa hotel sila ni kuya natulog bawal daw kasi mag kita ang bride at groom.

Naka suot ko ng tube white long gown, na madaming palamuting parang crystals ang damit. Tapos nakataling parang bulaklak ang buhok ko. Sa totoo lang, para akong si cinderella ngayon dahil ganun ang gown na suot ko kaso white lang to.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto pagbukas ko, bumungad sakin ang mga kapit bahay na nakangiting sinalubong at inalalayan ako hanggang sa makasakay na ako nang bridal car. May mga bulaklak at parang ribbon pa kasi sa unahan at mga gilid gilid mga design yon.

Tapos may naka scort sakin na anim na naka motor na mga pulis at isang patrol car. Hanep, bigtime na talaga si kuya, pag chief kana talaga lahat kaya mo nang gawin. Pero masaya ako sa pagiging supportive ni kuya sakin. I never forget this days.

.

.

.

Habang palapit ng palapit kami sa simbahan, palakas ng palakas naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, isa lang ang nasa isip ko ngayon gusto kong maiyak finally ikakasal na ako sa taong mahal na mahal ko.

"Were here madam" untag na sabi ni leon siya yong isa sa mga body guards ni jumin. Pagkahinto ng sasakyan, pinagbuksan naman ako ni Monching yong isa pa sa mga body guards "This way po madam" sabay lahad niya ng kamay sakin para makatayo. May suot pa akong white gloves na hanggang siko ang haba kaya medyo nailang ako.

Ginawa naman kasi ako nila mama na cinderella.

Nilagay nito ang isang kamay sa may tiyan at yong isa naman sa likuran saka yumuko. Napaka pormal naman nito, yon daw ang proper way ng pag galang nila lalo na't mapapangasawa ko na ang boss nila.

Mabait naman si jumin kaso may pagka suplado at bugnutin. Medyo seloso din pero kahit papano masaya naman ako dun.

Huminga muna ako ng malalim, tinanong nila leon at monching kung ready na daw ba akong pumasok. At nung medyo kumalma na ako suminyas na ako sa mga body guards na buksan na ang pinto.

.

.

.

Other person:

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon