137:(katotohanan)

10 0 0
                                    

Krissy pov:

Malapit nang lumapag ang eroplano pero si baby tulog pa din. Karga siya ng daddy niya at nakatingin lang ito sa kawalan malamang iniisip ang mga sinabi ko kanina.

"My loves, sorry kung sinabi ko pa yon kanina. Nagulat lang ako when i saw your mom's picture" binaling niya ang tingin sakin saka ako nginitian "Its okay, don't worry i'm fine, i feel they same way too" saad niya.

At nung lumapag na ang eroplano, kinuha ko na si baby at siya naman ang nagbaba ng mga gamit. Naereta ako sa mga babaeng panay pa cute kay jumin, diba nila nakitang kasama niya ako? Baka gusto nilang dukutin ko ang mga mata nila?

Naghihintay na sila mama at aira pero wala si kuya madami daw inaasikaso sa HQ, at si baby roy sobrang laki na niya, tuwang-tuwa ito nung makita niya si baby daniel.

Sumakay na kami sa sasakyan na nasa labas, yong mga body guards ni jumin sila mama naman at aira sumakay na sa isang kotse na dala nila. Excited kaming lahat habang inisa-isa ko ang mga pasalubong na dala para kina mama.

Si mama naman, panay tawag sa kapitbahay para ipamigay ang mga pasalubong. Tuwang tuwa naman kami ni jumin habang pinagmamasdan si mama.

.

.

Nung bandang hapon na nagpaalam muna kami ni jumin para pumunta ng boutique. Nakaakbay ito akala mo mga bagets kami at walang anak, yong mga suot namin at hitsura dimo aakalaing may anak na pala kami. I was 28 and he was 32 pero sa hitsura ng asawa ko nagmukha lang kaming magkasing edad.

Ang gwapo pa din nito at masasabi kong yummy, marami pang babae ang magkakagusto sa kanya pero dahil kasal kami ng ilang beses baka makapatay na ako ng wala sa oras.

Tinignan namin ang sales at inventory okay naman, tinawagan ko si george malapit ng mai-launched ang extension ng botique namin sa canada and sobrang happy ko. If you asks where is mina hae? Hindi sila nagkatuluyan, na depressed ito nung makunan siya at never naman niyang nagustuhan si george dahil obsess ito sa asawa ko. Sad to say dahil hindi okay ang nangyari sa kanya at ayaw ko naman sanang mangyari yon pero diyos ang may gusto nun hindi ako.

Bago kami bumalik dumaan kami sa puregold para bumili ng karne at sa mini shop para mag bili ng kung anu ano. Masaya ako dahil kahit papano walang nagbago sa relasyon namin, may mga oras na nag aaway kami di naman talaga maiiwasan yon dahil sa mga babaeng akala mo hinuhubaran pag nakakita ng lalake.

Nakaka paranoid minsan kahit alam kong di naman talaga papatol si jumin sa kahit na sinuman. Feeling ko wala naman talaga akong kalaban kundi ang sarili ko dahil sa pagiging nega ko at diko gustong pairalin yon dahil baka yon ang makasira sa relasyon namin dapat may tiwala ako sa kanya dahil alam kong ganun din ito.

.

.

.

Pagkabalik namin, nadatnan ko sila kuya na nag uusap nila mama ng masinsinan, nilapag muna namin ni jumin ang mga pinamili bago kami mag joined sa kanila.

Nakipagkwentuhan din kami may kunting problema dahil yong kasong hawak nila kuya ngayon ay ang kaso ng anak ni uncle mario yong kapatid ni tatay na naglayas at ngayon siya ang pinaka mahirap na kalaban ni kuya. Sangkot ito sa nakawan, ilang krimen at ang mag malala, nagtutulak ito ng droga.

Wala namang may alam na kamag anak namin yon, pero ang lumabas na  law na pinalunsad sa kanila ay shoot to kill daw, dahil nanlalaban talaga ito at labas pasok nalang ng kulungan.

Ang hirap naman ng ganung sitwasyon, lalo na si kuya siguradong mahihirapan siya dahil ayaw niyang masasaktan ang pamilya niya pero sabi ni jumin choice ng pinsan namin yon at hindi namin mababago kahit baguhin naman yon babalik at babalik pa din ito sa dating gawi.

.

.

Namumungay ang mga mata ko habang kinukusot ang mata, tulog pa ang mag ama ko kaya bumaba na ako, nadatnan ko si mama na kausap si kuya sa cellphone.

Ayoko sanang makinig pero aksidente ko pa ring narinig ang pinag uusapan nila. Hindi namamalayan ni mama na nasa likuran na niya ako "Ma, anong oras na para malaman ko?" nanlaki ang mata nito habang aligagang pinasok sa bulsa ang cellphone.

"Kanina ka pa ba diyan anak?" gulat na tanong nito "Ma, ano ba kasi yon at parang gulat na gulat kayo diyan?" pinilit kong iwaglit ang narinig ko kay mama para di siya mag isip ng kung ano pa.

"Anak, sa tingin ko ito na ang tamang oras para malaman mo ang katotohan" kumunot ang noo ko sa narinig kay mama "Anong ibig niyong sabihin ma? Aside sa nalaman ko tungkol sa anak ni uncle mario meron pa bang mas malala dun?" enteresadong tanong ko.

"Malalaman mo rin anak, kailangan mo lang ihanda ang sarili." "Bakit? Ma, anong ibig mong sabihin, naguguluhan po ako" pinisil niya ang pisngi ko saka ako tinitigan sa mata "Anak, oras na para makita mo ang tatay mo" diko alam kong matutuwa ako sa sinabi ni mama, may bahid ng lungkot sa mga mata at boses nito habang sinasabi yon.

Hinanda ko na ang sarili, alam kong matagal ko nang gustong mangyari to ang makita ulit si tatay. Tinawagan muna ni mama si aira at kuya, para sabay-sabay naming puntahan si tatay.

Si baby roy at baby daniel nasa kanya-kanyang yaya nila. Habang si jumin nakahawak sa kamay ko na para bang gusto niyang iparamdam na magpakatatag ako. Sa totoo lang, masaya akong makikita ko ulit si tatay pero bakit naninikip ang dibdib ko habang palapit ng palapit kami sa katotohanan.


Nasa kahabaan na kami ng biyahe, sobrang tahimik ang lahat. Nakakapanibago ang naging reaksyon ng lahat hindi ko alam kong anong meron o anong mangyayari ngayon. Ang weird bigla nang naging reakyon nila.


Habang papalapit kami sa direksyon ni tatay nung huminto na ang isang sasakyan. Parang unti-unting lumilinaw na sakin ang katotohanang......


Katotohanang,....hindi, baka mali ako. Tama, mali ang nakikita ko. Hindi totoo to. Alam ko sa sariling mali ang nanikita ko at ayaw kong tanggapin ang katotohanang sinasabi nila mama.

.

.

.

Update:

Hello my gorgeous readers, malapit na pong matapos baka mga isang chapter nalang tapos na. Binigyan ko lang siya ng twists para magkaron ng magandang ending although, di naman talaga ending ng storya nila pero gusto kong na magustuhan niyo pa din to😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon