42:(Sweeter than sweet)

12 1 0
                                    

Krissy pov:

Pagkatapos naming mang groceries, lumabas na kami. Bigla akong may natanaw na mga babae palapit sa direksyon namin. Nagtitilian, nakakabingi ang hiyawan. Di naman mapakali si jumin na akala mo may tinatakasang utang.

"gwaenchanh-a?" tinanong ko kung okay lang ba siya? Mas lalo kasi niyang binaba ang suot na cup, kanina ko pa din napapansin na parang pinagtitinginan siya ng ilang babae sa loob na para bang iniisip nila kung talagang siya ba yong taong nakikita?

Palapit ng palapit sa direksyon namin ang mga babae, may karga akong pinamili habang siya naman ang may bitbit ding pinamili. "Park dong min" "oppa", "salanghaeyo oppa", "dangsin-ui jal saeng-gin", di magkamayaw ang hiyawan ng mga babae sa paligid.

Nanlaki ang mata ko ng makitang pati ata yong mga babae sa groceries store lumabas na din, magkabilaan na ang nakikita kong mga babaeng palapit samin. Teka samin? Shocks, si jumin napagkamalan ata nilang si park dong min!

Parang di mapakali si jumin sa kinatatayuan, pumulupot ako sa braso niya. Bakit ang tagal ng taxi? Nabitawan naming pareho ang mga pinamili nung dumugin kami i mean si jumin ng mga babae walang sawang nagtitilian na parang kinikilig pa.

Pati ata matandang babae nakiki joined na rin, napaatras na ako. Feeling ko kasi inaapakan ako ng mga walang hiyang mga babaeng akala mo mauubusan ng lalake. Naawa na ako sa nangyayari kay jumin, may nakahawak sa likuran ng damit niya para mayakap at mahalikan siya.

Jusmeyo anong nanyayari? Ganun na ba kagwapo ang nilalang na to?

May ilang nagpapantasya pa sa kanya, di makaalis si jumin, sa tingin ko nasa mahigit sampu ang mga babaeng lumapit sa kanya saka nagsiksikant nag unahan na mahawakan siya. "sillyehabnida" napalayo sila kay jumin, ang sasama ng tingin nila sakin na para bang..... Sino ka naman?, ang epal nito'

..

Yon ang pakiramdam ko sa naging reaksyon nila. Isa isa ko silang tinabig para makadaan ako palapit kay jumin.  Nagulat ako sa hitsura nito, nagkapunit punit na and damit nito, parang anytime mananapak ang hitsura nito. Dinampot ko ang dilata nung taasan ako ng isang babae ng kilay niya saka sinabing tumabi daw ako ang kapal daw ng mukha kong landiin ang lalakeng iniidolo nila?

Ansabe? Mga abnoy pala sila, napagkalamalan lang nila akala mo pag aari na.

Buong tapang kong hinarap ang babae saka pinukpok ng delata ang ulo nito, alam kong nasaktan ito sa ginawa ko. Akmang lalapitan namana ako ng isa nung sabihin kong hindi siya si park dong min kundi siya si jumin, ang boyfriend ko.

Napatanga silang lahat sa narinig, may ilang nagbubulung bulungan pa na tila di makapaniwala sa narinig. Kinuha ko ang mga nagkalat naming pinamili saka ko hinila si jumin palapit sa nakaabang n taxi, pero bago yon sinamaan ko pa ang ilang babaeng nag iilusyong sa kanila ang lalakeng to.

Sila lang ba?

Naipilig ko nalang ang ulo, grabe ang daming nangyari ngayong araw, bakit nila sinabing si park dong min to? Gayong nagbagong buhay na yon kasama ng girlfriend niya. Kung sabagay, diko rin naman sila masisisi kahit nung unang beses din naming magkita ni jumin napagkamalan ko din naman siyang si park dong min.

"gamsahabnida" tila nahihiyang sambit ni jumin pero sinabihan ko lang siya na wala lang yon. Tinanong niya ako bakit ko sinabing girlfriend ko siya? Sagot ko lang dahil sinalo niya ako kanina, kundi dahil sa kanya baka umiyak na ako sa harapan nung ex ko tsaka nung papakasalan niya.

Masaya kaming tinatahaka ang unit namin, pumasok muna ito sa unit ko tinanong ko siya kung nasan yong pinamili niya pero sabi niya para daw talaga sakin lahat yon, nakapag stock naman daw siya nung nakaraang araw. Sabu ko pa nga, baka maubos ang sahud niya kakatulong niya sa gastusin sakin. Saad lang niya okay lang daw, masaya daw siyang napapasaya niya ako kahit sa mga simpleng bagay marunong daw akong makuntento.

Ganun naman talaga, bakit ka maghahangad ng sobra kung alam mo namang dimo kaya?

"neo geogjeong naess-eo" (nag alala ako sayo kanina) untag ko, tinulungan niya akong mag ayos ng pinamili. Nilagay ko sa cabinet ang mga incan goods at mga cup noodles, siya naman nilagay ang mga karne at ilang sushi, bibimbap, tufu, stew, ilang gulay at karneng nabili.

Di ito umimik "neo baegopeu ni?" (Gutom ka na ba?) pang iiba ko nalang habang pinagpatuloy ang ginagawa. "naneun neoleul naegeollo mandeulgo sip-eo" (I want you to be mine), natigilan ako sa sinabi nito.

Ilang segundo kong nakatanga bago ito hinarap, seryoso itong nakatingin sakin "dowajuseyo" (pwede bang tulungan mo ako?), pinilit kong mag busy bisihan baka kasi nagkamali lang ako ng dinig dahil wala pa akong kaen, isa pa iniiwasan ko na siya diba?

"mueos-eul meoggo sip-e ossseubnikka?" (anong gusto mong kainin?), pang iiba ko ulit "deiteu jom mul-eobwado doelkkayo?" (Can i ask you a date?) seryosong saad nito.

Ano daw date? What date? Teka, totoo ba yon?

"Are you kidding right?" tsaka ko siyang ngitian ng mapang asar pero akala ko sasabihin niyang nag bibiro lamg siya pero hindi iba ang sinabi niya..... Sinabi niyang gusto niya talaga ako, pinilit niyang iwasan ako pero di niya magawa dahil habang iniiwasan niya ako mas lalo niya akong namimis?

Bakit ikaw lang ba?

Dagdag pa niya, nagseselos siya satwing may kasama akong iba, ayaw niyanga may lumalapit sakin at mas lalong ayaw niya akong masaktan. Minahal niya ako kung ano ako, sinabi kong baka naguguluhan lang siya? Pero sinabi niyang akala din daw niya, pero nung iniiwasan niya ako mas lalo raw niyang hinahanap ang presensya ko.

Same tayo!

"dangsin-ege malhal ge iss-eoyo" (i have something to tell you) tila kinakabahan pa siya ako naman, parang matatae na iwan, di ako handa sa sasabihin niya baka mamaya after niyang sabihin yon layuan na niya ako? Isipin ko palang parang nasasaktan na ako.

"naneub nae gamjeong-eul gobaeghanda" (i confess about my feelings), Ayan na..... Sana naman, mali ako ng iniisip! Tumalikod ako dito habang napapapikit, sana hindi niya sabihing layuan na niya ako at lalayuan ko na rin siya.

"nae yeoja chinguga daeeo jullae?" Hu? Ano raw? Tama ba ang narinig ko, gusto niya akong maging girlfriend? Whaaaa...nanaginip ba ako? Sana, dina ako magising...

"Krissy, nae yeoga chinguga daeeo jullae?" (Would you be my girlfriend?)... Waaaahhhh .. Inulit pa talaga, jusme ang puso ko parang tatalon sa sobrang tuwa.

Kinalma ko muna ang sarili bago ito harapin parang di ako makahinga sa sobrang tuwa akala ko ma f-friendzone na ako. Diko alam pano magrereak, bigla ko nalang itong sinapak na ikinagulat niya. "Sorry, i thought i was dreaming" pinilit kong ngumiti kahit halatang nag aalangan.

Yong pagkabigla niya nung sapakin ko napalitan ng ngiti. Tinanong ko siya kung bakit niya ako nagustuhan kasi ako matagal na akong na star struck sa kanya. Simple lang ang sagot niya pero tagos sa puso. 'minahal kita kung anong meron ka, wala kang kaarte arte at marunong kang makuntento. Kung ikaw ang babaeng pipiliin ko siguradong magtatagal tayo, bukod sa maganda, maalaga at may ipagmamalaki'

Oh diba ang haba ng hair ko, wala na  akong pakialam sa ibang sinabi niya ang alam ko lang masaya ako kasi gusto rin pala niya ako na inakala kong magpapakatanga nalang ako forever.



Update:

Wahahha.....ang ganda ng lovelife ni ate gurl... Paambon naman kahit kunti 😂😂😂

Nagbabakasakali😅

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon