76:(Broken hearted)

8 1 0
                                    

Other pov:

Biglang hinampas ni jumin ang mesa na ikinagulat ng lahat ng nasa table nila. Sinamaan niya ang tingin ang step mom niya alam niyang may ginawa ito para magka ganun si krissy. Lahat ng nandito ay puro mga kilala at mga taong nakakaalam sa totoong dahilan kong bakit kailang niyang hiwalayan ang dalaga kasama na dun si jae wang na best friend niya. Tumayo siya saka sinamaan ng tingin ang step mom, napansin niyang may naramdaman itong takot. At dapat lang siyang  matakot dahil pag may nangyaring masama kay krissy patay siya. Yon ang sinabi ni jumin bago tumayo pero di paman siya tuluyang nakakalayo pinigilan siya ng papa niya at ni mina. Napangisi siya sa dalawa at sinabing....‘ bakit di nalang kaya kayo ang mag asawa total kayo naman ang may gusto sa isa't isa.’» Pagkatapos niyang sabihin yon, nilisan na niya ang lugar na yon saka sinundan si krissy pero bago yon nang hingi siya sa staff ng gamot para sa sakit ng tiyan. Samantala, natahimik nalang si jae wang, alam naman niyang mahal nila ang isa't isa pero gusto pa din niyang subukan kung kaya ba siyang mahalin ni krissy kahit na imposible. Ang sinasabi niyang regalo yon ay ang kotseng pinag ipunan nya ibibigay niya yon kay krissy para di na ito mahihirapang mag commute. Sayang ang ganda kong magbabad siya sa arawan para lang makasakay. Kahit di niya sigurado kong tatanggapin yon ni krissy. Pag tinanggap niya yon magkakaron na siya ng chansang baka makapagtapat na siya ng nararamdaman niya. Pero hindi ganun ang pagkakakilala niya kay krissy, simpleng tao lang ito at di siya gaya ng iba masyadong mapang abuso. Nakakatuwa ito, bukod sa pagiging maganda hindi ito yong tipo ng tao na basta ka nalang iiwan. Sana bago mahuli ang lahat masabi niya kay krissy ang nararamdaman kahit pa alam niyang sa sariling magiging hadlang ang matalik na kaibigan. Handa siyang ipaglaban ang nararamdaman lalo pa't ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng pagmamahal.

.

.

.

.

Krissy pov:

Haist..sa wakas, natapos rin!

Hingal akong lumabas ng cubicle, pumunta ako ng washroom para maghugas ng kamay, tapos naghilamus ako. Ang panget ng hitsura, nagkalat ang make up ko dahil sa pawis. Nung nakita kong malinis na ang mukha ko. Tinali ko pataas ang buhok, pinagpawisan na ako at dina okay ang hisura ko.

Feeling ko namuo na din sa leeg ko ang foundation na ginamit ko kanina buti nalang at may facial wipes akong dala. Naglagay ulit ako ng maskara matapos kong itali ng pataas lahat ng buhok. Tapos kunting blush on at make up nagmukha na talaga ako doll.  Pero chuss lang yon haha.


Nung makita ko nang okay na ang hitsura ko sa salamin. May naisip ako bigla... ‘Hindi kaya may nilagay ang step mom ni jumin sa pagkaen?’ hmm... Di siya halatang plastic ah' kaya pala iba ang ngiti ni mina at tinginan nila.


Something fishy!

Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa pintuan. Halos tumilapon ang kaluluwa ko nung makita si jumin nakasandal ito sa pader at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay napakagwapo nito sa suot na tuxedo. Napalunok ako, sobrang kakaiba ang reaction ng mukha nito.

Mas guwapo pa siya sa paningin ko, "J-jum...." diko natapos ang dapat sana sasabihin nung yakapin niya ako bigla ng mahigpit. Hindi ko alam kong bakit niya ginawa sakin yon?


"I miss you!" di ako nakapag react agad. Bakit ba siya ganyan? Akala ko ba wala na ang lahat samin? Tama, wala na kami baka may pinaplano na naman siya kaya dina ako dapat magpauto pa.

Tinulak ko ito ng malakas alam kong gulat na gulat ito wala siyang karapatan para sabihin sakin yon. Ano gusto niyang mangyari? Magpagamit ako ulit? Paikutin ulit? Never!

"Alam mo artista ka nga..." kumunot ang noo nito "What i mean, you really are good in drama, a real actor. What do you want?" tinitigan ko ito sa mata na punong puno ng galit. Gusto kong maramdaman niya ang sakit nang ginawa niya.

"You want me to believe again for those lies again?" hindi ito nag react, pumikit ito to calm his feelings saka ulit ako tinitigan. "I'm sorry" tipid na sabi niya "Don't say sorry if you don't know what is really meaning of that? Okay? Sorry, is for those people who are true to itself." sinuntok ko ito sa dibdib pero feeling ko ako lang din ang nasaktan.

"Bear it to your mind, i will never believe those words from you. Not again" mataray na sabi ko saka ko ito nilagpasan. "Krissy, believe me i don't want to hurt you. You know how much i love you!" buntong hiningang sabi nito. Sana nga totoo yan.


"If i could turn back the time, how i wish i will never meet someone like you" akala ko kakayanin kong sabihin yon kahit nakatalikod ako sa kanya diko pa din napigilang di mapaluha. Feeling ko nag uunahan ang mga luha sa mata ko.

Kaya pasimple kong pinunasan ang luha bago ko tuluyang nilasan ang lugar na yon. Pabalik na ako sa lugar kung saan ang event nung makasalubong ko sa daan si jae wang. Alalang alala ito nung makita ako. Tinanong niya ako kung okay lang ako? I nod at him as a response.

Napatingin kami pareho nung sabihin niyang nasa likod ko si jumin. Sandali kaming nagkatitigan ni jumin saka ko inaya si jae wang na bumalik sa event. Hindi ko alam kong ano ang gagawin, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng dibdib ko mas lalong naninikip pag nakikita siya, at mas lalong diko na kinakaya pa.

Humingi ako ng champaigne, nagulat pa si jae wang pero nginitian ko lang siya saka ko sinabing para sa selebrasyon lang naman to. Hinila ko siya kung saan andun ang pwesto nila ms. Jesu mukhang mas mag eenjoy kami.

Binigyan ko siya ng wine pero tinanggihan niya. Halos ipagsabay sabay ko na ang alak sa pag inom. Sa una lang naman ako nakaramdam ng pait pero katagalan na wala na din. Maramdaman ko bigla na parang umiikot na ang paningin ko.


Sandali akong napahinto, saka kinalma ang sarili "gwaenchanh-a?" nag aalalang tanong ni jae wang. Wala na sila mateo, pinauwi na nila si joji sinabay na din daw ng dryber nila mateo. Ang sweet naman ng mga studyante ko. Naol may poreber!

"Am fayn, don you wurrey" para na ako baliw mali mali na ang mga sinasabi ko. Inaawat ako ni jaewang pero tinatawanan ko lang. Yong tawang may kasamang pag iyak diko nga alam kong anong kalukuhan ang pinag gagawa ko.


Feeling ko nakatingin ang lahat sakin pero wala akong pakialam nanlalabo na ang mata ko at umiikot na ang paningin ko sa dami ng nainom. Akmang iinumin ko pa ang nasa malaking wine glass ng may kamay akong nakita para pigilan ang pag inom ko.



Malakas ito kumpara sakin. "S-shino kah bah hu?" parang akong engot, ang alam ko lang gusto kong uminom. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. "Alanghiya, shinabi kohong pinagshishihan ko-ong nakilalah koh siya? Eh siya ang nagbigay kul-ay ng mundo ko. Mamatay na shana ang bet-ter!" padabog na sabi ko, habang sinisinok sinok pa.

Alam kong nagtataka ang lahat, sa sinasabi ko pero wala talaga akong pakialam bahala na ang bukas kong anuman ang gusto nilang isipin. Masyadong magulo na ang isipan ko, dadagdag pa ba sila!

.

.

.

.

Update:

Hep hep....Hoorraaaayyy..... !

Mamatay daw ang better?

Weh? Di nga?

Ikaw ang better ateng, gusto mo mamatay?😂😂😂

Haha...sorrreeeeeyyy...

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon