60:(meet the owner)

10 1 0
                                    

Krissy pov:

Maaga akong pumasok kasi may dadating daw na bisita ngayon. Halos lahat busy na, sinabihan ko ang buong section ko na gawin nila lahat ng makakaya nila para manalo ang pambato namin pero syempre hindi alam ni mateo yon at mas lalong hindi alam ni joji.

Sa huwebes ng hapon ko na siya ipapa rebond, mas okay yong stright ang buhok niya instead of buhaghag. Nakasalubong kp sa daan si ma'am loyda yong principal sinabi nitong dumiritso ako sa building kung saan kami mag m-meeting.

Pagkapasok ko, nandun na halos lahat ng teacher maliban kay mr. Lim at ma'am loyda. Nagkwentuhan na muna kami nila jesu at janna. Sila talaga ang mag bff sa campus, boyfriend ni ms. Jesu si mr. Kang while vivian naman at si mr. Kajima. Half japanese at half korean pero mas ninais na manirahan sa korea kasama ang girlfriend niya. How sweet?

Tahimik lang ako habang sinasabi nilang magbabalik tambalan na naman ang dating magkarelasyon na sila park dong min at min hae. Alam kong fanny lang ako nun pero bakit nasasaktan ako? Pinilit kong ngumiti nung sabihin ni ms.jesu na lumabas daw kami minsan, siguro after pageant weekend naman daw inaya nila akong lumabas para daw makilala na nila ang boyfriend ko, isa pa birthday ko na sa sabado lasts year diko na enjoy ang birthday busy kasi ako sa work ngayon lang ulit.


Sana nga may free time siya sa weekend.


Pare-pareho kaming natigilan nung pumasok na si ma'am loyda, saka sinabing dumating na ang may ari ng school na to. May ilang foreigner itong kasama kaya sinabihan niya ako kung pwede daw ako ang kumausap. I nod at her as a response.


Natahimik ang lahat, kasabay ng paglabas ng lalakeng nasa 6'4 ang tangkad, gwapo pa din ito kahit medyo may edad na kung di ako nagkakamali nasa 40's na 'to. Habang nagsasalita ito sa unahan gamit ang lenggwahe nila nasa sulok lang ako habang sinusulat ang mga napag usapan.


Hanggang sa pinakilala nito ang foreigner na kasama na sinasabing ka socio daw niya sa negosyo niya. I never give attention to them pero talaga bang kahit nasa sulok kana dimo pa din maiwasang may nakakapansin pa din sayo?

Yong foreigner kasi, bigla akong tinawag. Dun ko lang napansin na lahat sila nakatingin sa direksyon ko. Napatingin ako kay mr. Lee which is the owner, nakangiti ito sakin pero yong ngiting malagkit. Tss...parang manyak!



Napatingin ako kay jesu, at janna na parang kinikilig sa nakikita. Duh' kinikilig na ba sila? Di hamak na mas gwapo naman ang jumin ko kaysa sa mga yan!


"annyeonghaseyo" nakangiting bati ko nung makalapit "annyeonghaseyo" saka din yumuko si mr. Lee "ulineon eotteohge seololeul ihaehal su issseubnikka?" (How can we understand each other?) tanong ng isang kano, halatang di ito marunong mag korean kasi uutal utal pa ito. "geunyeoneun yeong-eoleul hal su-issda" sinabi ni mr. Lim kay mr. Lee na marunong daw akong magsalita ng english tatango tango naman si mr. Lee, tinanong pa niya kung totoong marunong akong mag english?

"ne, jeoneun halsu issseubnida" sinabi ko sa kanila na alam ko namang mag english i mean, i can speak english naman talaga. Ngumiti naman ito sakin yong ngiting wild na parang seductive. Maniac talaga! Kung dilang ikaw ang may ari sinapak na kita.

"dangsin-ui ileum eun muenos-ibnikka?" tinanong niya kong anong pangalan ko. "nae ileum-eun krissy faith alcaraz imnida" sagot ko. "eodieseo wassni?" tinanong niya kung taga saan ako. Ano to, interview?

"Philippines" simpleng sabat ko "wau, pilipina aleumdaun" sinabi nitong magaganda ang pinay. Korak ka diyan. Tatango tango naman ang foreigner. Actually, may apat itong kasamang foreigner tapos tatlong koreanong sinasabi niyang envestors at planong maglibot dito sa campus para sa agreement nila.


MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon