120:(Muling pagkikita)

6 1 0
                                    

Krissy pov:

Ilang araw ko nang nararamdaman ang pananakit ng puson at balakang ko. Parang may kung anong nagwawala sa loob at kinakastigo ako. Sa baba na ako natutulog kabuwanan ko na kasi at araw nalang ang hinihintay lalabas na si baby.


Kinakabahan ako na naeexcite. Sino kayang magiging kamukha niya? Ako ba o ang papa niya? Gusto kong maging positibo sa lahat ng bagay gaya ng sinabi ni tatay. Ayokong isipin ang anumang makapagpapasama ng loob sakin ngayon.




Kahit naman magalit ako at kasuklaman si jumin wala di mangyayari. Makakagawa lang ako ng mali kapag pinairal ko ang galit. At ayokong pagsisisihan ang anumang maling magagawa ko. Kaya kahit mahirap, maluwag kong tatanggapin kong dumating man ang isang araw na bumalik siya at magpakita para lang sa anak namin.


Buong puso kong tatanggapin yon para sa ikabubuti ng lahat. Lalo na sakin.

Lumabas ako at nadatnan ko si mama na nagdidlig ng mga halaman kaya nilapitan ko ito habang nakapatong ang isang kamay sa may beywang at ang isa naman nakahawak sa bilog kong tiyan.

"Ma, ako na po muna diyan, mag gatas na po muna kayo" saad ko "Naku, wag mong nang isipin ang mga gawain dito kaya ko pa nam..." diko na pinatapos ang dapat sasabihin nito inagaw ko ang hose ng tubig sa kamay nito. "Huwag na sabi..." "Ma, alam niyo namang di ako sanay na walang ginagawa, tinatamad na ako kakalakad at kakaikot sa bahay, isa pa di naman po mahirap na trabaho to eh" saka ko binuhusan ng tubig ang mga halaman ni mama.


"Oh sige, dahil mapilit ka. Tawagin mo ako pag may kailangan ka hu? Kukuha lang ako ng maiinom at ipagtetempla na din kita ng gatas mo" napangiti nalang ako, habang papasok si mama daldal ng daldal kasi ito.



Pakanta kanta pa ako habang nagdidilig, ganun lagi ang gingawa ko. Binabasahan ko at kinakantahan ang anak ko, maganda din daw kasi yon para sa bata, natigilan ako nung may kumatok sa gate.


Tinawag ko si joana yong kasambahay pero di naman ako sinasagot. Pinatay ko na muna ang gripo saka ako lumapit sa may gate para mapagbuksan ang  tao. Paulit ulit itong kinakalabog kaya nagmadali naman ako sa paglakad.

"Andiyan na" hingal na sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng gate. Sandaling huminto ang pag ikot ng mundo ko, parang tumilapon ang kaluluwa ko nung makilala ang taong nasa labas ng gate.



"Krissy/jumin?" sabay pa naming tawag, parang nanginig ang kamay at pisngi ko nung marinig ulit ang boses nito. Walang emosyon sa mukha nito, parang pasan niya ang mundo dahil sa hitsura nito.


Ganun na ba siya kalungkot?

Sandaling nanaig ang katahimikan saming dalawa, nakikiramdam kong sino ang dapat na maunang magsalita.  7months niya akong tiniis, sa loob ng pitong buwan na wala siya sa tabi ko masasabi kong may puwang parin siya sa puso ko.


Hindi ko alam kong pano ipapaliwanag yong nararamdaman ngayon, parang malungkot ako na masaya. Gusto ko siyang sampalin dahil sa di niya pagpaparamdam at pagpapakita sakin ng ilang buwan. Diba niya alam na halos mamatay na ako kakaisip, diba niya alam na sobra ko siyang na miss?



Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko, tumulo na pala ang luha ko ng diko namamalayan. Nakatitig lang kami sa isa't isa gaya ko nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito. Namumuo ang mga luha sa mata nito, walang bakas ng kaligayahan, nakikita kong madami din itong katanungan na gusto nang kasagutan.


Akala ko magiging madaling kalimutan siya pero mali ako. Dahil habang binubura ko siya sa isipan ko mas lalo namang naninikip ang dibdib ko at umiiral ang posibilidad na baka tuluyan na nga itong lumayo.



MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon