101:(Buntis)

11 2 0
                                    

Krissy pov:

Bumaba na ako para puntahan sila kuya, nadatnan ko silang magkatabi ni jumin habang nakalubog ang mga paa sa pool at umiinom, nag uusap sila ng masinsinan. Nakita ko sa isang table naman sila aira at jasper may ilang kasama pa sila pero diko kilala ang iba.

Yong mga neighbors namin, nagpaalam na silang uuwi na at nanghingi pa ng ilang pasalubong. Akala ko wala akong maibibigay dahil biglaan lang pero biglanh sinabi ni jumin na nasa isang maleta daw ang mga pinamili niyang pasalubong. Napapangiti nalang ako, napakaswerte ko na nagkaron ako ng gaya niya.

Napaka perfect niya para mapasakin lang? Bukod sa mayaman, sikat, at kilalang tao, mabait at sobrang mapagmahal pa akala kasi nila suplado ito at panget ang ugali unlike jae wang na opposite naman talaga sa real life niya ang attitude na meron ito.

Haist...nakakapang hinayang siya.

Napabuntong hininga akong nagtungo kina aira pinakilala nila ako. Matapos, nang ilang chitchat nagpaalam na ang mga bisita nila kasama si jasper madami pa daw kasi siyang aayusin. Sila kuya naman nagbanlaw na para makipag inuman samin ni aira.

Sila daw ni jumin ang magtatabi sa kwarto kaya wag daw ako magseselos. Baliw talaga. Kaya inasar ko din itong wag din siyang magseselos kung si aira ang katabi ko. Namula naman si kuya bigla diko alam kong kilig yon o galit basta alam ko lang natawa ako.

Magkatabi kami ni jumin sa iisang upuan tapos si kuya naman at aira mukhang nagkakailangan pa sila sa isa't isa. Kaya pinapainggit ko, binulungan ko si jumin para mainggit yong dalawa. Kahit mag korean kasi ako maiintindihan pa din ni aira kahit di siya ganun kagaling magsalita.

Marami-rami din ang naubos namin, di na kami nakapagligpit pa. Inaantok na kasi kami. Umakyat na kami ng kwarto para matulog, sa totoo lang diko pa nakikita ang hitura ng kwarto ko. Nakatulog ako na si jumin ang katabi dahil binuhat niya ako paakyat suka ng suka din kasi ako at nahihilo di naman talaga kasi ako sanay mag inom.

.

.

.

Napabalikwas kami ng bangon ng umalingawgaw sa kabuuan ng kwarto ang isang tili, kinukusot kusot pa ni jumin ang mga mata nakayakap ito sakin. Nakatihaya kasi ako tapos nakatagilid ito habang ang mga kamay nasa may tiyan ko.

Tinignan ko siya kung siya ba ang nag ingay ganun din ito sakin. Parehong nanlaki ang mata namin nung makita sila aira at kuya na natutulog sa may paanan namin nasa ibabaw ni kuya si aira gulat din itong napatayo saka pinaghahampas si kuya sa dibdib.

"Pssstt...ano ba kayong dalawa?" awat ko "Walanghiya ka, pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko?" diko alam kong joke ba yon o ano. Niyayakap pa kasi ni aira ang sarili. Si kuya naman nakatitig lang na parang walang gana.

Antok pa ito, tumayo ito saka nagsumiksik sakin kaya ang lagay nasa gitna na ako nila ni jumin "Kuya, naiipit ako" angal ko "Tss...bakit ba dati dika naman umaangal ah" walang ganang sagot nito. Nakatagilid ito habang ginawang unan ang mga braso tinignan ko ito pero nakapikit naman.

"Sleep kana muna jagiya" bulong ko kay jumin mukhang antok pa eh "But..." "I love you!" nakangiting saad ko saka ko siya hinalikan a pisngi "Yuck ang corny niyo!" eretang sabi ni aira saka nagmartsa palabas natawa nalang kami ni jumin. "Kuya?" tawag ko "Hmmm?" walang ganang sagot nito "Ahm, sige tulog muna kayo diyan, gisingin ko nalang kayo pag ready na ang pagkaen" paglalambing ko.

"k" tipid na sagot niya "I love you kuya" "Tsss...wag ka nga" "Ahmp...bala ka nga suplado" pagmamaktol ko saka ako bumangon, hinila ni jumin ang kamay ko he pout his lips i know what his thingking kaya hinalikan ko na ito kaso "Hui....ano yan hu?" biglang lumingon si kuya kaya ang lagay nakita niya kami ni jumin na parehong nakanguso.

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon