124:(Adjustment)

17 3 6
                                    

Krissy pov:

Maaga akong nagising dahil sa iyak ni baby. Nilingon ko si jumin mahimbing pa itong natutulog habang nakadapa, dahan-dahan akong bumangon para puntahan si baby, nagtempla na ako ng gatas para pa didiin, halos maubos na niya ang bote ng gatas pero wala pa ding tigil ang pag iyak nito kaya kinapa ko ang diaper napangiti nalang ako nung malamang puno pala ang suot nito.

Nilinisan ko muna ang pwet nito, matapos sinuotan ko na ng bagong diaper. Humahalakhak na ito, parang napawi ang antok ko. Madaling araw palang kaya feeling ko inaantok pa ako pero dahil sa baby ko na sobrang kulit napapawi na ang lungkot at antok ko.

Kinuha ko muna ito sa crib niya saka kami humiga sa kama, nakadapa ito sa ibabaw ng tiyan ko habang nagkukulitan kami, natutuwa ako habang binubulaga ito kasi mas lalong lumalakas ang paghalakhak nito.

Natigilan ako pero natatawa pa din ako nung magising si jumin. Namumungay ang mga mata nito, akala ko magagalit ito pero nung nakita niya kami ni baby na nagkukulitan, umayos ito ng paghiga saka sumali samin.

Ilang minuto din ang tinagal at nung makaramdam si baby ng antok, tumayo si jumin para patulugin si baby. Ihihiga na sana niya sa crib pero nagigising ito at umiiyak kaya napag disisyunan namin na itabi na namin siya matulog, nasa gitna namin siya. Nakayakap samin si jumin, bago kami tuluyang matulog ulit.

.

.

Napaungol ako ng mahina nung maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko, minulat ko ang mata nakita ko si jumin na nakangiti "Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong ko.

Napatingin ako sa wallclock alas diyes na pala ng umaga, kaya pala nakaramdam na ako ng gutom. Akmang babangon na ako nung pumasok naman si kuya sa kwarto kasama si baby roy. "Morning tita mumma" paglalambing nito saka lumundag palapit sakin saka ako hinalikan sa pisngi.

"Bumaba na kayong dalawa, kakaen na tayo!" sabi ni kuya. "Panget okay kana ba?" tanong ni kuya "Bangon kana diyan, siya nga pala may pupuntahan tayo jumin, samahan mo muna ako" saad ni kuya tumango lang si jumin.

Nung lumabas na sina kuya at baby roy, nagtungo naman si jumin nang banyo para maligo. Bumangon na din ako para mag ayos ng sarili. Hinintay ko na muna ito bago ako lumabas, hindi ko alam kong bakit pakiramdam ko ibang tao na ako.

Napatingin ako sa piklat sa may dibdib ko, dahil nakasuot ako ng off shoulder na damit kaya kita ko ang malaking piklat. Napakunot noo ako habang hinahawakan ito, hindi ko alam pano ako nagkaro'n ng piklat dito ni wala akong maalalang naaksidente ako, sariwa pa ito kaya imposibleng naaksidente ako ng hindi ko namamalayan, kahit tulog pa ako mararamdaman ko pa din ang sakit pero ito, wala akong maramdamang kahit ano kundi ang kirut sa may bandang dibdib ko.

"Are you ready jagiya?" napalingon ako kay jumin, nakalabas na pala ito ng banyo ng diko namamalayan. Nagsusuot na ito ng cotton t-shirt na kulay gray. Tumango lang ako, feeling ko naninikip ang dibdib ko. Alam Kong asawa ko si jumin pero bakit pakiramdam ko ibang tao na ako, ni hindi ko na nga magawang maglambing na manlang?

Ano ba talagang nangyayari sakin?

.

.

Sabay na kaming lumabas ng kwarto, ngitian ko lang ito habang hinahawakan niya ang kamay ko. Nadatnan namin sila aira at mama na nilalaro ang anak namin ni jumin, si kuya naman nasa may sofa nakaupo lang habang nagbabasa ng diyaryo at baby roy naman, naglalaro lang mag isa.

At nung mapansin kami nila mama, nilapitan nya ako saka niya ako inaya kumaen. Tumango lang kami ni jumin, didiritso na sana kami sa kusina ni jumin para kumaen ng tawagin ni kuya dahil may pupuntahan daw sila, di nalang ako nagtanong pa nung sabihin nitong importante ang lakad nila.

Sinabayan ako nila mama at aira na kumaen, nilagay nila sa malaking kuna ang anak ko malapit kay baby roy na naglalaro. "Kumusta na pala kayo ni jumin?" pambabasag sa katahimikan ni mama habang kumakaen kami.


"Okay naman po ma, kaya lang ang weird" kumunot ang noo nila ni aira sa narinig "Anong weird?" atat na tanong ni aira "Ahm, ano kasi parang pakiramdam ko may kakaiba sakin. Parang hindi na ako yong krissy na kapag nakikita ko si jumin naiiyak ako sa sobrang tuwa, pero ngayon parang normal nalang na andiyan siya. Ganun po ba yon ma pag matagal na kayong mag asawa parang nawawala na ang spark?" natahimik sila habang nagkakatinginan lang ni aira bago ulit sumubo ng pagkaen.


"Nga pala ma, asan pala si tatay? Bakit nga pala diko siya makita?" parang mabubulunan si mama sa tanong ko, si aira naman naubo bigla. Anong mali sa tanong ko?

Nung maging okay na sila, sinabi lang ni mama na nasa hospital ito dahil inatake ng sakit mas lumala pa, nung tinanong ko kung saang hospital? Saka nalang daw nila sasabihin pagka okay na ulit ako.




Napabuntong hininga nalang ako, "Okay naman kasi ako bakit ba pakiramdam ko ang cold ng mga tao bigla? Bakit pakiramdam ko ibang iba na kayo sakin?" emotional na tanong ko.

Hinawakan ni mama ang kamay ko "Anak, wag kang mag isip ng ganyan. Kung sakaling gustuhin mo mang makita ang tatay mo ulit kailangan mo munang ihanda ang sarili mo para sa mga pangyayari pero sa ngayon may kailangan muna kayong asikasuhin ni jumin" kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin ma?" kunot noong tanong ko "Andito na kami" diko na ako nasagot pa ni mama nung magsalita ulit si kuya. May mga dala sila ni jumin na mga groceries. "Bakit kayo lang ang umalis?" tampong sabi ko.

"Don't worry jagiya, were going out later" nakangiting sabi ko "Saan?" kunot noong tanong ko "Mag d-date daw kayo" nakangiting singit ni kuya sabay tapik sa balikat ni jumin. Nilapag nila ang mga dalang pinamili sa mesa na inayos naman nila aira at kuya.

"Pano si baby?"nagkatinginan sila "Huwag muna intindihin si baby daniel kami na bahala sa kanya" saad ni mama "Gustong gusto kana talagang makasama ng asawa mo. Matagal ka na daw niyang di nakakausap ng sarilihan kahit magkasama kayo sa iisang kwarto di naman daw kayo nag uusap." bigla akong nalungkot sa sinabi ni mama.

"Anak, namimis na namin ang dating krissy na masiyahin at mapagmahal" may bahid ng lungkot na sabi ni mama "Oo nga ses, alam mo namimis ko na ang dating ikaw na palagi kong kakulitan at kaagaw sa pagkaen pero ngayon hindi ko alam kong kailan ulit mangyayari yon" gusto ko nang maiyak sa mga naririnig mula dito.


"Ay naku, pabayaan niyo na nga muna si panget. Alam niyo nang may pinagdadaanan pa yan. Kumbaga nasa stage palang tayo ng adjustment kaya hangga't maari habaan pa natin ang pasensya." napaisip ako sa sinabi ni kuya.

"Sa totoo lang panget, mis na din kita" napaawang nalang ako sa narinig ko, nilapitan ako ni jumin saka ako hinagdan sa noo. Diko na napigilan amg sariling mapaluha. Nagbago na ba talaga ako? Pero pano? At bakit? Ang weird pero parang totoo, madami akong tanong sa sarili na gusto kong hanapan ng kasagutan...


Tama siya, kahit magkasama kami sa iisang bahay para akong ibang tao dahil di kami nag uusap. Kahit pa sabihing iniintindi nila ako pero bakit pakiramdam ko hindi na ako to? Malaki ang pakiramdam ko na parang ibang iba na ako. Hindi ko alam kong bakit?



.

.

.

Update:

annyeonghaseyo!

..hopefully samahan niyo ako hanggang sa huli, tingin niyo ba magbabalik pa ang dating krissy na kalog pero sweet. Hindi yong boring at moody?

Comment down there below to know your feedback. Tenchu😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon